Chapter 3

42K 979 34
                                    

Chapter Three
Nandito na po ako Manang" salubong ko sa matanda pagpasok ko sa loob ng kusina, nilapag ko naman lahat ng mga bitbit kong mga pinamili ko sa counter table rito "Aayusin ko po muna lahat ng pinamili ko manang" sambit ko sa matanda, umiling naman ito at inagaw ang gagawin ko sana

"Ako na rito iha, duon ka na lang sa laundry area at pasuyo ng mga naiwan ko roon. Banlaw na lang naman at isasampay" tumango ako sa utos nito saka nagpaalam para magtungo na sa laundry area

Matapos ako sa inutos ni Manang pumasok muli ako sa kusina paa uminom ng tubig pero napatigil ako sa pagpasok ng madatnan ko si Sir Clyde nasa kusina at may kausap sa telepono, napatinggin ito sa gawi ko sumenyas naman ito na ituloy ko ang pagpasok at ituloy kung ano dapat gawin ko

Huhugasan ko sana ang pinag inuman kong baso ng bigla ako kausapin nito "you're Zoe right?" Tumango naman ako
"Nursing student? So why are you here?" Tanong pa nito muli

"Working student po ako sir Clyde, dati ako nagtatrabaho sa coffee shop malapit sa University pero isa ako sa natanggal" sagot ko "sumubok ako maghanap ng ibang trabaho pero matataas ang qualifications na hanap ng iba kaya nung nakita ko naghahanap kayo ng maid sinubukan ko na"

"But we need full time maid, paano ang pag aaral mo?" Tanong pa nito
question and answer portion ba ito?
"Ahmm... Yung nga po hindi ko na dapat papasukan kaso kailangan ko na po ng trabaho kasi naaksidente po kasi tatay ko kaya malaki ang gastusin namin sa hospital, pinili ko rin huminto sa pag aaral muna kasi bumagsak din naman ako kaya uulit din namna ako ng semester" ngumiti pa ako ng pilit, pinagmasdan pa ako mabuti ni Sir Clyde at yung tinggin nya parang hinuhusgahan pagkatao ko
Siguro nasa isip nito "Gandang babae, bobo"  nakakahurt naman isipin

Tumango na lang ito saka walang paalam na umalis na, "gwapo sana at crush ko pa naman, kaso bastos bigla bigla na lang naalis" hmp!

Tinuloy ko na ang paghugas sa pinag inuman ko at mabasag ko pa kung patuloy ko lang hawak ito

"Are you deaf?"

"Ay palakang kabayo!" Gulat na sambit ko at ayun na nga nabasag ko na ang baso na hawak ko, pero nanlaki ang mata ko ng nasa gilid ko na pala si sir Ezekiel "s-sir Ezekiel kayo po pala,pasensya na po" taranta naman ako dahil hindi ko alam gagawin ko
"Teka po lilinisan ko lang po itong nabasag na baso,pasensya na po kayo ibawas nyo na lang po sa sahod ko yung nabasag na baso" kasalanan mo ito sir Ezekiel kung hindi ko ako ginulat edi sana hindi ako nakabasag edi wala sana akong kaltas

"Go to my office" mariin lang na sabi nito at tumalikod na saka lumabas ng kusina

Tignan mo ito parehas kayo ni Sir Clyde babastos ng ugali, "sige po sir, tatapusin ko lang po muna ito"

Pagtapos ko linisin yung nabasag na baso dumiretso na ako sa opisina ni sir Ezekiel rito sa mansyon nya nasa second floor, tanggal naba ako agad sa trabaho dahil lang sa nabasag ko na baso? Jusko wag naman sana
Palitan ko na lang yung baso kahit 100 pcs. pa wag lang ako matanggal
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako pumasok sa loob, naabutan ko sya na busy sa pagbabasa na kung ano sa laptop nya habang may kape na hawak "Sir Ezekiel bakit niyo po ako pinapunta rito?" Kinakabahan na tanong ko

Tumingin ito gamit ang seryosong expression na mukha nya at sumenyas na umupo ako sa silya nasa harap ng table nya,kaya naman dahan dahan ko lumapit at umupo

"You are from Cagayan Valley right?" Tumango naman ako sa tanong agad nito
"Opo sir, Duon na po ako pinanganak at lumaki hanggang sa nagdesisyon ako mag aral rito sa manila" sagot ko, Question and Answer portion na naman ba ito?

Nailang naman ako sa pagtitig nito na tila sinusuri ako at sa tinggin pa lang konting mali ko lang ata sa lupa ang bagsak ko, pwede ba sa kama? Charot!
"Bakit niyo ho natanong sir Ezekiel?" Tanong ko at yung kaba sa dibdib ko nandito pa rin

Seducing The Mafia Boss (MAJOR EDITING&REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon