Chapter 4

40.7K 1K 55
                                    

Chapter Four
Finally, I found you" masayang bigkas ni Ma'am Ellen habang yakap yakap ako, humiwalay sakin ito pero nakahawak sa magkabilang balikat ko. Nakangiti pa ito at halata talaga na masaya siya nakita niya ako, magkakilala ba kami?

"How did you know her tita?" Takang tanong ni Angel, humarap naman ito sa kanila at hinila ako papalapit kay sir Ezekiel
"Kasi siya ang magiging asawa ni Ezekiel" masayang anunsyo nito na nagpalambot ng tuhod ko, asawa? Magiging asawa ng amo ko na yan to the highest level ang kasupladuhan? Kailan pa bakit huli ako sa balita?

Napatingin naman ako kay sir Ezekiel na kahit seryoso ang mukha kita ko rin ang gulat sa mukha nito sa sinabi ng nanay niya, parang bomba naman kasi si Ma'am Ellen nakakagulat sa pasabog. Tumikhim naman ako kaya napatingin ang ilang sa akin lalo na si ma'am Ellen na nakapaskil na ata ang ngiti sa labi

"S-saglit lang po ma'am ah? Pero paano po nangyare ako magiging asawa ni sir Ezekiel?" Lito kong tanong, hindi ko kasi maintindihan bakit ako?

"Well nagkaroon ako ng social experiment nakaraan" simula nito na kwento
"Vlogger yarn tita Ellen?" Siniko naman ni Ms.Angel si Sir James "Manahimik ka nga"
"Yun na nga nag social experiment ako at sa lahat ng tao nakasalubong ko ikaw lang bukod tangi tumulong sakin pati na rin isang lalaki pero syempre lalaki yon at girl ang hanap ko para sa gwapo kong anak" ngumiti pa ito at hinawakan ang dalawang kamay ko "ikaw ang gusto ko para sa anak ko"
"Desisyon yarn?".
"Stop it mom, I not going to get married" seryoso sabi ni Sir Ezekiel sa nanay, mas lalo naman ako mas pipiliin ko pa si Sir Clyde maging asawa kahit masungit rin may mabuting puso at crush ko pa. Hindi katulad sa isa na yan masungit na nga wala pang good heart, naalala ko nakaraan nadapa ako nakita niya naman hindi man lang ako tinulungan tumayo umismid lang at umalis samantala si Sir Clyde tinulungan ako hmp!

"Ma'am Ellen pasensya na po pero hindi pa po ako handa magpakasal, bata pa ako para sa bagay na yan"
"Anong bata? Ilang taon kana ba?"
"22 years old po"
"Edi hindi kana bata 22 kana hindi naman na minor" aangal pa sana ako pero nagsalita naman si sir Ezekiel

" Stop this nonsense mom, don't get me mad" umalis na ito sa sala at umakyat sa taas
Hindi paba siya galit sa lagay na yon? "Madam Ellen, mas maganda pumunta na tayo sa Dinning area para makakain na kayo at mukha hindi kumportable si Zoe sa sinabi mo" sumingit na si Manang Loleng sa eksena

"Tama tita masyado mo ata binigla si Zoe" sabi naman ni Ms.Alice, pumunta naman sa harap ko si ma'am Francheska
"Pasensya kana sa Mommy ko hindi pa siguro nakainom ng gamot kaya ano ano na naman sinasabi" nakangiti na sabi nito

"Ginawa mo pa akong baliw Cheska" segunda ni Ma'am Ellen
"Totoo naman mommy,saka gusto mo ba palayasin tayo ni kuya?" Umirap lang ang ina nito at tumingin muli sakin "pag isipan mo mabuti ang alok ko ah?" Napangiwi naman ako
"Tita Ellen I think we should eat first" singit ni Sir Clyde at pumasok na sa may Dinning area, sumunod naman ang iba kakausapin pa sana ako ni Ma'am Ellen ng tinulak na ito ng anak
"Tama na yan mommy, kumain na tayo"

Napahinga naman ako ng malalim ng mawala sila lahat sa harap ko, grabe naman pasabog yon kasal talaga? Jusko hindi pa ako ready mag asawa, napailing na lang ako at sumunod na sa kanila para mapagsilbihan na.
Habang nakain sila naiilang naman ako sa pagsulyap-sulyap ni Ma'am Ellen sakin,hindi ko naman ginayuma itong ginang na ito pero kung makatinggin parang gustong gusto talaga ako para sa anak niya na ubod ng kasungitan. Napayuko naman ako ng mapatingin din sa gawi ko si Sir Clyde hindi ko naman maiwasan pamulahan ng mukha, sht naman kasi tingin pa lang nakakalaglag panty na hehehehe...
Matapos lahat sila kumain bumalik lahat sila sa sala para makapag kwentuhan daw dila ng maayos at maligpit na namin ni Manang lahat ng pinagkainan nila, si Sir Ezekiel pala hindi na sumabay sa hapunan galit niya ata sa mama niya,kaloka naman kasi si Ma'am Ellen kung makapagsabi ng kasal akala mo naman nag uutos lang magpabili ng kendi. Saka hindi nababagay ang tulad ko sa mayayaman dahil maganda lang ako pero hindi ako mayaman na katulad at nababagay sa mga tulad nila.

