Chapter 15

2K 41 4
                                    

Chapter 15

[Irene's POV]

"Ako ang kasama ng mga babies ngayon"

"Anong ikaw? Ako kasama nila! "

"Ako ang unang may plano jan mga gaya gaya kayo bwiset! "

Nakapikit pa lang ako sa higaan pero sigawan agad mula sa baba ang naririnig ko teka? Ano ba pinag-aawayan nila?

"Saakin sasama yung babies oh, inihanda ko na gamit nila. "

"Hindi ah, ako nag-prepare ng damit nila kaya ako kasama mamasyal ng babies! "

Ha? Sino daw? Babies?! That would mean... "Carson?! Cassey?! "-bigla akong bumangon at napatawag sakanila pero wala na sila sa crib sa tabi ng kama ko. Agad naman akong nag-ayos at nagtungo sa baba kung saan andoon nagkakagulo ang 12 na magkakapatid at buhat ni Lay si Cassey at si Chen naman kay Carson na parehas pang naka-pacifier, wala man lang ka-malay malay na nag-aaway na pala ang mga daddies nila.

"Oy teka? Anong nangyayari dito? Bakit nagkakagulo kayo? "-pag-aalala ko at gumitna ako sa kanilang 12 at agad ko namang nakukuha ang attention nila.

Grabe? Na-insulto tuloy ako ng palibutan ako ng mga matatangkad, nagmukha tuloy akong bonsai na tumubo kasama ng mga pine tree, k ang liit ko! anyway back to the topic.

"Eh paano naman kasi Irene, ako nag-plan ng outing ngayon kasama babies, kaso 'tong mga 'to nakikigaya na. "-sumbong saakin ni Suho.

"Anong gumaya? Matagal ko nang plano 'yan! Naunahan mo lang ako mag-aya."-sabat naman nu Xiumin.

"Mga sunungaling! Nakita niyo lang ako naghanda ng gamit ng babies kaya nagsabi na rin kayo na kayo ang may outing."-sigaw naman ni D.O

"Anong kayo? Ako nag-prepare ng breakfast nila cerelac 'noh? Plan ko na talaga ilabas sila!! "-dada ni Chen.

Oh diba? Napakinabangan din niya yung binili niyang cerelac dati. Hahaha e yung anlene kaya kailan?

Hindi nagtagal ay nagsabay sabay na silang nagbangayan at umingay paligid halos maipit na ko sa gitna nila dahil sa pag-aaway nila.

"Teka? E saan niyo ba ipupunta ang mga babies?! "-tanong ko habang nakadipa kamay ko para awatin sila sa bangayan.

"Sa Coffee Shop! "-sagot ni Xiumin.

"Sa Chinese Park! "-sagot ni Luhan.

"Sa Kriscasso art room! "-sagot ni Kris.

"Sa golf area! "-sagot ni Suho.

"Sa bahay nila grandma! "-sagot din ni Lay.

"Sa costume party sa park!"-sago ni Baekhyun at itinaas ang 2 pink baby bunny costumes na pinasadya pa yata niya para sa twins.

"Sa pool dito sa backyard ng private house."-sagot naman ni Chen.

"Sa restaurant ko! "-sagot din ni D.O

"Sa music room ko! "-sagot din ni Chanyeol.

"Sa Martial Arts training center! "-sambit naman ni Tao.

"Sa Movie theatre!"-sagot ni Kai.

"Sa Kiddie playhouse and museum! "-sagot din ni Sehun.

Nanlaki naman amg mga ko dahil as if prinactice nila ang pagkakasunod ng pagkasabi nila, arrangements din yan nung date ah? At pati mga locations e familiar din saakin. Parang kailan lang, ako ang pinapasyal nila doon ngayon ang mga babies ko naman.

Who's the father? [Exo x Red Velvet-Irene Fanfic Guessing Game ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon