Chapter 8

1.3K 39 5
                                    

A/N: Check out the multimedia above, this if for all the Chen-biased Exo-Ls, enjoy. Saranghae!

Chapter 8 [Chen]

[Irene's POV]

Himala yata at tahimik ang umaga ngayon, usually kasi pagkagising ko maingay na sila sa baba at ako na lang hinihintay nilang magising.

Agad naman akong bumangon at bumaba mula sa kwarto ko para malaman ang dahilan ng milagrong 'to. Pagkabukas ko ng pinto ay walang katao-tao sa baba, walang nanonood at wala ring mga naka-tambay sa kusina, himala yata 'to. So naiwan ako mag-isa?

Bumaba nalang ako mula sa hagdan at pati sa Dining Area. "Iniwan nila ako?"-bulong ko.

"Hindi, andito ako."

Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko sa gulat ko ng biglang magsalita sa likod ko si Chen kaya napaharap nalang ako sakanya.

"Chen, andito ka pala? Asan mga kapatid mo?"-tanong ko.

"Ah e, yung tatlong bunso pumasok ng school, yung iba nagbantay ng business ng pamilya namin tapos si D.O naman e umattend ng 'Anger Management Seminar' tapos yung 2 kong kasamang batugan e bumisita kila Mom and Dad sa mansion, kaya ako lang naiwan. "-paliwanag niya.

"Ah, ganon ba? "-sagot ko nalang.

"Oo naman, tsaka syempre aware din ako na date natin ngayon 'noh?"-kilig niyang pagsabi at napangiti nalang ako.

"Mabuti naman garod kung ganon, akala ko malilimutan mo e."-sambit ko.

"Chen pangalan ko hindi Lay."-biro niya sabay kindat. "Oh Irene, magbreakfast ka na naghanda ako ng breakfast mo."

Agad naman akong pina-upo ni Chen sa hapag at inihanda na breakfast ko. "Oatmeal nga pala hinanda ko para sa'yo at may kasama pa 'yang milk na anmum since 'yon diba iniinom ng mga pregnant moms?"-ngisi ni Chen.

"Tama ka jan."-sagot ko nalang maya maya ay nilapag na ni Chen ang breakfast ko at agad ko naman 'tong kinain. Napansin kong mejo kakaiba lasa ng oatmeal at parang masyadong matamis at pino ang oats.

"Uhm, mejo kakaiba 'tong oatmeal na hinain mo ah... i-imported ba 'to sa ibang bansa? O bagong flavor ng oatmeal?"-nauutal kong tanong.

"Hindi ah, yan lang yung nabibili sa grocery bakit mo natanong?"-sagot niya.

"Parang iba kasi lasa e, check mo nga yung lalagyan baka naman expired na. "-sambit ko. Agad namang pumunta sa may kusina si Chen para tignan ang lalagyan ng oatmeal.

"Ahy Sht."-nagulat nalang ako ng makita ko si Chen na nakasapo sa mukha na bumabalik sa hapag kainan. "Nako Irene, sorry hindi pala oatmeal. "

"Ha? Ano garod? "-pag-aalala ko. Hinarap niya ang box saakin at nanlaki mga mata ko.

"Cerelac pala nadampot ko, mukha kasing oatmeal e. "-sagot nito. Hindi ko alam kung ano magiging reaction ko pero bigla nalang akong natawa.

"Nako e para kay baby na yan e, hindi para saakin. Oh check mo pa nabili mong milk baka naman Lactum for 1-3 yrs old na nabili mo."-biro ko pero chineck nga din niya at bumalik muli na naka-face palm.

"Sht pati gatas mali nabili ko, Anlene pala 'to hindi Anmum."-sambit niya at napatawa nalang ako.

"Pang-matanda naman ngayon yan, pampatibay buto. "-sagot ko habang natawa.

"Nako Irene, sorry ha! Alam mo naman na hindi ako ang naggro-grocery saamin, si D.O at Suho lang. "-paliwanag niya.

"Ano ka ba Chen? Okay lang edible naman 'tong mga nabili mo kahit papaano, mag-alala ka kapag lason na'to."-sambit ko.

Who's the father? [Exo x Red Velvet-Irene Fanfic Guessing Game ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon