Kabanata Pito ♡

3.3K 56 0
                                    

7. The Moon is Back

Natsumi's Point of View

A week had passed and I admit that Shikiro will be a good boyfriend. I dunno why, pero 'pag kasama ko s'ya parang hindi ko naiisip na kailangan n'ya kong patayin. Hindi ko naiisip, na maaring humandusay na lang ako sa mga pinupuntahan naming lugar.

"Queen! Nakikinig ka ba?" Pagkuha ni Hanelli sa attention ko. Agad naman akong napatingin sa kanya, nawala sa isip ko na pinaguusapan nga pala namin ang gaganaping laro sa Stadium sa susunod na linggo.

"Yeah, lahat yan isasama natin. Tawagan nyo na ang lahat." It's thursday and sabado next week ang palarong 'to. Naging tradition na namin 'to na isa man sa sabado ng buwan ay may mga palaro, at pera ang premyo. Hindi lang basta pera, malaking pera.

Agad naman silang lumabas sa kwartong pagmamay ari namin dito sa Stadium. Tatawagan na nila ang mga demonyo. Kaya naman naghanda na ko at nag-ayos ng buhok.

"Nats, 10 minutes andito na silang lahat." Tinanguan ko lang si Spair. Lumabas na ko ng kwarto at naglakad papasok sa may main ng Stadium. May iilang tao nang nakaupo.

Naglakad kami papunta sa upuang para lang sa'min. Naupo ako sa pinaka malaking upuan, katabi ko si Spair at Steph, katabi naman ni Steph si Hanelli.

Hawak ko lang ang katana ko at tinitignan kung maayos ba. Ilang minuto pa at nagdadatingan na sila. Nagtama ang mata namin ni Max pero tinanguan ko lang s'ya.

"Go na Queeeen!" Sigaw ni Steph at Hanelli. Tsk, these two.

Naglakad na ko sa gitna at nilibot ang tingin ko, nakasanayan ko na 'yon sa tuwing tatayo ako dito sa gitna.

"Alam nyo na siguro kung bakit ako nagpatawag ng pagpupulong, sa susunod na sabado ang Jeu De La Mort. Be ready everyone, that day will be a bloody day again. That's all you can now all go." Yun lang naman ang sasabihin ko. Jeu De La Mort means Death Game. I know they love it, but also they fear it.

Lumapit sa'kin sila Spair at naglakad na kami papunta ulit sa headquartes namin. May ilan lang kaming pinagusapan pa tungkol sa grupo ni Amethyst at nagkanya kanya na kami.

Shikiro's Point of View

"That would be all, Assassins." Andito kami ngayon sa building na pagmamay ari ng mga assassins. Halos lahat kami ay nakaitim at nakatakip ang mukha, but they know who we are.

Papaalis na sana ang mga tao dito ng may bumagsak na naka dirty white clothes sa harap namin nila Kurt. No this can't be.

'Pre si Moon ba yun?'

'Dude! I thought she's dead!'

Usap usapan ng mga nandirito. Halata naman ang gulat nila Timothy dahil sa pagdating n'ya.

"Miss me devils?" I know she's smirking. Tinanggal ko ang takip ng mukha ko. Nakatitig lang ako sa kanya.

"Bakit gan'yan ka makatingin? Gusto mo ba kong patayin ulit?" Hindi na ko nakapagsalita pa sa sinabi n'ya. Nagbulung-bulungan na ang mga tao sa paligid. Napatingin naman ako kila Kurt na ngayon ay wala na ring takip ang mukha.

"Alam kong ikaw ang nagplano at nagsagawa ng hakbang para mapatay ako. Sorry, hindi ako mamamatay sa simpleng pagpapasabog lang ng quarters ko. Alam ko ring ikaw ang nagpakalat ng balitang patay na ko, kahit pa wala ka namang katawan na nakuha galing sa quarters ko." Sinadya n'yang iparinig 'yun sa lahat.

"I don't know what you're talking about." Un lang ang lumabas na salita galing sa bibig ko, inatake ko s'ya gamit ang katana ko.

Nagpalitan kami ng wasiwas ng espada hanggang sa masugatan n'ya ko sa braso. Napatigil naman ako ng maitapat n'ya sa leeg ko ang katana n'ya.

"I'm still the Queen, you know you can't beat me, kaya kumilos ka ng pailalim. You'll pay for what you've done." Un lang ang huling sinabi n'ya bago s'ya nawala sa harap ko.

Agad akong naglakad papaalis sa building, nakasunod naman sa'kin ang mga myembro ko.

"Bro, ano nang gagawin natin? Akala ko ba napuruhan mo?" Tanong ni Blake.

"That was 2 years ago, wala nang mangyayari kung susumbatan n'yo pa ko." Sabi ko at sumakay na sa kotse ko. Sumakay din naman sila at pinaandar ko na 'yon.

Natsumi's Point of View

Hawak ko na ung buhay n'ya kanina, pero bakit hindi ko maituloy. Bakit hindi ko s'ya mapatay? Bullsh*t!

Agad kong pinaharurot ang motor ko. Hindi ko alam kung san ang punta ko, s'ya ang lalaking nagtangka sa buhay ko.

*Flashback*

Tahimik lang akong nag-iisip dito sa quarters ko, iniisip ko ba kung itutuloy ko pa ang pagiging gangster habang assassin din ako. Naisipan kong lumabas muna para sana magpahangin, dahil ang kinatatayuan ng quarters ko ay sa liblib na gubatan.

Hindi pa malayo ang nalalakad ko ay may malaking pagsabog ang nangyari sa quarters ko. Agad akong nagtago sa malaking puno ng may marinig akong kaluskos. Kitang kita ko ang mukha nya.

Kitang kita ko kung sino ang nagtangkang pumatay sakin, si Dark ng Archer.

*End of Flashback*

Galit na galit ako sa kanya noon, pero bakit hindi ko s'ya nagawang paslangin kanina? May mali, maling mali. Hindi ako pwedeng matalo sa larong s'ya ang may gawa.

Nagpunta ko sa dati kong quarters, sunog na sunog pa rin ito at halos wala ng natira. Pumasok ako sa loob at nakita ang mga itim na gamit. Nang mag lay low ako ay nagpagawa ako ng isa pang quarters na kagayang kagaya nito. Un ang quarters ko ngayon.

Napalingon ako sa pinto ng may marinig akong kaluskos, s'ya na naman.

"Sabi ko na nga ba, dito ka unang pupunta." Sabi n'ya, iba na ang suot n'ya kumpara kanina at wala na din ang takip n'ya sa mukha.

"Anong kailangan mo? Sinira mo ang lahat ng nasimulan ko." Halata pa rin ang galit sa tono ng pananalita ko.

"Gusto ko lang tapusin ang matagal ko na sanang tinapos." Agad s'yang tumakbo palapit sa'kin at iwinasiwas ang espada n'ya. Agad ko naman s'yang nilabanan. Siniko ko ang tiyan n'ya dahilan para mapaupo s'ya sa sakit.

"May tamang panahon para tapusin ang dapat tapusin at hindi ito 'yon." Un lang ang sinabi ko at agad nang umalis sa lugar na 'yon.

Umuwi ako sa bahay, dumiretso agad ako sa bathroom pagkapasok ko sa kwarto. Naligo ako bago mahiga sa kama.

Iniisip ko kung anong nangyari sa'kin, dati ay ilan ilan ang napapatay ko pero bakit hindi ko s'ya mapatay? S'ya na nagtangka sa buhay ni Moon at nagtatangka sa buhay ko bilang totoong ako.

Hindi na dapat pang lumalim ang ano mang nararamdaman ko. Maikli palang ang panahon, makakaya ko pang baguhin toh.

---

Yan na nga ang sinasabi ko eh. Rupok rupok eh. HAHAHAHAH

Labeol Mysties.

Don't forget to Vote, Comment and Share.

When Queen Of Gangsters Meets King Of Assassins [COMPLETED]Where stories live. Discover now