Quest #13: The Protector

33 4 10
                                    

Shone's POV...

Kasalukuyan kaming nagpapahinga sa hideout namin ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong tiningnan kung sinong tumatawag at para bang hinuhugot ang hininga ko bago ko ito sagutin.

"He-hello?" Nanginginig kong sagot.

"Prince Shone,it's sad to say but until now wala pa ring improvement si Princess Leighn." Halos mapamura ako dahil sa sobrang kaba tapos iyon lang pala ang sasabihin nya.

"Tarantado ka talaga ano? Sabi kong wag mo kong sasalubungin ng ganyang balita eh. But I know there's another reason why you called,so ano yun?" Sunod-sunod kong sabi pero hindi pa rin ako mapakali.

"Prince L is now here and arranging a new oxygen tank for her." Matapos ko yong marinig ay unti-unti na akong nakahinga ng maluwag.

"That's good,sige na just call me again if you have some updates about her condition." Paalam ko sa nurse na nagsisilbi kong mata kay Leighn bago pinatay ang tawag.

I was about to get up nang biglang tumunog ulit ang cellphone ko. "Ano na naman?" Iritado kong tugon sa pag-aakalang yung nurse na naman ang tumatawag.

"Easy leader,what happened at high blood ka na naman?" Lintek! Si Bryan pala.

"Hello Bry? Bakit napatawag ka pa?" Tanong ko para maiba yung topic.

"Leader nakapasok na naman ang Death Skippers" matapos kong marinig yon ay naalarma ako. Mga lokong to,ayaw kaming tigilan!

"Sige hintayin nyo kami dyan." sagot ko bago binaba ang tawag.

I look at their eyes at mukhang nakukuha na nila ang ibig kong sabihin. Agad kaming tumakbo paalis ng hideout,our territory is only for us at bilang leader nila ay hindi ko hahayaang may ibang makinabang ng bagay na dapat sa amin.

Narating namin ang South Garden at doon ay nakita namin ang leader ng Death Skippers. Bakit wala yung mga kulugo nyang alagad? Nakakapagtaka naman ata.

"Ano na naman bang kailangan mo ha Lyndon?" Tanong ko pero sinagot nya ako sa pamamagitan ng isang pagngisi at saka nagsalita.

"Don't you worry about it Shone,I'm not here for you. May kailangan lang akong kunin na tao at nagkataong nandito sya sa teritoryo nyo." Sagot nya at saka tumingin sa likod ko. Anong meron doon?

Napatingin din ako sa likuran ko at hindi ko inaasahan ang nakita ko. Wala ng malay si Serrah at nakablindfold din sya. Pasan-pasan sya ng isang alagad ni Lyndon at nakangisi pa sakin ang G*go!

"SERRAH!" Ang boses na yon,paniguradong kay Yna nanggaling.

"Hoy! Ikaw na tukmol ka! Bitiwan mo ang kaibigan namin!" Banta pa ni Ivy pero sa tingin ba nila ay papakinggan sila nitong kumag na ito.

"So? I don't care is she's your friend,all I know is that I need her." What? Kailangan para saan?

"Need her for what?" Curious na tanong ni Michael.

"Malalaman nyo din eventually." Wala na ba syang ibang gagawin kundi ngumisi?

"Ano na namang ginagawa mong kulugo ka?" Naiinis kong tanong sa kanya pero hindi pa rin natatangal ang ngisi nya.

The Gangsters' QuestWhere stories live. Discover now