Chapter 7

1.3K 43 1
                                    

A/N: Check out the multimedia above, this is for all Baekhyun-biased Exo-Ls, enjoy. Saranghae!

Chapter 7 [Baekhyun]

[Irene's POV]

Nakahiga palang ako pero nararamdaman ko nang may umaaligid saakin, maya maya ay minulat ko ng onti ang mata ko at naka-aninag ako ng naka-color pink sa harap ko. Ha? Sino 'to?

"Good Morning, Irene!"-nagulat nalang ako ng may sumigaw kaya napa-upo ako bigla dahilan para mag-untugan kami.

"Aray"-reklamo ko.

"Ouch, noo ko. "-reklamo din nito, pero maya maya lumapit 'to.

"Oh Irene, sorry."-nakaramdam ako ng may humahawak sa noo ko at nang tignan ko ito ay si Baekhyun pala na nala suot ng pink bunny costume na may hoodie.

"Baekhyun? "-tanong ko habang hinihipan niya ang na-untog kong noo habang nakahawak sa pisngi ko at napatingin 'to saakin.

"Hi Irene, kamusta gising mo? "-tanong niya.

"Uh okay lang, kaso mejo nabigla ako. "-paliwanag ko.

"Nako, simula pa lang yan marami akong surprises para sa'yo."-sambit ni Baekhyun at bigla hinawakan kamay ko. "Halika, tara sa baba para mag-breakfast ka may inihanda ako para sa'yo."

Agad na akong hinila ni Baekhyun na naka-costume ng pink bunny pababa sa hagdan at naabutan namin ang iba na nagbre-breakfast. Naibuga ni Chanyeol ang kape na iniinom niya ng makita niya si Baekhyun sa costume niya at halos manlaki mata ng iba nang makita nila si Baekhyun, ako mismo natatawa pero nacu-cute-tan ako kay Baekhyun.

"Pucha ka Baekhyun, panira ka ng umaga."-sambit ni Suho.

"Laughtrip, ano nakain mo at nag-ganyan ka? "-tawa ni Kai.

"Itigil mo na yan Baekhyun, hindi ka namin ma-seryoso sa itsura mo."-biro ni Xiunin.

"Lumalabas na naman ang pagka-baekla mo kaya naisuot mo na naman yang matagal mo nang tinatago sa baul. "-asar ni Chanyeol.

"Mga inggitero, pake niyo ba? E date namin ni Irene ngayon kaya special 'tong araw na 'to para saakin atleast ako nagpre-prepare."-dinilaan nalang ni Baekhyun ang mga nagtatawanan.

Maya maya ay inilapag nalang ni Baekhyun sa hapag ang plato na may rainbow pancakes at nanlaki mata ko rito. "Rainbow pancakes for breakfast? "-tanong ko.

"Yes, especially cooked for you, Irene."-ngisi ni Baekhyun sabay pisil sa cheeks ko. "Thank you."-sambit ko nalang.

"Hindi lang yan Irene, pagkatapos mo kumain lalabas tayo at... "-agad namang may nilabas si Baekhyun mula sa bag na hawak niya at nilabas ang isang pink bunny costume rin na kaparehas ng sakanya at iniharap saakin. "isusuot mo ito."

Halos mangiwi ako sa sinabi niya at hindi na naman makapigil sa tawa ang magkakapatid kay Baekhyun. "Walanghiya ka Baekhyun, puro ka kabagtitan ipapahiya mo naman si Irene e."-tawa ni Luhan.

"Ang pupuntahan namin ay costume party, mas mukhang tanga naman kung nakapang-swimming attire kaming pupunta. "-depensa naman ni Baekhyun. "Hayaan mo sila Irene, wag mo sila pakinggan alam ko naman cute ka at bagay na bagay sa'yo 'to."

"Hindi ba tayo mapagkamalang... baliw niyan?"-nahihiya kong tanong.

"Nako hindi ah, cute nga e! Couple costume at tsaka pinasadya ko pa talaga 'to para lang sa date natin, tatanggihan mo na ako? "-nag-pout nalang 'to saakin at nag-puppy eyes. Nako, paano mo naman tatanggihan yung ganito ka-cute?

Who's the father? [Exo x Red Velvet-Irene Fanfic Guessing Game ]Where stories live. Discover now