Kabanata Tatlo ♡

4.9K 107 1
                                    

3. Natsumi's Past

Natsumi's Point of View

"Queen, hinihingi namin ang kapatawaran mo." Kahit nanghihina na ay nagawa pa rin n'yang lumuhod sa harap ko.

"Take a rest now." Naging hudyat yun para kunin s'ya ng mga myembro n'ya. Kita ko pa rin ang takot sa mata ng mga demonyong naririto sa Stadium. Lalo na ng marinig nila ang mga sigaw at daing ni Max na isang oras nasa loob ng kwarto.

"That was great! Namiss ko ang Cuaran24." Napatingin ako kay Hanelli.

"Do you want to try Fleur Noir?" Nakangisi kong tanong sa kanya na mabilis naman nya kinailing. Natawa naman sila Spair sa naging reaksyon nito.

Tumayo na ko sa gitna at pinalibot ang tingin ko. Kita ko ang takot sa mata nila. Ang ilan ay babae pero karamihan ay lalaki.

"Lahat ng sumuway ay may kaakibat na parusa, alin man sa dalawa, C24 o Fleur Noir. Parehong madugo, pero hangga't ang Démoniaques ang nangunguna at ako ang namumuno. Wala kayong magagawa kundi sumunod." Mahinahong sabi ko. "All of you can rest now." Naglakad na ko palabas ng Stadium habang nakasunod ang mga kaibigan ko.

"Queen, pwede ba kami magsleepover sa bahay mo?" Panimula ni Steph, hindi ko s'ya sinagot. Mas gusto ko nga kapag nasa bahay sila eh.

"Silence means yes!" Masayang sabi ni Hanelli. Palihim nalang akong napangiti, sumakay na ko sa motor ko at pinaharurot na pauwi sa bahay.

---

Sabay-sabay kaming nagpark sa garahe ng bahay ko. Sa loob ng ilang taong pagiging Gangster namin ay pare pareho na kaming madaming naipundar. Sumasali kami sa malalaking laban at malalaking pera ang pustahan.

"Queen!! May soju ka ba?" Excited na tanong ni Steph.

"Meron yan Steph, si Queen pa ba?" Inakbayan ni Hanelli si Steph at nauna nang pumasok sa loob.

"Halika na, Nats." Sumunod na si Spair sa kanila. S'ya lang ang tumatawag sakin ng ganun sakanilang tatlo.

Si Spair ang pinaka unang tumanggap sa pagkatao ko, at tumagal ng ilang taon sa ugali ko. Hindi ko man napapakita sa kanya na mahal ko s'ya, alam ko namang alam n'ya 'yun.

Naglakad na din ako papasok sa loob, naabutan kong nakaupo sila sa carpet at may mga beer at soju sa lapag.

"Ubos na naman stocks ko." Naiiling kong sabi. Naupo na rin ako sa tapat nila at binuksan ang isang beer.

Nagsimula na kaming uminom, kumuha naman sila ng pagkain kaya naman busog na busog kami.

Ilang oras lang ang lumipas at tulog na silang tatlo dito sa may sala. Naisipan ko namang lumabas muna at magpahangin.

Thinking about my past makes me want to cry like a baby, but I can't. I'm not a baby anymore. Naglakad lakad ako sa kalsada habang nagiisip ng masasayang ala-ala. Past 12 na din.

Napaupo nalang ako sa gilid ng kalsada ng maalala ang nangyari sa pamilya ko.

*Flashback*

"Natsumi, dahan dahan lang baka madapa kayo." Sigaw ni Mama sa'min, andito kami ngayon sa park kasama ang kakakambal kong si Andromeda.

When Queen Of Gangsters Meets King Of Assassins [COMPLETED]Where stories live. Discover now