Chapter 13

35.5K 738 38
                                    

Tahimik lang ako nakaupo dito sa likod ng Van nila Ezekiel. Kahit nasa byahe na kami papunta sa Cagayan hindi ko pa rin maiwasan kabahan para kay nanay. Ano ba kasi nangyare at inatake siya sa puso?

Hindi ko namalayan na tuloy pa rin ang paglandas ng luha sa'kin mga mata kaya napatingin ako kay Alice ng abutan ako nito ng tissue. Tatlo lang sana kami babyahe papunta sa probinsya namin pero ng malaman nila agad sila sumama lahat.

  Ako at si Ezekiel lang dapat saka si Sean na magiging Driver namin.
Pero sumama sila kahit alam naman nila kung ano lang ang pakay namin kaya kami pupunta sa'min, napatingin pa ako sa gamit na mga bitbit nila akala mo outing ang lakad namin.

Napatingin naman ako kay Ezekiel na tahimik lang nakaupo sa front seat habang busy ito sa kakadutdot niya sa kanyang laptop. Kahit saan talaga siya pumunta lagi na lang may hawak na cellphone at laptop. Masyadong workaholic na tao.

Ilang oras rin ang byahe namin bago kami nakarating dito sa Cagayan Valley.

Pagbaba namin ng Van si tukyo agad ang bumungad sa harapan ko "ikaw lang pala ganda,buti naman nakauwi kana dito sa bayan natin" ngumiti pa ito na labas ang bungal niyang harapan ngipin.

  Napalingon naman ako sa tumabi sa'kin, si Ezekiel.

Seryoso ang mukha nito at kita ang dilim ng awra. Hanggang dito ba naman bitbit ang masamang espirito sa katawan.

"Sino yan Ganda?" Tanong ni Tukyo. Napatingin pa siya sa ibang kasama ko "at may iba kapa mga kasama at mukhang mga artista pa ata" untag nito.

"Pwede Tukyo mamaya na ang chika sayo. Nandito ako para kila nanay hindi para makipagchismisan sayo"
Ngumuso pa ang loko sa akin. "Ikaw naman Ganda lagi ka masungit, sige na at sakto kakauwi lang nila aling Zandra sa bahay niyo"

Hindi ko na ito pinansin at tinahak ko na ang daan papunta sa bahay namin, kita ko pa ang mga mata ng chismosa namin mga kapitbahay nakatinggin sakin at sa mga kasama ko.

  Pagkarating sa tapat ng bahay agad ako pumunta sa pintuan para kumatok.

"Saglit lang!" Rinig kong sigaw mula sa loob. Zia.

Pero patuloy lang ako sa pagkatok "saglit lang naman, sino ba yan tila nagmamadali" rinig ko pa sabi ni Zia. Nang pagbuksan ako nito agad ko ito sinalubong ng yakap.

"Ikaw pala ate Zoe" niyakap din ako nito pabalik. "Tay, nandito na si ate! Nay at kuya Zack si ate nandito na" sigaw nito. Tumingin ito sa mukha ko at niyakap muli ako. "Namiss kita ate ko, buti naman umuwi kana" ramdam ko ang sabik sa boses ng kapatid.
Niyakap ko din si tatay ng lumabas ito mula sa silid nila nanay "anak" naluluha na tumakbo ako palapit dito at niyakap.

"Namiss kita tatay" napatingin pa ako sa kanya na may saklay at may bandage pa nakalibot sa isang paa niya.

  "Bakit kasi hindi kayo nag iingat tignan niyo tuloy" naiiyak na sabi ko.
Ngumiti lang ito at niyakap muli ako. "Nandito na si ate?" Humahangos na sabi ng kakarating lang na si Zack. Galing siyang likod ng bahay.

Mabilis ito lumapit sa akin at niyakap din ako.

Ginulo ko na lang ang buhok nito at niyakap pabalik. "Si nanay mo tulog pa, nagpapahinga" sabi ni tatay. Tumango naman ako at sinilip ang loob ng silid nila at nandun nga si nanay nakahiga sa papag nila at mahimbing natutulog.

Seducing The Mafia Boss (MAJOR EDITING&REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon