Kabanata Labing Dalawa ♡

2.8K 37 2
                                    

12. The Reaper has Fallen

Andy's Point of View

Kakatapos ko lang isalaysay sa kanila ang nangyari sa'kin, ilang araw din bago nagising si Ate Yumi.

"Ang mahalaga ngayon, magkasama na tayo ulit." Nakangiting sabi ni Ate Yumi kaya naman niyakap ko s'ya ulit.

"Nats, sorry. Alam kong kulang ang isang sorry sa nagawa namin say--" hinila ni Ate Yumi si Ate Spair, kaya naman 'di na n'ya natapos pa ang sasabihin n'ya.

"It's fine. I understand." Napangiti ako, ang ganda ng samahan nila. Halatang 'di masisira ng kahit anong pagsubok.

"Ahh uhmm, I have something to say." Napatingin kaming lahat kaya Kuya Timothy.

Napatingin naman ako sa kinaroroonan ni Shikiro, nasa kabilang side siya ng kama ni Ate. I admit it, I like him but I know he loves my Ate Yumi.

Spair's Point of View

"Spair, I think this is the right time para sabihin sayo ang totoo." Agad tumibok ng mabilis ang puso ko.

Sa dami ng nangyari ay nawala na sa isip ko ang tungkol dito.

"I am the on--" hindi ko na hinintay pang matapos ang sasabihin n'ya at agad ko na s'yang niyakap at hinalikan.

Rinig ko ang pagrereklamo ng mga kasama namin dito sa kwarto. Oo, magkakasama kami sa kwarto. Hindi ko na sila pinansin pa at tinuloy lang ang ginagawa ko.

"Tama na 'yan, baka kung san mauwi yan ah." Narinig kong sabi ni Natsumi kaya naman bumitaw na ko kay Timothy.

Namumula ang mukhang humarap ako sa kanila, pinagmasdan ko sila isa isa. Si Stephanie na nakahawak sa braso ni Kurt, si Hanelli na nasa tabi ni Steph, hindi pa din sila bati ni Blake. Si Natsumi na katabi si Shikiro at Andromeda. Habang si Blake ay nasa sofa.

"Dude, may isang lonely." Parinig ni Shikiro, kaya napatingin kaming lahat kay Hanelli.

"What?" maang maangan n'ya na nagpatawa sa'ming lahat.

"Hindi mo ba papatawarin si Blake? Matapos ang ginawa n'yang pagliligtas sayo?" Tanong ko sa kanya. Tama, iniligtas s'ya ni Blake sa kamay ng mga tauhan ni Zach.

"Kasi naman eh. Wash your mouth and body now!" Nakangusong sabi ni Hanelli, na nagpatawa na naman sa'min at mas lalo pang lumakas yun ng biglang tumakbo si Blake papuntang bathroom.

Natsumi's Point of View

Masaya kaming nagtatawanan ng biglang mabasag ang bintana ng kwarto namin.

"Dapa!" Sigaw ko sa kanila, ilang putok pa ng baril ang narinig ko bago tuluyang nawala 'yon.

"Shikiro check the perimeter!" Sigaw ko. Agad naman s'yang lumabas kasama ng mga kaibigan n'ya.

"Spair, report it now!" Naging hudyat 'yun para kuhanin n'ya ang phone n'ya. Nilibot ko ang paningin ko at nakita sila Hanelli na ok naman. Hinanap ng mata ko si Andy.

When Queen Of Gangsters Meets King Of Assassins [COMPLETED]Where stories live. Discover now