Ilalagay ko na sana lahat ng plato sa lababo ng mabitawan ko ito dahil sa gulat sa mga putok ng baril "jusko, ito na naman tayo" takot na bulaslas ni Manang Loleng na ngayon tulad ko napaupo din sa takot, sino ba naman hindi matatakot puro putok ng baril naririnig naman ngayon. Napatili naman ako ng makarinig ako nabasag na kung ano sa sala "Manang, ano nangyayare?" Natatakot na tanong ko, jusko ko po ayoko po maging Anghel ni Lord pa

Humahangos na pumunta samin si Sir Aaron, "Manang and Zoe magtago kayo at siguraduhin niyo ligtas kayo" sabi nito at tumingin siya kay Manang "Alam niyo naman po ang gagawin diba?" Tumango si manang sa Binata, at nanglaki ang mata ko ng dumukot ito sa tagiliran niya ng baril. "Sige na magtago na kayo" pero napayuko kami tatlo ng mabasag na ang mga bintana rito sa kusina "pnynta" malutong na mura ni sir Aaron

Napatakip naman ako sa magkadalawang tenga ko ng mas luminaw at lumakas ang tunog ng mga putok ng baril, nagsisimula na din ako manginig sa takot

"Dito ka lang sa loob ng drum Zoe,magtago ka lang" boses ng isang lalaki
"Pero natatakot ako,wag mo ako iwan rito" umiiyak na pakiusap ko sa isang lalaki na hindi malinaw ang mukha "pakiusap wag mo ako iwan" mas lalo na pa nadagdagan ang takot ko sa mga naririnig kong putok ng baril. Magsasalita pa sana ako ng ipilit niya ako ipasok at takpan
"babalikan kita"  yung ang huling sinabi niya bago niya ako iwan ng takot at luhaan

"Zoe? Zoe gising iha" napamulat naman ako ng mga mata naramdaman ko may tumatapik ng mahina sa pisngi ko "buti naman gumising kana, binabangungot ka na ata kaya pinilit ko na gisingin kana" napaupo naman ako at napatingin sa paligid ko hindi ito ang kwarto ko sa mansyon ni sir Ezekiel
"Manang asan po tayo?" Takang tanong ko habang pinagmamasdan pa rin ang paligid,napatingin naman ako ng sumagot ito
"Nandito tayo sa bahay ng magulang ni Ezekiel,hinimatay ka kagabe" bumalik naman sa alaala ko ang mga nangyare. Mga putok ng baril
Hinawakan ni manang ang kamay ko nagsisimula manginig "wag kana matakot Zoe ligtas na tayo, wala kana dapat ikatakot" nanubig naman ang mata ko dahil nagsisimula muli bumalik ang alaala ko sa mapait kong nakaraan na pinilit kong kalimutan
"Maganda kumilos kana at handa na ang almusal natin dalawa saka hinihintay ka rin nila Angel magising dahil kagabe pa sila nag aalala sayo" tumango naman ako

Paglabas ko ng silid napantanto ko nasa pangalawang palapag kami ng bahay at nasa isang guestroom ako, nakakahiya ka Zoe! Bumaba na ako at naabutan ko nasa may sala sila ms.Angel at ms.Alice kasama ang dalawang kaibigan na si sir Clyde at sir James

"Buti naman okay kana Zoe, super ako nag alala sayo" napakabait talaga ni Ms.Angel kahit na katulong lang nila ako
"pasensya kana sa nangyare kagabe hindi naman inaakala aatakihin kami, nalaman siguro nila nakauwi na sila tita kaya nagsimula na naman sila" lito na napatingin naman ako sa kanila, dahil anong ibig nilang sabihin? Normal ang ganito bagay sa kanila, sabagay mayayaman kaya maraming kalaban pero nakakatakot pa rin

"Gaano po ba kayo kayaman ang ganun na lang may kalaban kayo kailangan pa kayo patayin?" Napailing naman si Ms.Angel tanong ko "wag mo na alamin Zoe, ang mahalaga ligtas ka"

"Tsk"

napatingin naman kami kay Sir Clyde ng umismid ito "why don't we just tell her the truth, that way she knows the world she lives in with us" seryoso na sabi nito,sinaway naman ito ni Sir James "pero baka matakot lang siya sa atin"

"Then she can leave if she wants, nothing can stop her"

"Tama si Clyde dapat na natin sabihin kay Zoe, kung sakali matakot siya walang pumipigil sa kanya umalis." Segunda ni Ms.Alice, napatingin naman ako kay Ms.Angel ng humugot ito ng malalim na hininga at tumingin ito sa akin

"Well I think you're right Clyde" tumingin ito sa lalaki at bumalik ang tingin sakin "You need to know about us Zoe, para naman alam mo na kung bakit may ganun kagabe at sa mga susunod pa" nanglaki ang mata ko sa sinabi nito
"Susunod pa? Ibig sabihin meron pang kasunod ang ganun eksena?" Para akong aatakihin sa puso sa nalaman,tumango naman ito

"Yes Zoe, dahil hindi lang kami basta nasa Business Industry meron pa kami ibang negosyo na hindi normal para sayo siguro" nagkitbalikat ito "But straight to the point we are in Mafia World kaya hindi kami basta basta na tao lamang, and Ezekiel he's a Mafia Boss he can't just be messed with" seryosong sabi nito na ikahihimatay ko ulit ata.

Seducing The Mafia Boss (MAJOR EDITING&REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon