Quest #7: Unbeatable King

48 8 4
                                    

L's POV...

Nakangisi akong itinutok sa kanya ang kutsilyong hawak ko. Hindi ako papayag na isang babae lamang ang makakatalo sa akin. Handa na akong saksakin sya nang hatakin nya ako patalikod pero hindi ako magpapatalo,hinigit ko sya palapit sa akin kaya ang posisyon namin ngayon ay katulad ng hostage taking situation. I moved closer to her at may ibinulong.

"Hindi ko hahayaang matalo lang ako ng isang babaeng katulad mo." Lalayo na sana ako pero naamoy ko ulit ang pabango nya,it's very seductive same as her. I'm being captivated by her and I think magiging tama sya,hahanapin ko nga sya pagkatapos nito.

"Kung ganon edi dapat naging mabilis ka." Sagot nya bago ako siniko kaya nabitawan ko sya. Napatingin ako sa kanya,nakangisi na sya at may hawak na dagger. Saan nya iyon nakuha?

Hindi na ako nagsalita,ginamit ko ang mabibilis na pag-atake kaya nagawa kong sugatan ang braso at binti nya. Atleast ngayon ay may palatandaan na ako. Sumugod ako at binigyan sya ng isang malakas na suntok dahilan para mapaluhod sya.

Agad nya namang nabawi ang lakas nya at sinubukan akong suntukin pero hinarangan ko ito gamit ang kamay ko. I pulled her closer to me bago bumulong, "I will never surrender you." At pagkatapos noon ay pinatumba ko na sya.

We're both laying on the floor. Nasa ilalim ko sya habang ako ay nasa ibabaw nya. "You can't escape me, I promise that you'll be mine one day. And starting today you're already my quest." At pagyari ko ay tumayo na ako bago sya binigyan ng isang nakakalokong ngiti.

Inayos ko ang gusot-gusot kong jacket bago tuluyang umalis as harap nya. I know that she's not a treat to the higher committee but I can see her capabilities. I know that she will be a great contribution to our group one day.

I promise that starting today she's already my quest at hindi ako titigil hanggat hindi ko sya nahahanap at nakikilala...

Serrah's POV...

Kanina pa ako nakakaramdan ng panghihina. Kanina pa iniinda ng katawan ko ang mga sugat at hiwa ko sa katawan. Hindi ko inaasahan na makakaya kong labanan si L para mabuhay. Nanlalambot na ako,alam kong pinilit kong maging malakas sa harap nya pero ang totoo ay simula una ay hindi ko na mapigilan ang panginginig ng aking tuhod.

Naiinis kong itinarak ang kutsilyong hawak ko sa sahig pero dumulas lamang ito dahil sa semento ang lapag. Hindi ko alam kung paano ko nagawang tumayo at maglakad patungo sa upuan ko,basta ang alam ko lang ay katabi ko na si Ivy at Yna.

"Gosh! Serrah saan mo natutunan yun?" Parang namamanghang tanong ni Yna.

"Hindi ko rin alam. Hmm, sa tingin nyo ba ay mapapansin yun ng higher committee? I mean isa na ba akong threat sa kanila ngayon?" Tanong ko habang pilit na hinihintay ang sagot nilang dalawa.

"Sa tingin ko naman ay hindi since natalo ka pa din ni Ice Prince,saka papatayin lang naman nila yung mga taong makakatalo sa kanila." I sighed as I heard Ivy saying those words. It's such a relief na ligtas na ako ngayon pero wala pa rin akong kasiguraduhan.

"Mamaya sa ospital na tayo dumeretso at ipagamot yang mga sugat mo. Hindi ko naman kasi ineexpect na sa liit ng tyansa na yun ay ikaw nga ang mabubunot." Hindi na ako nagsalita at tinanguan nalang si Yna.

After ng Night of Warriors ay agad nga kaming dumeretso sa pinakamalapit na ospital. Kasalukuyan akong nasa ER at hinihintay ang nurse na gagamot sa mga sugat ko ng biglang pumasok ang isang lalaking pamilyar sa akin.

Nakamask ito ng puti at masasabi kong isa syang nurse pero parang iba eh. I know na kilala ko sya personally dahil nga sa pamilyar ito. Nakaside-view sya mula sa akin habang nilalagyan ng gamot ang mga bulak.

"Ahm excuse me po?" Napatingin sya agad sa direksyon ko. Then I saw his eyes,tama nga ang hinala ko.

"Yes Maam?" Tanong nya at saka unti-unting tinanggal ang face mask nya.

"Kuya Zyle? What are you doing here at kelan ka pa naging nurse aber?" Tanong ko saka tumayo at pinameywangan sya.

Nakangiti sya at napakamot sa ulo nya bago ako tiningnan, jusko kung ibang babae lang ako paniguradong mafafall ako dito. "Kahapon lang haha. Sinadya ko talagang ako ang magnurse sayo ngayon. Actually, I already expected this. And I want to congratulate you cause you did a great job earlier." Napanganga ako,it means nandoon sya kanina sa school?

"You mean nakita mo yung laban ko kay Ice Prince?" Tumango sya at ako naman umupo na ulit sa kama.

"Nakalimutan mo na bang ako ang pinuno ng higher committee? Kung tutuusin ay kayang-kaya kong ipapatay ang kahit na sino." Sabi nya with full of confidence at saka ngumiti ng nakakaloko.

"I'm the Unbeatable King remember?" Tama sya,sa lahat ng Gangster Society ay sya ang pinakakilala at kinatatakutan,sya ang may hawak sa buong Gangster World at sa lahat ng Gangster Groups. He's my cousin, Xavier Zyle Buenaventura.

"Hindi ko naman yun nakakalimutan Kuya kaya nga nagtataka ako at naging nurse ka bigla." Medyo natatawa kong tugon.

"Wala lang naman. Trip ko lang maging nurse for now at saka pinayagan naman ako ni Dad." Ngumiti ulit sya habang nilalagyan ng betadine yung sugat ko.

"Maswerte ka pa kahit papaano Serrah. Pareho nating alam kung anong meron sa Gangster World." Tinanguan ko si Kuya.

"Alam ko Kuya, at tutuparin ko ang pangako ko...I will never blocked their ways." He pat my head matapos nyang gamutin ang mga sugat ko.

"That's a good plan pero mukhang mahihirapan ka na cause you already blocked their ways Serrah. Si L desidido na syang hanapin si Damsel in Distress, desidido na syang hanapin ka." Kumunot ang noo ko. Akala ko ay tapos na yun,I mean hindi ko naman akalain na seseryosohin nya ang sinabi ko.

Inilagay nya ang mga gamit nya sa stainless na tray,ang akala ko ay lalabas na sya pero lumapit sya sa akin at bumulong. "Kung ako sayo Serrah ay mag-iingat na ako. Hindi mo pa sila kilala, hindi mo pa alam ang mga kaya nilang gawin. Cause the only thing that they follow are only their rules." At matapos nyang sabihin yun ay lumabas na sya while leaving me dumbfounded.

---

Dagdag characters na naman hahaha. Yoo Seung Ho as Xavier Zyle Buenaventura. Until my next update guys! Lovelots!😍😘💞

The Gangsters' QuestWhere stories live. Discover now