Chapter 2

45.8K 1K 18
                                    

Chapter Two

Manang Loleng tanong lang po nasaan po ang magulang ni Sir Ezekiel?" Tanong ko sa matanda habang nagpupunas kami ng mga tapos na hugasin, gabi na rin kaya naman pagtapos rito pwede na kami makapag pahinga

"Bakit curious ka sa buhay ni Ezekiel?" Umiling naman ako

"Hindi naman po masyado manang nagtataka lang ako bakit puro kaibigan nya ang kasama nya rito sa bahay nya at wala rin ako makita kahit ano mga larawan lalo na sa pamilya nya"

"Pribado ang buhay ng mga Ichihashi kaya wag kang maraming tanong tungkol sa kanila baka pag nalaman nila lalo na si Ezekiel mayari kapa" agad naman ako tumango

Gaano ba sila kayaman para maging masyado pribado buhay nila? Tinatanong ko lang naman nasaan magulang ng amo ko ayaw pa sabihin,parang others naman ito si manang

Nang matapos na kami sa pagpupunas sinigurado ko muna nakasarado ang mga pinto at bintana bago ako pumasok sa akin silid, si Manang nauna na sa kanyang kwarto syempre oldies first kaya sinabi ko mauna na sya magpahinga at ako na bahala mag check sa lahat ng pinto at bintana

Mahirap na sa laki ng bahay na ito at yaman na nakatira baka pasukin pa kami ng magnanakaw at masisi pa sa amin bakit sila nalooban ng magnanakaw

Nasa pinto na ako ng pool area ng matanaw ko si Sir Ezekiel nasa labas pa habang umiinom ng alak at malalim ang iniisip, chicks siguro iniisip nito iniwan sya kaya sya nag eemote

Hahayaan ko na sana sya at papasok sa loob ng mapahinto ako nung nagsalita sya habang nakatalikod sakin

"What are you doing here?" Mariin na tanong nito at saka sya humarap

Shemay naman na malagkit bakit ang lalim ng tinggin nya sakin? At medyo nakakaakit?

Wag ka malandi Zoe, amo mo yan!

"Ako po ba kausap nyo?" Tanga kong tanong, syempre naman gaga sino paba tao bukod sa inyong dalawa? Tinaasan lang ako nito ng kilay kaya naman napakamot ako sa ulo ko
"Pasensya na po sir Ezekiel,nag double check lang po ako ng mga pinto at bintana hindi ko naman po alam nanjan po pala kayo" medyo nakangiwi sa sabi ko "sige po mauna na po ako sa loob" tumalikod na ako sa amo ko at muli humarap sa kanya ng may naalala

"Sir, pwede palock na lang po ng pinto pagpasok nyo hehe.. baka malagot ako kay Manang eh.. salamat po" agad ako tumalikod pagkasabi ko at nagmamadali pumunta na sa silid ko

Nakakahiya ka Zoe ang kapal ng mukha mo utusan amo mo!

Hindi naman siguro ako papagalitan noh? Pinaalala ko lang naman para rin naman sa safety ng bahay nya kapag nilock nya ang pinto
  Aaron John's POV
Dapat nakikipag date ako ngayon pero heto ako ngayon nasa opisina ni Ezekiel ang matalik kong kaibigan slash boss ko na rin, magkakaibigan ang tatay namin nila Ezekiel,Sean at James kaya naman nagkakilala kami at naging magkakaibigan. Matigas lang ang puso ni Ezekiel pero alam namin na mahal nya kami mga kaibigan nya.

Shet kilig naman yon...

"Bakit mo pala ako pinatawag Ezekiel? May kailangan kaba o ipag-uutos?" Tanong ko, mula sa pagtinggin nya sa bintana umupo ito sa swivel chair nya saka may inabot na puting folder sa akin kaya naman agad ko ito binuklat

Bio-data ni Zoe? Ang katulong nya

"I want you to investigate that girl secretly" utos nito, tumango naman ako pero nagtataka na tumingin sa kanya

"Bakit? Anong problema at pinaiimbestigahan mo sya? Kahina-hinala ba ang kilos nya sa loob ng bahay mo?"
Umiling ito sa tanong ko

"I want to make sure she's harmless and not spy of our enemy" tumango naman ako muli at sumaludo sa kanya

Seducing The Mafia Boss (MAJOR EDITING&REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon