Quest #5: Night of Warriors

37 4 0
                                    

Shone's POV...

Patuloy lang ako sa paglalakad nang bigla akong hatakin ni Yna. I getting pissed off,bakit ba kasi nya kailangang mangialam sa bagay na to?

"Oh hi my evil cousin,did you already missed me?" Painosente kong tanong pero napailing lang ito habang nakangisi.

"So ako pa ang evil ngayon? Then how do you call yourself? A God? An angel?" Naiinis nyang tanong pero wala talaga ako sa wisyo para kausapin sya.

"I'm tired, just move." Simple kong tugon at bahagyang naglakad pero hinatak nya ako pabalik.

"Why did you do that to her? Hindi alam ni Serrah ang ginagawa nya Shone, she's just a transferee and she doesn't know anything about you and your group." Pangaral nya pero sa tingin nya ba ay papakinggan ko sya?

"SHUT THE FUCK UP YNA! She's the one who started this, hindi mo alam kung anong kahihiyan ang inabot ko dahil sa ginawa nya! So don't asked me to stop cause I wouldn't and sayo na mismo nanggaling, she's transferee so dapat una pa lang ay alam nya na kung saan sya lulugar!" Sagot ko na agad nyang ikinagulat.

"I don't care if she's your friend or what, all I know is she's like a bone in my throat that I need to remove immediately before getting choked." Dagdag ko pa bago sya hinawi palayo sa daanan ko.

"COMEBACK HERE SHONE! I'M STILL TALKING TO YOU!" Sigaw nya pero hindi ko na sya nilingon pa.

"Just rest Yna,remember tomorrow will be the Night of Warriors." Pamamaalam ko dito bago tumakbo papasok sa hide out namin.

Serrah's POV..

"Argh~ nakakainis talaga yung Shone na yon! Hindi porket magpinsan kami ay kukunsintihin ko na sya!" Napatingin ako kay Yna na kanina pa kinakalampag ang desk nya.

"Bakit Yna sa tingin mo ba ay papakinggan ka non? He's just going to laugh at you." Suhestyon ni Ivy habang pinapolish ang kuko nya.

"Hayaan mo na Yna,hindi naman ako gaanong nasaktan and besides kasalanan ko din naman." Pagsisinungaling ko.

"Anong hindi nasaktan? Nagpapatawa ka ba eh tingnan mo nga yang leeg mo nagkapasa na! Yun talagang siraulong yun, isusumbong ko sya kay Tito at ipapatanggal ang allowance nya!" This time ay nakaikom na ang kamay nya at mukhang desidido na sa gagawin nya.

"Sa tingin mo ba ay iyan ang dapat nating intindihin ngayon? Remember tomorrow we will going to celebrate the Nights of Warriors." Huh? Anong meron sa Nights of Warriors?

"Night of Warriors?" Tanong ko.

"Hmm paano ko ba sisimulan. Actually, Nights of the Warriors ay isang tradition na matagal ng pinatupad sa Sinclaire University." Panimula ni Ivy.

"Ito ay isang match kung saan kahit na sino at walang takas. Mamaya ay paniguradong paglalagayin na nila tayo ng codenames natin sa 'Bowl of Fate and Chances'. Doon nakasalalay ang makakalaban ng isang tao from the higher committee. Pero hindi pa doon nagtatapos ang lahat,kailangan ay hindi ka makilala ng kahit na sino from higher committee dahil isa yon sa mga rules nila." Dugtong pa ni Yna.

"Sa gabing yon ay masusubok kung anong meron ka. Kahit na wala kang alam sa pakikipaglaban ay isasalang ka nila. Sa oras na mabunot ang pangalan mo ay wala ka ng takas. Lahat ng nasa higher committee ay makapangyarihan at syempre kabilang doon ang EXO at Infinite." Napanganga ako. Sana naman ay wag nilang mabunot ang pangalan ko.

"At kapag hindi sumali?" Tanong kong muli pero sa totoo ay natatakot na ako.

"Babagsak ka. Sa totoo lang hindi ka naman nila papalayasin sa school na ito, hahayaan lang nilang magdusa ka dito. Kaya kung akala mo ay masarap ang mag-aral dito katulad ng sabi ng iba pwes nagkakamali ka. EXO and Infinite are the rulers of this school dahil sa hawak nilang kapangyarihan at pera." sagot ni Ivy sa aking katanungan.

"Sa oras na sila na mismo ang humiling ay hindi ka maaaring tumanggi. Kaya kung ako sayo Serrah magdala ka nang sandata,anything na maliit at makakasakit ng iba. Hindi pwedeng magpatalo ng hindi lumalaban dahil kung iiwas ka lang ay paniguradong mamamatay ka." This time napalunok na ako. Nakakatakot,talaga ngang hindi school ang napasok ko kundi impyerno.

"Pumunta ka nalang bukas sa amin. Ako na mismo ang mag-aayos sayo,mabuti ng maging handa tayo pare-pareho." Tumango ako kay Yna bilang sagot.

"Salamat." Sagot ko habang nakangiti kahit na halata ang kaba na umiibabaw sa akin.

Sige na,bumalik na kayo sa upuan nyo at nandyan na si Ma'am. After a few minutes ay nagsimula na din kaming magdiscuss. Actually hindi ako makapagfocus sa discussion, para kasing may mangyayaring hindi maganda bukas. Hanggang sa hindi ko namalayang tapos na pala ang klase...

"Before we end the discussion ay umisip na kayo ng pwede nyong code name. And don't try to be clever dahil bibilangin namin ito ng dalawang beses bago kayo iwan." Maawtoridad na sabi ni Maam habang ang assistant teacher nya ay ibinibigay na samin isa-isa ang maliliit na strips ng papel.

Pinag-isipan kong mabuti kung ano ba ang maaari kong ilagay at katulad nga ng role ko sa istoryang ito ay napili ko ang 'Damsel in Distress'. Isinulat ko ito sa papel at ibinigay sa teacher namin. Binilang nila ito ng dalawang beses at tiningnan kung tally ba ang bilang nito sa bilang ng mga estudyante.

"So good luck to your bloody fight, 12-Monarchy. Make sure na makakaya nyong kalabanin ang higher committee. Cause tomorrow we'll be celebrating the "Nights of the Warriors", now class dismissed." Sabi nya at lumabas ng room.

*Kinabukasan*

Buong araw akong nakahilata sa kama. Wala kasi talagang pasok kapag umaga ng Nights of the Warriors para naman daw makapaghanda kami. Simula umaga ay iniisip ko kung paano ako lalaban sa mga tao from the higher committee kung wala akong kaalam-alam sa pakikipaglaban. Tumayo ako at nilibot ang buong bahay ni Lola,actually dito na ako tumira nang mamatay sila Papa at Mama. Three years na rin simula noong mamatay si Lola kaya ako nalang ang mag-isang nakatira dito kasama nila Manang Rose at Kuya Josh,ang driver namin.

Nagpatuloy lang paglalakad ng matunton ko ang Sparring room na dating ginagamit nila Papa at Lolo. Bigla akong napangiti ng maalala ko ang itinuro sakin ni Papa. Paniguradong magagamit ko nga ang mga yon mamaya. Bigla akong napatigil sa pagmumuni-muni ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello Yna?"

"Okay na you can go here,we only have 2 hours to prepare."

"Okay sige, I'm coming." And after that agad ko ng pinatay ang call.

Naligo muna ako saglit bago nagsuot ng jeans at white shirt. I'm hoping na sana ay wala talagang mangyaring masama ngayon. Nang dumating ako ay inayusan nila akong dalawa. Pinagsuot nila ako ng black stretchable jeans na may kung ano-anong tali at maliliit na bulsa. Tapos sa taas ay black fitted blouse tapos may choker pa at saka inabot sa akin ang isang black butterflied-style mask, sapat para takpan ang aking mata at kalahating mukha.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Whole black outfit+mask+wavy hair= Gangster outfit.

"And now,we're all ready." Sambit ni Ivy ng may ngiti sa mga labi.

"Sa gabing ito ay iba ang makikilala nilang ako,I'm not the Serrah na kakayan-kayanan lang nila...dahil ngayon ako na si Serrah Bernice Buenaventura." I thought before a smirk form on my lips.

The Gangsters' QuestWhere stories live. Discover now