Chapter 9

35.6K 855 8
                                    

Chapter Nine

Panibagong araw na naman at sa nagdaan na araw hindi ko naisip na wala na pala akong trabaho rito sa mansyon ni Ezekiel, kailangan ko ng pera para may maipadala ako sa pamilya ko sa Cagayan. Paano ko sila tutulungan kung wala na akong trabaho?

Hindi na ako katulong kaya wala na ako sweldo matatangap pero hindi ko din alam kung bilang asawa may pera rin ako matatangap kay Ezekiel,nakakahiya manghingi sa kanya baka isipin niya oportunista ako porket asawa niya ako.

Kaya naman naisip ko maghanap ng trabaho.

Sana naman ngayon mas makahanap ako ng trabaho kaysa nandito lang  ako nag-iisip ng paraan paano matatagpuan yung Blue Files na pakay ko sa kanila at makuha ang loob ni Ezekiel.

Maganda na din na may trabaho ako para naman sa pamilya ko, dahil nag trabaho ako hindi para sa sarili ko lamang kundi para sa pamilya ko rin.

Tinawagan ko si Maddison baka sakali may maitulong siya sa'kin hindi mang-akit kailangan ko siya baka matulungan niya ako makahanap ng trabaho.

Matapos ko siya makausap agad naman ako umakyat sa silid namin ni Ezekiel para makapagbihis ako at kay Manang na lang ako magpapaalam na aalis ako dahil makikipagkita lang ako sa kaibigan ko.
Panigurado naman makakauwi ako bago makauwi sila Ezekiel, hindi ito nagpaalam kanina na aalis basta na lang ito umaalis kung kailan niya gusto na wala siyang pakialam kung alam ko o hindi kung saan siya pupunta. Sabagay e asawa niya lang naman daw ako sa papel kaya wala ako karapatan nga daw alamin ang buhay niya.

Edi wag.

Mag isang oras rin ng makarating ako dito sa tagpuan namin ni Maddison, sabi niya dito na lang kami sa convenience store tapat ng University magkita dahil kasalukuyan pa siya nasa loob ng unibersidad.

Sana all nag-aaral

Wala pa siya ng dumating ako kaya naman bumili muna ako ng makakain ko sa loob para may kumakain ako rito sa labas habang naghihintay sa babae na yon.

Mag 20-minutes ng dumating siya rito at hindi lang siya iisa kasama niya sila Denver,Cloud at Raine.

"Kanina ka paba dito? Pasensya kana late kasi nagpalabas yung last professor" bumeso sa akin si Maddison ganun din ang tatlo "bakit mo pala gusto ako makita? Namiss mo ako noh? Kung bumalik kana kasi sa pag aaral hayaan mo na si Denver magpaaral sayo" ngumisi pa ito sa'kin.

Inirapan ko ito "Ilang minuto lang naman ako naghintay dito at bakit mo kasama ang tatlo?" Ngumuso si Raine sa'kin

"Grabe Zoe hindi mo ba ako namiss?" Untag nito. "Hindi" natatawang sagot ko kaya mas lalo ito ngumuso. Natawa naman ang kasintahan nito sa kanya at inakbayan siya.
"Parang blooming ka Zoe? Inlove ka noh?" Binato ko naman ng mani na kinakain ko si Cloud

"Inlove ka jan wala na kasi ako thesis na kaharap kaya blooming talaga ako at natural yan dahil maganda ako noh" irap na sabi ko kaya natawa ang tatlo

"Maiba tayo bakit mo nga gusto makipag kita?" Putol ni Maddison sa tawanan
"Kailangan ko kasi ng trabaho Madz kaya kailangan ko ng tulong mo" humawak pa ako sa kamay nito "Ang hirap makahanap kaya baka matulungan mo ako makapasok sa pinapasukan mong trabaho" nag puppy eyes pa ako rito.

"Diba may trabaho ka naman na Zoe? Ano nangyare?" Sabat ni Denver kaya napatingin ako sa kanya at napakamot sa ulo. Paano ko sasabihin sa kanya?

"Ahh eh.. tinanggal na ako sa pinapasukan ko dahil nagbawas sila ng trabahador sobrang dami na kasi namin nagtatrabaho dun" pagsisinungaling ko. Tumango naman ito.

"Pero Zoe alam mo naman sa Bar nagtatrabaho si Maddison diba?"
"Alam ko naman Denver kaya nga humihingi ako ng tulong sa kanya"

"Pero meron naman mas maayos pang trabaho bukod sa pinapasukan ni Maddison" apela nito. Hinampas naman siya ni Maddison sa braso.
"Hoy Denver maayos naman ang trabaho ko sa Bar ah.. Hindi porket sa bar masama na mag trabaho at hindi maayos ang trabaho dun" irap ng babae sa kanya

Seducing The Mafia Boss (MAJOR EDITING&REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon