Quest #6: Ice Prince

60 9 6
                                    

Serrah's POV...

Maingay na musika mula sa loob ng school ang sumalubong sa amin. Mula sa labas ay rinig na rinig ang nakakabinging musika na halatang gustong-gusto ng mga gangsters na iyon. Maingay at aakalain mong nasa bar ka. Inabot namin ang invitation bilang entrance pass.

"Enjoy your night,Ma'am." Sabi ni Kuyang guard bago kami pinagbuksan ng gate.

"Saan ba ang venue ngayon?" Tanong ko sa kanila.

"Sa Quadrangle." Sagot ni Ivy kaya agad kaming naglakad papunta doon.

Pagdating namin ay sumalubong sa amin ang napakaraming tao na nakapalibot sa buong quadrangle. Napatingin ako sa upper portion ng seats at doon ko nakitang nakaupo ang mga taga higher committee. Lahat kami dito ay nakaitim at nakamaskara kaya masasabi kong 'Black Masquerade' ang theme ngayon.

"And now ladies and gentleman let's start the most amazing night that develop your self defense. Welcome to the Nights of the Warriors." Pagkasabi non ng emcee ay nagliwanag ang buong quadrangle. Handang-handa na ang lahat maging ang ring na mababahiran ng dugo mamaya.

"The first players are..." pabitin nyang sabi habang bumubunot sa bowl of fate and chances.

"Knight in Tragedy at ang makakalaban nya mula sa higher committee ay si... Beautiful Disaster." Nakita kong umilaw ang upuan na hindi kalayuan sakin at pati narin ang isang upuan malapit sa gitnang pwesto mula sa higher committee.

Sabay silang lumabas at pumunta sa ring. Unang sumugod and katulad namin pero hindi rin nagtagal ay napabagsak na rin sya ni Beautiful Disaster. Masasabi kong sanay na itong makipaglaban dahil sa kaniyang mga galaw. Tatlong beses na suntok at sipa ang inabot nito bago tuluyang bumagsak ang kawawang estudyante, hudyat na talo na sya.

Mapanuksong ngiti ang mapupuna mo mula sa mga tiga higher committee. That's so unfair! Wala kaming kalaban-laban sa kanila.

"Kilala ko yung Knight in Tragedy na yun,kung tutuusin ay kaya nyang lumaban sa mga taga higher committee dahil suki na sya dito pero bakit hindi nya pinatagal ang laban?" Naiinis na reklamo ni Yna.

"Loka nakalimutan mo na ba? Lahat ng magiging threat sa mga taga-higher committee ay papatayin nila." Sagot ni Ivy. Napanganga ako, kahit pala lumaban ako ay mamamatay din ako. Jusme! Ano bang gagawin ko?

Patuloy lang kaming nanuod ng mga sumunod pang mga laban pero kada may mapapanuod ako sa ring ay kinakabahan ako. Napatayo ako ng wala sa oras pagkatapos magbakbakan ng 2nd to the last players.

"Bahala na kung babagsak pero ayoko na dito! Uuwi na ako." Sigurado kong sagot bago nagsimulang maglakad pero napatigil ako.

"And the last players are..."

"Ano ka ba naman isa na lang ang lalaban at sigurado akong maliit ang porsyentong ikaw ang mabunot. Kaya umupo ka na dito at manahimik." Inis akong bumalik sa upuan ko at sumibangot kay Yna.

"None other than...Damsel and Distress and the Ice Prince."

Biglang umilaw ang upuan ko,hudyat na ako nga ang nabunot. Napalunok ako at nakaramdam ng takot. Paano ba ako lalaban eh mukhang gangster talaga ang isang ito. Sana naman at hindi sya galing ng EXO at Infinite dahil paniguradong uurong ako...

"Uy Serrah pumunta ka na sa ring masamang pinaghihintay ang mga taga higher committee." Tinanguan ko lang si Ivy at nagsimula ng maglakad patungo sa gitna ng quadrangle. It's time to wear my true mask.

I smiled but it's a flirtious one. Sisiguraduhin kong magiging memorable sa kanya ang gabing ito.

Sumugod ako upang bigyan sya ng suntok pero mabilis nya itong nailagan. Hinawakan nya ang braso ko na parang pinapalipit ito papunta sa likuran ko. Inilapit nya ang bibig nya sa tenga ko at bumulong...

"Hindi kita bibigyan ng pagkakataon. Pasensya dahil kahit babae ka wala akong sinasanto." Pagkasabi nya noon ay ibinalik nya ako sa pwesto ko sa pamamagitan ng pagtulak.

Ang boses nya, kilala ko ang boses nya. Alam kong bihira ko lamang iyon na marinig pero sigurado ako si Ice Prince ay walang iba kundi si L.

L's POV...

Damsel in Distress. Hindi ko maiwasang hindi matuwa dahil sa code name nya. Sino ba namang tao ang magbibigay sa sarili nya ng code name ng mga talunan? Sabagay sigurado naman akong ganun din ang kababagsakan nya.

Ngumiti sya,isang ngiting mapang-akit. Nananatili syang nakatayo sa pwesto nya na parang kampanteng-kampante at hindi nakakaramdam ng takot.

Sumugod ako at sinipa ang kanan nyang paa kaya agad syang napaluhod. Sinabunutan ko sya at saka ulit nagsalita. "Ngayon pa lang ay magpatalo ka na. Wag mo ng hintayin na maubos ang pasensya ko dahil hindi mo iyon magugustuhan." Tumayo ako ng tuwid pero hinatak nya ako pababa at saka sinuntok.

Medyo naramdaman ko ang kamao nya pero sanay nako sa mga ganitong tira. Agad akong tamayo at tiningnan sya, I grab her arm at ibinato sya sa lapag. She only have two chances now. I smirk as I felt that she's in pain right now. Good thing for me!

Agad nyang nabawi ang lakas nya at tumayo. Nagiging aggressive na ang bawat galaw nya. Patuloy ang pagsuntok nya sakin at pagsipa. I just want to enjoy everything. Maya-maya pa at hindi ko namalayang nakorner nya na pala ako sa gilid ng ring.

She moved closer and whispered, "I'll make sure that you will never forget me. I know that you need to chase my after this, Ice Prince." Her voice makes me shiver. It's sexy and seductive. Well,even her scent it was captivating.

I saw her smirking bago ko naramdaman ang suntok nya sa tiyan ko. Aaminin kong medyo nasaktan ako sa ginawa nya pero hindi ako mapapabagsak ng mga pangkaraniwang tira.

Napatingin ako sa monitor,10 seconds left. Itinulak ko sya hanggang sa marating namin ang gitna ng ring. Alam kong ngayon ko lang ito gagawin,as in first time in my history na kailangan ko nito pero masyado kong naeenjoy na kalabanin sya. She's not like her code name,mali ako dahil masyado ko syang minaliit.

"TIME EXTENSION!" Sigaw ko na ikinagulat ng marami.

Rinig na rinig ko pa ang bulungan ng lahat. "Seryoso ba? It's just a first time in history that he wished for the time extension." Daldal ng emcee sa mga nanunuod.

"But we all know that this time this will be more intense." Dagdag nya pa na tila ba hinihintay ang susunod na mangyayari.

Tama sila,mali ako na masyado akong nakampante dahil babae sya. Agad akong bumunot ng patalim mula sa secret pocket ko at saka ito pinadaan sa braso nya. Muli ay isang mapanuksong ngiti ang binitawan ko bago ito itinutok direkta sa kanyang leeg.....

The Gangsters' QuestOù les histoires vivent. Découvrez maintenant