Epilogue

4.8K 101 26
                                    

Who's my Daddy

Epilogue

[Author's POV]

Dahan dahan na minulat ni Luhan ang mata niya at nakapa niyang may bimpo na pala sa noo niya. Halos ma-Cardiac Arrest na siya ng biglang bumulagta sa harap niya ang galit na galit na mukha ng dad niya.

"KIM LUHAN! "-sigaw nito at agad agad napa-upo si Luhan sa takot niya sa ama niya. Napansin niyang andito na pala siya sa sala ng bahay nila at pinalibutan siya ng mga kapatid niya, si Irene at ang twins at pati Mom and Dad niya pati ang Mom and Dad ni Irene. Kapag binanggit kasi ng Dad nila ang full name nila, matakot ka na naga-alburoto na yan.

"Dad... Bakit h-ho?"-halos mabulunan si Luhan sa pagtanong niya.

Nag-cross arms ang dad niya sa harap niya at tinapak-tapak ang isang paa nito sa sahig. "Nakalimutan mo na ba?"-tinaasan siya ng isang kilay ng dad niya.

Napalunok muna si Luhan pero gustong gusto na niyang kumaripas ng takbo sa takot niya sa ama niya. "N-na a-ano po Dad?"

"Ipapaalala ko sa'yo... Once na makilala ko kung sino 'yung nag-wild nung gabing 'yon..."-hinugot ng Dad niya ang sinturon niya dahilan para manlaki mata ni Luhan. "ay mananagot saakin! "

"Patay ka ngayong Luhan ka."-bulong ni Suho habang naka-face palm.

"TAKBO!! "-sigaw ng mga kapatid ni Luhan at ang ungas naman ay tumakbo nga papalayo sa Dad niya at hinabol nalang siya ng Dad niya ng may dalang sinturon, not to mention na naka-Dracula costume ang Dad nila at may blood stain effects pa including fangs since Costume party ang birthday nila Carson and Cassey.

"Loko loko kang bata ka! Ikaw pala ang nag-wild 'nung gabing 'yon. Pangalawa ka pa naman sa pinaka-matanda sa inyong magkakapatid."-hiyaw ng dad nila at naghabulan ang dalawa sa loob ng bahay.

"Erik, huwag mo na ngang habulin yang anak mo, matagal na 'yon at kabinatang tao na ng anak mo para paluin mo pa, 27 na siya."-saway ng mommy nila Luhan.

"Oo nga dad, 23 years old lang ako 'nung mga time na 'yon more than 4 years na po 'yon."-mangiyak ngiyak na sabi ni Luhan habang umiiwas sa sinturon ng Dad niya.

Tawa lang ng tawa ng palihim ang mga kapatid ni Luhan habang hinahabol siya ng Daddy nila. "Nako dad, deserve lang ni Luhan hyung yan. Siya po kasi pasimuno 'nung inumang laro na Never have I ever."-sita ni Baekhyun.

"Pakyu ka, hindi ka nakakatulong e."-hiyae ni Luhan kay Baekhyun. Nagtawa lang ang mga kapatid nito at imbis na patigilin Dad nila e lalo pa nilang kinonsente.

"Tama lang yan, dad. Siya rin naman po ang nag-provoke kay Irene na hindi siya tao dahil hindi siya nag-iinom. Ayan ho tuloy! "-tawa pa ni Xiumin.

"At tsaka Dad, si Luhan hyung din naglabas ng alak e pwede namang maglaro ng walang alak e."-sabat ni Tao. Umagree naman mga kapatid niya at tuluyan nang nilaglag ang kapatid nila.

"At tsaka Dad si Luhan hyung din po ang nagpu-push saamin na mag-inom ng marami, nakikipag-kompetensya nga ho e. Manly daw kasi!"-tawa ni Kai.

"Ah manly pala ha?"-lalong hinabol ng Dad nila si Luhan.

"Mga deputa wala kayong kwentang kapatid! I hate you all. "-sigaw ni Luhan pero pinagtawanan lang siya ng mga ito.

Who's the father? [Exo x Red Velvet-Irene Fanfic Guessing Game ]Where stories live. Discover now