Chapter 18

2.8K 59 2
                                    

Chapter 18

[Author's POV]

Kinabukasan ay naging matamlay ang umaga para sa magkakapatid, 10:00 AM na pero hindi pa rin lumalabas ng kwarto ang mag-iina para sumabay sa kanila sa breakfast kaya doon na nagsimulang mag-alala ang magkakapatid.

"Napagrabe yata 'yung mga sinabi natin kay Irene kahapon."-pangongonsensya ni Lay habang nakatulala sa may mesa.

"Oo nga, kaya nga gusto ko sana mag-sorry sa kanya pati na rin sa twins."-sambit ni Luhan at nakatanggap agad ng batok kay Kris.

"Kagago mo naman kasi at dineretso mo pa 'yong tanong mo, nakaka-offend din sakanya 'yon."-sambit nito.

"E kung ikaw nga pinaringgan mo siya about sa sinungaling masakit rin kaya 'yon."-depensa ni Luhan.

Dinipa naman ni Suho kamay niya sa harap nila. "Tama na yan, tawagin nalang natin siya para makapag-sorry tayo."

"Ako na magtatawag sa kanila garod."-pag-volunteer ni Baekhyun at dali daling umakyat sa taas.

Kumatok muna ito sa pinto ng kwarto ni Irene. "Irene? Gising ka na ba? Mag-umagahan ka muna. "-napahawak si Baekhyun sa door knob at napansing hindi pala ito nakalock kaya pinihit na niya ito at binuksan ang pinto at nanlaki mata ni Baekhyun sa nakita niya.

"Hyung hyung! Punta kayo rito dali!!"-sigaw ni Baekhyun na halos mapatalon talon na. Agad namang dumiretso ang 11 na magkakapatid sa kwarto ni Irene.

"Ano 'yon? Bakit?!"-pag-aalala ni Xiumin. Humarap naman ang namumutla na si Baekhyun sakanila. "Wala na si Irene, pati ang twins."

Napanganga ang 11 ng silipin nila ang kwarto at wala na nga sila Irene doon pati ang twins, hinalungkat nila ang mga gamit baka sakaling nagtatago lang... pero malamang malabo.

"Teka? Ano 'to?"-pagtataka ni Tao habang may nakuha na sulat mula sa ilalim ng unan ni Irene. Binuklat niya ito at nanlaki mata niya. "Sulat ni Irene."

Agad naman itong hinablot ni Suho ang sulat mula kay Tao. "Akin na nga, basahin ko."

Tahimik na binasa ni Suho ang letter habang ang 11 naman ay naghihintay kung ano ang sinulat ni Irene. Maya maya ay napansin nila ang malungkot na expression na mukha ni Suho. "Hyung a-anong sabi?"-tanong ni Sehun.

Dahang dahan na binaba ang papel at napatingin sakanila. "Lumayas na si Irene, kasama ang twins."

------------

[Irene's POV]

"Anak, sure ka bang okay ka lang? Mukhang may problema ka?"-pag-aalala ni mommy saakin habang naghahanda siya ng almusal ng twins at ako naman e binibihisan ko ang twins ko.

"Huh? Uh okay lang ako ma."-ngumiti nalang ako sakanya.

"Oh eh bakit bigla na lang kayo lilipat ng mga bata rito? Nagka-problema ba kayo ng mga anak ni Mr. Kim?"-pag-aalala nito.

Hindi ko kasi masabi kay mama at ayaw ko na mag-aalala siya saakin kaya kinikimkim ko nalang mabuti nga at hindi madaldal si Carson ngayon para isumbong ako.

"Gusto ko lang kasi ma na makahalubilo niyo rin mga twins sa ngayon at tsaka namiss ko rin kayo."-sambit ko. Nagpunta na sa mesa si Carson at Cassey matapos ko silang bihisan.

"Oh eh kamusta naman ang DNA test? May resulta na ba? Sino daw Daddy ng twins?"-tanong ni Mommy at halos manigas ako sa kinauupuan ko.

"U-uh hindi pa kilala ma, matagal pa bago malaman ang resulta."-sagot ko sakanya.

Who's the father? [Exo x Red Velvet-Irene Fanfic Guessing Game ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon