Kabanata Labing Isa ♡

2.7K 33 3
                                    

11. Memories

Shikiro's Point of View

Dinala ko si Natsumi sa isang bahay na pag mamay ari ko. Ginamot ko muna ang mga sugat niya, naupo lang ako sa tabi n'ya. Hinihintay ko ang tawag ni Timothy, alam kong makakaligtas sila.

"S-spair!" Napatingin ako kay Natsumi. Niyugyog ko s'ya ng bahagya para magising s'ya. Nang imulat n'ya ang mata n'ya ay agad ko s'yang niyakap.

Isang tawag ang nagpabitaw sa'kin sa kanya. Sinagot ko ang tawag dahil galing ito kay Timothy.

"Bro! You f--" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil sa isang halakhak, halakhak na nagpakaba sa'kin.

"Same place, 8 pm sharp. Tom. Isama mo na rin si Natsumi, may ipapakilala ako sa kanya." Alam kong nakangisi s'ya sa mga oras na 'to. Hindi pwedeng hindi ko s'ya puntahan, hawak n'ya ang mga kaibigan ko.

"Si Zach ba 'yon?" Tumango ako. Kita ko ang galit sa mga mata n'ya.

"Malaki ang galit ko sayo Dark, pero isasantabi ko muna 'yon. Kailangan nating magtulungan, malamang sa mga oras na toh hawak na n'ya ang mga kaibigan ko." Sabi n'ya. May point s'ya.

"Kakayanin mo ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya, dahil ang dami n'yang sugat.

"Baka nakakalimutan mong isa akong gangster at assassin. Hindi lang basta gangster at assassin." Mala-demonyong ngisi ang sumilay sa labi n'ya.

"Kundi Reyna ng dalawang mundo." Kita ko ang demonyo, demonyong matagal nang nakatago.

Buong magdamag ay umisip kami ng plano, plano kung pano patutumbahin ang pwersa ni Zach Devillas. Ang head ng Devi Mafia.

Hindi na din kami nakatulog pa, nang mag-umaga na ay inihanda naman namin ang gagamitin naming mga sandata. Malaking laban ang mangyayari ngayong gabi, at kailangan naming siguraduhin na hindi kami ang matatalo.

Nang matapos na kami maghanda ay sandali kaming nagpahinga, nang sumapit ang 7 ng gabi ay umalis na kami sa bahay ko.

Ilang minuto ay nasa tagpuan na kami. Nakita ko na ang mga tauhan ni Zach o mas kilala bilang Z.

Nakatago ang anumang armas na dala namin, agad naman kaming pinapasok sa building nang makilala kami ng mga tauhan ni Z.

"Dark! Long time no see! Look who's here jerks!" Agad napadapo ang tingin ko sa mga kaibigan ko, nag-apoy sa galit ang mga mata ko ng makitang bugboy sarado sila.

"What did you do to them?!" Sigaw ko sa harapan ni Z. Agad naman akong hinawakan ni Natsumi para pakalmahin.

"I don't need you, I need her." Nakangiting turo n'ya kay Natsumi.

"And I need your life, para sa pagpatay sa pamilya ko!" Hindi na nakapagpigil pa si Natsumi, umatake na s'ya kay Z pero isang malakas na suntok ang nakuha n'ya bago pa man s'ya makalapit kay Z.

"Ohh! Natsumi dear! I want you to meet Andromeda." Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Natsumi. Nakatitig lang s'ya kay Andromeda.

When Queen Of Gangsters Meets King Of Assassins [COMPLETED]Where stories live. Discover now