Kabanata Anim ♡

3.5K 67 0
                                    

6. Sundae x Fries

Shikiro's Point of View

Magdamag kaming naghanap ng mga posibleng magtuturo kung sino ba talaga ang nasa likod ng maskara ni Moon.

Si Moon ang reyna at namumuno sa Assassin World noon pero bigla na lamang lumabas ang balitang patay na s'ya, kaya naman ako at ang grupo ko ang hinirang na bagong taga-pamuno. Dahil kami ang pumapangalawa kay Moon.

"Bro, may pasok pa tayo." Inaantok na sabi ni Timothy.

"Matulog muna kayo saglit, hindi tayo aattend sa first class." Sabi ko, naging hudyat naman 'yun sa kanila para magtayuan at magsipuntahan sa mga kwarto nila.

Naiwan akong nagtititipa sa laptop ko. Hindi s'ya pwedeng bumalik.

Natsumi's Point of View

Natapos ang first class at lahat, walang dumating na mga abnoy. Nalaman kong pati pala sila Spair ay kinukulit din ng mga kaibigan ni Shikiro. Ano bang plano nila? Bat pati ang mga kaibigan ko gusto nilang idamay?

Nagpunta nalang kami sa canteen, tutal breaktime naman at nalaman kong naipasa na nila ung request ko. Kaya naman masaya akong lumapit sa counter.

"Ate pabili nga ng sundae at fries." Feeling ko pa nagtutwinkle ang mga mata ko. Kanina pa nga tingin ng tingin sa'kin ang mga estudyante, dahil maganda ang mood ko ngayon.

"Hay nako Queen, kaya naman pala good mood ka ngayon. Kasi nasolusyunan na ang request mo sa school." Narinig kong sabi ni Hanelli. Humarap naman ako sa kanya at nginitian s'ya ng sobrang tamis.

"Queen, you're creepy. Stop smiling like that. Geezz." Sabi ulit ni Hanelli. Napatawa naman ako sa sinabi n'ya, napatingin ako kay Steph at Spair pero nagkibit balikat lang sila.

"Eto na po ang order n'yo." Nagtwinkle na ng tuluyan ang mata ko ng marinig ko 'yon. Agad akong kumuha ng pangbayad at inabot ito kay manang. Hindi ko na pinansin pa ang sukli at naupo na sa favorite part ko dito. Sa gitna.

Masaya akong kumakain ng biglang may kumuha sa fries ko at nakisawsaw sa sundae ko. Natigil naman sa pag-upo sila Spair at pati na rin ang mga estudyanteng kumakain ay napatigil. Nawala ang ngiti ko kanina.

"Move students!" Sigaw ni Steph. Agad namang naglabasan ang mga estudyante at lumayo din sila Spair.

"Run if you love your life." Simpleng sabi ni Spair. Nag ngangalit pa rin ang kalooban ko.

"Why? Isang frie--"

Stephanie's Point of View

Hindi na natapos pa ni Shikiro ang sasabihin n'ya nang humarap si Queen sa kanya. She's really scaring the hell out of me.

Nakangisi si Queen habang nakaharap kila Shikiro, kaya naman agad na tumakbo sila Kurt papunta sa kinaroroonan namin.

"Run!" Sigaw ni Hanelli kaya naman wala nang nagawa pa si Shikiro kundi tumakbo. Agad naman s'yang hinabol ni Queen.

Tawa kami ng tawa. Dahil halos 10 minutes na ata silang naghahabulan.

"Bakit ganun si Natsumi?" Hindi na napigilan ni Blake ang magtanong.

When Queen Of Gangsters Meets King Of Assassins [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon