Quest#11: The Chosen One

43 8 4
                                    

Serrah's POV...

Kasalukuyan akong nasa classroom ko ng biglang tumunog ang bell. Anong meron? Ang totoo ay kanina ko pa rin napapansin na wala sa room ang Exo at Infinite,bagay na ipinagtataka ko kahit hindi naman dapat.

"The Chosen Ones na!" Sigaw ng isang estudyante matapos nyang buksan ang glass door ng classroom namin.

Napatigil kaming lahat. Kahit si Prof. ay hindi nagpagpatuloy ang discussion nya. "We can't do anything about their rules. Sige na magsilabas na kayo." Sabi ni Ma'am Reyes habang inililigpit ang mga gamit nya.

Isa-isa silang tumayo bitbit ang mga gamit nila. Ito na yon,ang araw na inaasahan kong tatapos sa issue tungkol kay Damsel In Distress.

"Ready?" Tanong ni Yna sa akin kaya tumango ako sa kanya. Sabay-sabay na din naming kinuha ang mga gamit namin at lumabas ng room.

Lahat ng estudyante ay patungo na ngayon sa Quadrangle. Marami sa amin ay nagtatakbuhan pero ayokong sundan sila. Ayokong mauna---

"Mas maganda ang view sa harapan!" Sigaw ni Ivy bago kami hinatak ni Yna patungo sa unahan.

"Ngayon ay masasaksihan nyo ang isa sa mga pinakahihintay na pangyayari sa buong Sinclaire University. Cause today Exo and Infinite will going to choose their Chosen Ones!" Wika ng Emcee na mukhang ka-year Lang namin.

Nagpalakpakan ang lahat at marami rin ang sumigaw. Halos mapuno ang buong quadrangle ng mga estudyanteng nagwawala. Kalahati sa kanila ay sinisigaw ang Exo samantalang ang kalahati ay sumisigaw naman ng Infinite.

Wala akong ibang nagawa kundi tumingin sa dalawang grupong nasa harapan ko. Nakatayo sila sa stage kasama ng Emcee at dalawang fish bowl na may laman na napakaraming papel na nakapatong sa mga podium. Isa sa Infinite at ang isa ay nasa Exo.

"To formally start our program for today I want to introduce the two groups who rule our school,let's give them a round of applause!" Mas lalong dumagungdong ang buong quadrangle dahil sa sabay-sabay nilang pagsigaw. Halos mabibingi na ata ako.

"Then now let's see what's their platform for the Chosen Ones." Inagaw ni L yung microphone sa Emcee at nagsalita.

"Isa lang naman ang plataporma namin. 'Work for us then we will give you everything'." Wika nya bago pabatong ibinigay ang mic kay Shone.

"When in terms of our lovely flatform I'm proud to say that you just need to remember one thing. 'Provide us what we want then you will have everything like ours'." Isang mapanlokong ngiti ang binitawan nya kasabay ng paghagis nya ng mic pabalik sa Emcee.

"E-X-O/IN-FI-NITE!" Sigaw ng mga estudyante na mas lalo pa atang nagpalakas ng loob nila.

"Let's now start the raffle of Fate!" Sigaw ng Emcee at kasabay noon ang sabay na paglalagay ni L at Shone ng kamay nila sa loob ng Fish Bowl.

Hinahalo nila ang mga papel gamit ang mga kamay nila habang matamang nakatingin sa isa't-isa. It's like may the best man wins.

"5..4..3..2..1.." Pagkatapos ng bilang na yon at sabay nilang itinaas ang kanilang mga kamay hawak ang isang papel na nakarolyo pa.

"Who will be the first?" Tanong ni Karson.

"Ako! Mauuna na akong magbukas." Sabi ni Shone pero pinigilan sya ni L.

"Hindi ako papayag! It's unfair!" Reklamo nya na agad namang sinang-ayunan ng Infinite.

"Edi sabay nalang silang magsabi! Kapag hindi naintindihan edi ulitin nalang natin!" Suhestyon ng isang lalaki mula sa tabi ni Yna.

"Tama,tama! Sabay na lang!" Pagsang-ayon ng iba. Kitang-kita ang biglaang pagporma ng mga mapanuksong ngiti sa labi ni Shone at L.

"Sige ganito nalang. Prince Shone and Prince L, at the count of three you need to say the name written on that paper in unison. Is that alright?" tanong ng Emcee at tumango Lang sila bilang kasagutan.

"Okay,the counting starts now!" At nagsimula na ngang magbilang ang mga tao.

"1...2...3" Pare-pareho ata kaming hindi huminga habang hinihintay ang sasabihin nila.

"SERRAH BERNICE BUENAVENTURA!" Sabay nilang sigaw na ikinatahimik ng lahat. Saglit na katahimikan ang bumalot sa buong paligid kahit ata ako at hindi pa lubusang naproproseso ang mga nangyayari.

"What a coincidence! Iisang tao lamang ang nabunot nila. This is the first time na nangyari ito!" Ang Emcee lang ang nangahas na bumasag ng katahimikan at pagkayari noon ay bulong-bulungan na ang namutawi sa buong quadrangle.

"Alam mo na kung sino ka Ms. Buenaventura. Umakyat ka na dito dahil masamang pinaghihintay ang ating mga Royal Princes." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko,hindi ako makagalaw at naramdaman ko na lamang ang pagtulak sa akin ni Yna at Ivy papunta sa harap.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa stage ang alam ko lang ay nasa gitna na ako. "So if iisa lang ang nabunot ng ating mga Royal Princes ibig sabihin ba noon magkakaroon tayo ng re-draw?" Tanong ng Emcee.

"Hindi! Alam nyo ang patakaran,bawat isa sa inyo ay alam na ang rules namin! We can't do re-draw cause it's heaven's will,right?" Paliwanag ni Shone.

"Tama si Shone we can't do re-draw unless may sakit ang the chosen one kaso itsura palang masigla na kaya wala na tayong iba pang magagawa! Rules are rules and the only thing that we are following are only our rules! If that's the case I don't have any excuses to let her go." Dugtong ni L dito.

Dahan-dahan syang naglakad papunta sa akin. "I will never surrender her." Sabi ni L sabay hawak sa kanan kong kamay. We're about to leave ng biglang hatakin ni Shone ang kaliwa kong kamay pabalik sa kanya.

"Me too,I don't have plans to let her go."  Tugon ni Shone sa kanya habang hawak-hawak ang kabila kong kamay.

"Then if that's the case,isang bagay na lang pala ang dapat nating pag-usapan." L stated while wearing a smirk.

"Ano yun?" Tanong ko na ikinangisi nilang lahat.

"Ang magiging schedule mo kasama kami." Sabay-sabay nilang sabi,take note lahat sila. And upon hearing that my world fell apart.

---
Myungzy or Hunzy pili na po kayo hahaha. Just comment kung sino sa tingin nyo ang bagay kay Serrah,is it Shone or L?

The Gangsters' QuestNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