Chapter 1

5.6K 108 20
                                    

Chapter 1

[Irene's POV]

"Hindi kayo tatayo or umuupo kung walang aamin sainyo na nakasama ni Irene nung gabing 'yon."-hiyaw ni Mr. Kim sa 12 niyang anak na binata na naka-squat sa harap namin.

"Eh... Dad, hindi na rin po namin maalala."-sagot ni Xiumin na halos mangiyak na. Sa sobrang galit ni Mr. Kim ay sininturon niya sa pwet ang 12 na mga binata.

"Mga loko loko talaga kayo! Paanong hindi maalala? "-sigaw ng dad nila.

"E dad, lasing po kaming lahat 'non. "-sagot ni Lay. Lalong nalisik ang mata ni Mr. Kim at pinagpapalona naman na parang batang maliliit ang mga binata niya.

"Dad, tama na po... "-halos maiyak na si Sehun ang bunso ni nila.

"Naglasing kayo? At nagsama pa kayo ng babae? "-nag-iinit na tanong ni Mr. Kim

"E dad, hindi naman po namin gusto mangyari 'yon at wala po kaming balak talaga na masama kay Irene. Malinis po konsensya namin nagkataon lang po na nawalan na po kami ng malay sa ginagawa namin. "-depensa ni D.O

"Hindi ko pa rin kayo maintindihan. "-halos mapasabunot na si Mr. Kim sa sarili niya at gulong gulo na siya.

"Dad, sorry na hindi rin namin po alam kung sino po at wala naman pong kasama si Irene 'nung gumising po siya. "-sagot ni Suho.

"Ewan ko sa inyo! Bahala kayong mag-usap usap jan. Alam ko namang mga matitigas ulo at pasaway kayo pero sana hindi na kayo nandamay pa ng babae sa kalokohan niyo. Seryosong problema 'to. "-galit na galit na sambit ng dad nila.

Kitang kita ko ang takot nila habang pawis na pawis na silang naka-squat sa harap namin.

"Sorry po Dad, aakuin nalang po naming lahat ang responsibilidad na panindigan si Irene habang hindi pa po nakikilala ang ama ng bata. "-suggest ni Kris.

"Ay dapat lang, kahit hindi kayong lahat ang ama ng bata ay kasalanan niyo pa rin yan dahil kayo may pakana ng inuman sa private house niyo. I trusted all of you tapos ganito? "-halos maiyak na sa galit si Mr. Kim sa mga anak niya.

"Sorry po Dad. "-sabay sabay na banggit ng 12 na binata sa Dad nila. Agad naman akong lumapit kay Mr. Kim at tinapik balikat niya.

"Mr. Kim, magpahinga po muna kayo kami nalang po mag-usap usap para hindi po kayo nadadamay sa problema. Pasensya na ho. "-sambit ko.

"Mabuti pa nga Irene, sige at mag-usap kayo ng 12 na mga batugan kong anak. Doon muna kami pero hindi ibig sabihin hindi na kayo magii-squat, you'll remain in that position until someone admits."-paalala nito.

Maya maya ay pumamewang siya sa harap ng mga anak niya. "Tandaan niyo 'to hangga't ang last name niyo ay "Kim" at myembro kayo ng pamilya ko, isa pa rin kayo sa mga posibilidad na ama ng bata kaya wag kayong magsisihan. Alamin niyo kung sino ama ng bata at pag hindi niyo nalaman papatuluyin ko si Irene dito sa private house kasama niyo at aalagaan niyo siyang lahat kayong 12 ang tatayong ama ng bata sa ngayon... at pag nalaman ko lang kung sinong lintik yang nagwild nung nalasing e humanda siya. "-napalunok nalang ako sa sinabi ng Dad nila at nanlaki ang mga mata ng mga anak niya sa takot.

Ako? Live in kasama ang 12 na lalaki? Hindi kaya awkward 'yon! Tsaka paano kung pagsamantalahan na naman nila ako?

"Pare, hindi ba mapahamak na naman anak ko kung live in siya sa mga anak mong lalaki? No offense pare nadala na kasi ako e. "-kontra naman ng dad ko.

"Nako pare, huwag ka mag-alala hiwalay kwarto at banyo ni Irene at sisiguruhin kong lahat ng sulok ng bahay ay naka-CCTV para makita ko lang ang gagawin nilang kalokohan."-paniniguro ni Mr. Kim.

Who's the father? [Exo x Red Velvet-Irene Fanfic Guessing Game ]Where stories live. Discover now