Chapter 8

37.7K 1K 86
                                    

Chapter Eight

Apat na araw na simula ikinasal ako kay sir este Ezekiel na lang pala hindi ko naman na siya kailangan tawagin 'sir' dahil asawa niya naman na ako, ano kaya pwede ko tawagin sa kanya?

Baby cakes?
Sugarplum?
O Icing na lang itawag ko kasi Icing ibabaw ng cupcake ko?

Binatukan ko naman ang sarili sa naisip "Baka mauna pa mabaon sa ibabaw ng ulo ko ang bala ng baril niya kung tatawagin ko siyang ganun"

Napahugot na lang ako ng hininga at napatingin sa paligid ko nandito na ako ngayon sa loob ng kwarto niya at dito na din ako natutulog apat na araw na rin,
At akala niyo nakakatabi ko siya? Pwes hindi.

Apat na araw na rin siya hindi umuuwi rito sa mansyon niya kaya naman ako lang mag isa rito natutulog sa silid niya, at sa loob ng apat na araw nagkaroon ako ng pagkakataon ikutin itong loob ng silid niya at halughugin lahat ng gamit niya pero wala ako makita na Blue Files na sinasabi ni Zander.

Nasa isang kulay itim na folder daw ito at makikita ko ito kapag nakita ko ang nakasulat na 'Blue Files' napapaisip nga ako bakit ganun ang pangalan ng pinapahanap niya kung sa gayon nakalagay ito sa itim na folder bakit hindi sa kulay blue rin?
Napaikot na lang ako ng mata sa naisip.

"Mababaliw ang ganda ko kung mananatili ako rito sa loob" usal ko sa sarili

Kaya naman nagdesisyon ako lumabas ng silid bumaba agad ako sa sala pero wala ako nadatnan na tao kaya naman sa kusina na ako pumunta sunod, wala rin tao rito.

Nasaan si Manang?
"Manang Loleng? Manang Loleng where are you? Here na me" sigaw ko para naman marinig ako ng matanda

"Nandito ako sa may hardin Zoe!" Rinig kong sigaw mula sa labas kaya pinuntahan ko ito.

Nakita ko naman si Manang Loleng nandito sa may Hardin pinagtyatyagaan ang mga halaman na wala naman mga kabulaklak-bulaklak, "Nandito lang pala kayo Manang,nasaan po ang mga tao rito sa bahay?" Tanong ko

"Sabay sabay sila umalis, nakatanggap ng tawag sa asawa mo kaya ayun nagsialisan"

  Asawa mo..
Shet maisip ko lang na asawa ko na talaga si Ezekiel kinikilabutan ako sa takot, isipin mo ba naman asawa mo isang Mafia Boss sino hindi kikilabutan.
Maisip ko nga lang na malaman niya mga balak ko sa kanila hihimatayin na ako, parang mas gusto ko na lang patayin ang sarili ko kaysa siya pa ang pumatay sa'kin.

Pwede bang patayin niya na lang ako sa sarap?

"Tulungan ko na po kayo Manang jan" lumapit naman ako at tinulungan ito mag putol ng mga dahon na sagabal at patay na. "Bakit nga pala walang mga bulaklak rito sa hardin Manang?" Tanong ko

Bumuntong hininga ito bago sumagot "Noon meron rito mga tanim na mga bulaklak at lahat yung bumubunga ng magagandang bulaklak" nakangiti na sabi nito "kaso nga lang mawala si Stella napabayaan itong hardin kaya namatay ang mga bulaklak at hindi na tumubo muli" malungkot na dagdag nito.

Napakunot naman ang noo ko sa pangalan na binigkas nito, kanino ko nga ulit narinig ang pangalan Stella? Gaano ba siya kaimportante rito sa Mansyon lalo na sa buhay nila? At sino ba siya?

Napapikit naman ako ng kumirot ang bahagi ng ulo ko,kaya napahawak ako sa sentido at hinilot ito.

"Okay ka lang ba Zoe?" Napahawak si Manang sa braso ko binigyan ko naman ito ng tipid na tungo para masabi na okay lang ako
"Okay lang po ako Manang, gusto niyo po ba turuan ko kaya tamang pagtatanim ng mga bulaklak at pag aalaga? Marunong po ako" usal ko na lamang.
"Sa Probinsya po namin marami akong tanim na mga bulaklak kahit mga gulay meron din kaya wala kaming problema kung magmahal man ang bilihin ng gulay" nakangiti na sabi ko.

Seducing The Mafia Boss (MAJOR EDITING&REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon