Quest #1: The Beginning

160 10 0
                                    

Serrah's POV...

Pagkababa ko ng taxi ay agad na bumungad sakin ang mataas na gate ng Sinclaire University. Agad akong sinalubong ng guard at nginitian. I smiled back bago pumasok sa loob at namangha ako sa aking nakita. Ang ganda nga dito,tama nga ang naririnig kong mga bulong-bulungan ng mga tao sa amin.

Maraming building na nagtataasan at ang mga ito ay may iba't-ibang pintura. Tila ba sila'y nauuri sa kakayahan ng mga mag-aaral at maging ng mga baitang kung nasaan sila.

Iginala ko pa ang mga mata ko at hindi talaga ako makapaniwalang nakapasok ako dito. Exclusive lang kasi ito para sa mga mayayamang tao,alam nyo na yung kadalasang mababasa mo sa wattpad. Ang kaso lang saan ko naman hahanapin ang room ko dito?

"Hi Miss, ahm may hinahanap ka ba?" Tanong sakin ng isang babae. Maganda sya,wavy ang buhok at sa tansya ko ay kaedad ko lang sya. Mukha syang Koreana.

"Ah oo. Transferee kasi ako at hindi ko naman akalain na ganito pala kalaki ang school na ito hehe. Pwede mo ba akong tulungan?" Medyo nahihiya kong sagot sa kanya.

"Oo naman anong room ba ang hina---" She wasn't able to continue talking ng dumugin kami ng napakaraming tao. Ano bang meron?

Sa sobrang dami nila ay nagawa na nila akong itulak-tulak at nagkahiwalay kami nung babaeng kausap ko kanina,gustuhin ko mang sumaliwa sa takbo nila ay hindi ko magawa. No choice, kailangan kong makisabay!

"Kyaaahhh~ dalian nyo nandyan na sila!" Tili ng isa sa kanila.

"Omg! Ang Exo~" Exo? Teka lang diba KPOP group yon?

"Pare mukhang may gangfight na naman sa ground. Tara sibat!" Rinig kong sabi ng isang lalaki sa mga kasama nya bago nakitakbo-takbo rin.

Gangfight? Ang aga naman atang gulo nito? Ni hindi pa nga nagsisimula ang klase may gangfight na. Sigurado ba akong school ang napasok ko?

Matapos ang ilang minutong pakikipaglaban-este-pakikipagsiksikan ko sa mga tao ay bigla silang natigil. Napatingin ako sa paligid ko,nasan ba ako? Ground? Oo tama,mukhang nasa quadrangle ako.

"Excuse me~" sabi ko habang pilit na pumupunta sa harap. Ea sa hindi ko makita kung anong meron!

"Omg! Kyaaahh~ ang gwapo talaga ng Exo!" Nakakabinging irit ng katabi ko. Binatukan sya nung katabi nyang babae din.

"Gaga mas gwapo kaya ang Infinite dyan! Omg! Fafa L anakan mo nako~" Tili nya rin. yung totoo hindi ko na sila maintindihan. Tsaka,Infinite? L? Kpop group din yon ea. Baka naman nasa KPOP world nako. Aba ayos pala makikita ko mga idols ko.

"Hoy mga kumag tatayo nalang ba kayo dyan?" Sigaw ng isang lalaking kulay ash blonde ang buhok,kamukha nya si Chanyeol.

"Bakit ba kasi hindi nalang natin palampasin to?" Kunot noo namang tanong ng lalaking singkit ang mata,kamukha naman nya si Sunggyu.

"Gago ka ba? Eh kayo tong hindi marunong sumunod sa pinag-usapan tapos palampasin?" Sagot ng lalaking mukhang may eyeliner,Omo! Kamukha nya si Baekhyun.

"Easy lang baka atakihin ka. Actually sumusunod naman talaga kami eh,nakalimutan lang." Halata ang pang-iinis sa tono ng pananalita ng kamukha ni Sungyeol.

"Tangna! Eh ulyanin pala kayo hindi nyo agad sinabi?!" Pagkatapos sabihin yun ng kamukha ni Tao ay nagtawanan ang grupo nila.

"Anong sabi mo?" Tanong nung lalaking hindi katangkaran. Kamukha nya si Dongwoo.

"Ulyanin na bingi pa! Kawawa naman kayo." Pang-aasar pa lalo ng kamukha ni Luhan.

"Hoy mga kutong-lupa bakit hindi nalang natin simulan to? Masyado kayong maraming dada!" Napatingin ako sa nagsalita,ilang beses ko pang ipinikit ang mata ko ngunit hindi nga ako namamalik-mata. Si L nga,kamukhang-kamukha nya ang bias ko sa Infinite.

Pagkayaring magbigay ng senyas galing sa kabilang grupo ay sumugod na sila. Nagbubugbugan na sila ngayon sa quadrangle at kahit na sino ay walang pumipigil sa kanila. Parehas silang may ibubuga, kahit na mas kokonti ang grupo nila 'kalokalike ni L' ay nagagawa nilang lumaban ng patas.

"Ahm excuse me Miss pero sino ba sila?" Tanong ko dun sa dalawang babae na nagtatalo kanina. Binigyan lang naman nila ako ng 'seryoso-ka-look' kaya tumango ako.

"Sigurado ka bang hindi mo sila kilala?" Tanong nung isang maikli ang buhok kaya umiling ako.

"Sila*tinuro nya yung grupo na 12 ang members*they are the Exorbitant Reigns, kilala din ang grupo nila sa pangalang 'EXO',they owned the North and South territory. Magagaling silang makipaglaban,galing sa mayayamang pamilya at mga tigapagmana ng sari-sarili nilang family business. They also rank as the 1st group in the Gangster World." Paliwanag naman nung babaeng medyo chubby.

"At sila,*sabay turo sa grupo na may 7 members lang* sila naman ang Infinite Death Chasers, kilala din ang grupo nila sa pangalang 'Infinite' malulupit sila kung lumaban,wala silang sinasanto,mga mayayaman din at talagang may ibubuga kung labanan ay pera. Sila naman ang nagmamay-ari ng East and West territory, and they are also the rank one in the Gangster World." Paliwanag nung isa pa. Teka sabi nila parehong rank 1 ang grupo ng mga ito,hindi ba? Pero pwede ba yun? Lalo na sa Gangster World ang alam ko laging lalamang ang isa sa isa pa pero ngayon iba.

Tiningnan ko ang parehong grupo. Patuloy pa rin sila sa pagbubugbugan habang halos lahat na yata ng estudyante sa school na ito ay nanunuod lang sa kanila.

"Mukhang katulad pa rin ng dati ang kahahantungan nito,mapapagod lang sila pareho." Rinig kong sabi ng isang lalaki kaya tiningnan ko sya. Akma na syang aalis ng bigla syang napatigil sa matinis na tunog ng mikropono.

Napatingin ako sa stage at doon ay nakatayo ang isang babaeng medyo may edad na. "Ano na naman ito ha? Both of you,sa office ngayon na!" maawtoridad nyang sabi.

"Aist!" Reklamo ng Infinite bago nagtatakbo.

"Hoy mga kumag wag kayong madaya!" Sigaw sa kanila nung kamukha ni Kai at nagsimula na din silang tumakbo papunta sa direksyon ko.

Napansin kong unti-unting nawawala ang mga tao sa paligid ko pero hindi ako makaalis sa posisyon ko. Parang nakadikit ang mga paa ko sa lupa at isang sigaw ang nagpamulat sakin sa realidad.

"TUMABI KA DYAN!" Sigaw nung kahawig ni L habang patuloy parin ang pagtakbo papunta sa direksyon ko.
---

Chapter 1 is done. Kamusta po ba? Leave some votes and comments,okay? Thank you readers.😍

The Gangsters' QuestWhere stories live. Discover now