Chapter 9

1.4K 44 5
                                    

A/N: Check out the multimedia above, this is for all the D.O-biased Exo-Ls, enjoy. Saranghae!

Chapter 9 [D.O]

[Irene's POV]

Pagbangon ko palang mula sa higaan ay naka-amoy agad ako ng mabangong amoy, parang may niluluto na galing sa kusina na sobrang bango kaya naman kumulo agad ang tyan ko at feel ko nang mag-umagahan.

Sinundan ko nalang ang masarap na amoy ng niluluto mula sa baba at naabutan ko namang nasa hapag-kainan ang lahat habang si D.O ay pinapanood nilang nagluluto, kaya naman pala masarap e si D.O tagaluto.

"Good Morning. "-bati ko.

"Good Morning, Irene."-bati din nila saakin.

"Mukhang maganda yata ang umaga mo D.O at amoy na amoy agad ang bango ng lutuin mo."-puri ko.

"Oo naman, kasi special 'tong araw na 'to para saatin."-ngumiti nalang si D.O saakin.

Ah oo pala, date na namin pala ngayon. Bale matagal tagal din nasundan date ko and 5 months pregnant na ako,  just so you know lang naman.

Maya maya ay natapos na rin sa pagluluto ng umagahan at ihinain ang mainit na sopas at kape sa harap ko, umupo naman 'to agad sa tabi ko at na may sopas at kape na rin sa harap niya.

"Hyung? Ano na? I-serve mo na rin breakfast namin ah."-demand ni Sehun na naghihintay na ng breakfast niya.

Agad namang tumayo si D.O at may kinuhang pinggan sa ref at halos ibalibag 'to sa lamesa. "Oh ayan breakfast niyo! Enjoy."-sambit niya.

Nanlaki ang mata ng lahat sa nilapag ni D.O at ako naman ay nangiwi nalang. "Pucha hyung? Nasiraan ka na ba ng bait? Ano 'to? "-reklamo ni Kai saka tininidor ang nanlalamig at naninigas na sunny side-up.

"Yan ihahain mo hyung? e mas malamig pa yan sa puso ng ex ko e, pwede nang gawing ice cubes sa inumin."-reklamo ni Tao.

Sinubukan namang kagatin ni Baekhyun ang isang piece nang naninigas na bacon at halos mangilo ang ngipin nito sa lamig. "Halos hindi na makagat sa tigas, maka-iyak. Akala mo kahoy. "-reklamo ni Baekhyun.

"Sukat ba naman kasing tikman mo pa? Engot ka rin e. "-sungbat ni Xiumin.

"D.O ano ba 'tong hinain mo? Bakit kayo lang ni Irene may sopas? Paano kami? "-tanong ni Suho.

"E hyung, wala na kasi akong time kung ngayon ko pa iluluto, kaya kagabi ko na niluto breakfast niyo at ni-ref ko nalang para makain niyo kinabukasan at para makapagluto pa ako ng breakfast ni Irene."-paliwanag ni D.O.

"Hyung, seryoso ka ba dito? Maka-iyak naman 'to? "-sambit ni Kai.

"Minsan lang yan, pagtyagaan niyo na mabuti pa nga't nagluto ako para sa inyo e. Sige na, araw lang namin kasi ni Irene ngayon."-pangungumbinsi ni D.O

"Tara na nga lang garod."-halos mangiyak-ngiyak na si Tao na kinain at matigas na bacon. Ganon din ang
lahat kaya para makatikim rin sila ng sopas ay tinirahan ko nalang sila.

Matapos ang umagahan ay kanya kanyang gayak na ang lahat maliban sa 3 maiiwan na naman dito sa bahay para pumunta sa kanya-kanyang businesses.

"D.O sa palagay mo ba kaya na nila ng walang kasama?"-pag-aalala ni Suho. Si D.O lang naman kasi ang dakilang taga pag-alaga ng 3 makukulit kaya ganon nalang pag-aalala ni Suho na maiwan silang tatlo.

"Siguro naman hyung, kaya na din nila. Diba sabi mo nga 'non na kaya naman ni Chen na maging responsable baka kaya din nilang 3."-sambit ni D.O.

Who's the father? [Exo x Red Velvet-Irene Fanfic Guessing Game ]Where stories live. Discover now