Quest #4: His Capabilities

71 8 2
                                    

Meet Shone Alexis Ohlivares at the multimedia box...

Shone's POV...

Padabog kong binuksan yung pintuan ng classroom namin. Kapag naririnig kong pinag-uusapan ako sa buong University dahil sa ginawa ng babaeng yun ay umiinit ang ulo ko!

"Leader,nandyan yung babae." Bulong sakin ni Michael.

"Sinong babae?" Tanong ko.

"Yung sumampal sayo." Simpleng sagot naman ni Lawrence.

I looked around at napansin ko na nakikipag-usap yung babaeng tanga sa dalawa pa naming kaklaseng babae.

Agad akong tumayo at nagtungo sa harapan. "All of you,get out!" I shouted with authority.

Isa-isa na din silang kumilos habang ang buong grupo ko ay binaba isa-isa ang kurtina sa classroom habang hinihintay ang hudyat ko.

"Except you!" Tinuro ko yung babaeng tanga na kasalukuyang nakatayo na.

Napatigil sya sa dulong parte ng room habang ako ay nasa harapan. Sinenyasan ko na din ang EXO kaya lahat sila ay nagsilabas na.

"Serrah Bernice Buenaventura,age 17,currently living at Two Moons subdivision. Family background,your family is holding a company which manufactures cosmetic products. Ulila ka na for almost 13 years at Tito mo nalang ang nag-aasikaso sayo. You don't have siblings because your family was murdered when you were 4 years old. Am I right?" Tanong ko habang naglalakad papunta sa kanya.

"How did you know that?" Tanong nya na di ko alam kung naiinis o namamangha.

"Dahil walang kahit na isa sa school na ito na hindi ko alam ang personal background,even your dirty little secret? I know it!" I said with full of confidence.

"At sa tingin mo may pake ako?" She was about to reach the doorknob ng hawakan ko sya sa leeg.

I pinned her through the wall habang sakal sakal ko pa din sya. Sorry sya pero pinipilit nyang palabasin ang demon side ko. Pinilit kong maging maluwag pero ngayon ay nagsisilbing kadena ang kamay ko sa leeg nya.

"Wag mo ako tatalikuran kapag kinakausap pa kita. Bago ka lang dito kaya matuto kang ilugar ang sarili mo. You don't know me,you don't know what are my capabilities. Hindi mo pa kilala ang grupo ko at wala ka pang alam sa lugar na pinasok mo. Matuto kang makibagay,umayos ka ng pakikisama kung ayaw mong umalis ng maaga. One more wrong move and I'll make sure that you will regret everything. Cause I.....can make you mine,I can make your life mine. Isa na lang Serrah,isang maling galaw na lang at sisiguraduhin kong mamamatay ka!" Bawat salitang binibitawan ko ay kasabay ng paghigpit ng kamay ko sa leeg nya.

Unti-unti ko syang tinaas hanggang sa unti-unti na rin syang nawawalan ng hangin. I smirked. Ang saya dahil wala na syang laban ngayon,unti-unti syang namutla kaya inihagis ko sya sa sahig. Dapat lang na maturuan sya ng leksyon!

Serrah's POV...

Matinding pag-ubo ang binitawan ko pagkatapos nya akong ihagis sa lapag. The cold and hard floor is supporting my body. Napatingin ako sa kanya,nakangisi lang sya habang nakapamulsa.

Umupo sya sapat para maabot ang pisngi ko. Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi gamit ang isa nyang kamay na para bang pinipiga ito. Napangiwi ako,masakit ang ginagawa nya.

"Know your limits or else your life will be mine." Sabi nya bago madiing binitawan ang pisngi ko at umalis.

I bit my lower lip to stop myself from crying pero wala hindi ko magawa. Napaiyak na lang ako dahil sa sakit ng katawan at takot. Siguro nga ay hindi ko pa sila kilala. Siguro nga ay kailangan kong alamin muna ang kapasidad nila.

Walang kahit na sino ang pumapasok sa loob ng room. Ni hindi ko rin magawang tumayo dahil sa labis na sakit ng aking likod. Rinig ko ang bulungan sa labas pero tila hindi ko ito lubos na maintindihan.

Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pintuan at isa-isang pumasok ang myembro ng kabilang grupo. Lahat sila ay may tattoo na may logo ng infinite. Ang Infinite Death Chasers. Tiningnan ko ang leader nila,matama syang nakatingin sakin sapagkat nakaharang ako sa dadaanan nila.

"Hindi ka man lang ba tatabi?" Cold nyang sabi. Medyo naiirita na rin sya base sa kanyang facial expression.

Pinilit kong iurong ang sarili ko gamit ang dalawa kong kamay. Isa-isa nila akong dinaanan na akala mo ay hindi nila ako nakikita. Isa-isa silang pumuwesto sa kanya-kanya nilang pintuan at kasalukuyan silang nakatingin sa blackboard.

Napansin ko ang saglit na pagtingin ni L sa akin bago nagsalita, "Kung ako sayo mananahimik na lamang ako at iiwas hangga't kayang umiwas." Wika nya bago ibinalik ang tingin nya sa harapan at ipinikit ang mga mata.

Pinilit kong gumalaw, tanging ang mga kamay ko lang ang isinusuporta ko sa aking buong katawan. Namamahid ang likod ko at hanggang ngayon ay hinahabol ko ang paghinga ko.

"Get out, I don't want disturbances." Cold nyang sabi ng hindi man lang ako tinitingnan.

Humawak ako sa wall habang lumalakad palabas. Pinilit kong lumayo sa kanila,ngayon lang ako natakot ng ganito. Tama nga kaya na pumasok ako sa school na ito?

Pilit akong naglakad ng naglakad. Hindi ko na alam kung nasaan ako but I end up sitting on the grass at the garden. Saan naman ako makakahanap ng kakampi ngayon? Magiging Damsel in Distress nalang ba ako sa istoryang ito?

Huminga ako ng malalim bago isinandal ang likuran ko sa puno and after that, I suddenly fell asleep.

The Gangsters' QuestWhere stories live. Discover now