Chapter 14

1.9K 40 12
                                    

Chapter 14

[Author's POV]

9th month of pregnancy na ni Irene at hinihintay na lang nila na manganak si Irene sa kanyang twins. Araw araw ay inaabangan nalang ng magkakapatid ang hiya ni Irene ng...

"MANGANGANAK NA AKO!!! "-sigaw ni Irene mula sa kanyang kwarto.

Yan ang naging alarm clock ng 3 maknae na mahimbing palang ang tulog, yan ding ang dahilan kung bakit bumaliktad sa pagkagulat sa couch ang 3 batugan na nanunuod sa TV, habang si Suho naman na nagkakape sa kusina ay nai-buhos sa sarili ang kapeng hihigupin sana sa sobrang pagkagulat niya at si D.O naman na nagfli-flip ng pancakes ay naitapon ang pancakes sa ulo ni Luhan na nanunuod sakanya habang nagluluto.

"Ano daw?!"-pag-uulit ni Xiumin.

Maya maya ay bumukas ang pint9 sa kwarto ni Irene at lumabas itong hinang hina na. "Ugh! Oppa... manganganak na ako!!! "-hiyaw muli niya.

Agad namang nagpanic ang 3 sa may sala at nagsisitakbo. "Manganganak na siya anong gagawin natin?! "

Si Suho agad ang nag-rush papunta kay Irene sa taas at sumunod si Kris, Luhan, D.O, Lay at Xiumin. "Ano pang hinihintay niyo buhatin na natin si Irene, pababa ng hagdan. "-sambit ni Suho.

Nagbuhat rin ang iba at pababa na sana sila ng biglang buksan ni Tao ang pinto sa kwarto nila at tumama sa ulo ni Kris. "Ano ba yan? Ba't ang ingay niyo? "-tanong ng bagong gising na si Tao at sumunod naman ang 2 maknae sakanya.

"Batil, manganganak na si Irene paanong hindi mag-iingay?! "-sita ni Kris habang nakasapo sa ulo niya.

"Talaga? "-tanong ni Sehun.

"Obvious ba? Ayan oh! Kanina pa nagsisigaw."-hiyaw ni Luhan.

"Maghanda nalang kayo ng gamit ng baby pati mga kakailanganin ni Irene sa hospital. "-utos ni Xiumin at sumunod naman sila.

Sandaling ibinaba nila si Irene sa couch para ayusin ang kotse na pag-sasakayan ni Irene. Habang nag-aayos ang mga panganay ay sumasakay naman ang mga maknae pati na rin ang 3 makukulit, agad na ring sumakay ang mga panganay at si Kris ang nag-drive.

"Okay na ba ang lahat? "-tanong ni Kris

"Okay na! "-sagot ni Chen.

"Handa na gamit ng babies? "-tanong ni Suho na naka-upo front seat tabi ni Kris.

"Oo hyung. "-sagot ni Kai.

"Handa na ba kayo makita babies? "-masayang tanong ni Lay.

"Yes!! "-hiyaw ng lahat.

"Okay let's go. "-pagkabanggit ni Kris ay lumarga na sila. Papalabas na sila ng village nila at biglang may napansin si Baekhyun na nasa backseat.

"Teka?! Asan nga pala yung manganganak?"-pagkatanong na pagkatanong ni Baekhyun ay agad prumeno si Kris dahilan para mag-untugan ang ibang members.

"Mga tanga! Naiwan natin si Irene sa private house!! "-pagkahiyaw ni D.O ay agad ni-U-turn ni Kris ang sasakyan at bumalik sa private house nila at nakitang naglulupasay na sa sahig si Irene.

"Mga walang hiya kayo, iniwan niyo ako akala ko dito na ko manganganak at ako na magpapa-anak sa sarili ko."-iyak ng nanghihinang si Irene habang binubuhat siya ni Lay, Luhan at Xiumin.

"Pasensya na Irene masyado kaming na-excite e nakalimutan naming ikaw pala manganganak. "-paliwanag ni Xiumin.

--------

Who's the father? [Exo x Red Velvet-Irene Fanfic Guessing Game ]Where stories live. Discover now