Kabanata Lima ♡

3.8K 73 0
                                    

5. The Date

Spair's Point of View

Kanina pa kami paikot-ikot dito sa school, pero hindi pa rin namin nakikita si Natsumi.

"Spair, baka naman lumabas ng school." Sabi ni Hanelli habang papalapit sa'kin. Sinen'yasan ko si Steph na lumapit.

"Nacontact mo na ba?" Tanong ko sa kanya. Hindi s'ya pwedeng mawala ng matagal dito, baka magwala na naman 'tong mga studyanteng 'to.

"Wala pa rin e-- ayun! Queen!" Tumakbo s'ya papunta sa kinaroroonan ni Natsumi. Kaya naman tumakbo na din kami ni Hanelli.

"San ka ba galing Nats? Alam mo namang 'di ka pwedeng mawala ng matagal dito." Napasimangot naman s'ya dahil sa sinabi ko.

"Nagpahangin lang ako." Something is wrong. May nangyari kaya?

"Let's go." Walang emosyon n'yang sabi, bago naglakad papuntang building.

Natsumi's Point of View

Tahimik lang akong naupo sa upuan ko, habang masama ang tingin kay Shikiro. Nginisian n'ya lang ako ng makitang nakatingin ako sa kanya.

Naiinis pa rin ako dahil sa naging usap namin kanina, he wants to play? Then I'll be playing with him. Nakinig na lang ako sa teacher na nasa harap kaysa isipin ang mga hindi pa nangyayari. Ilang oras lang ang lumipas at natapos na ang klase.

"Kailangan ko pa bang ulitin ang tungkol sa mga naka-assign sa paglilinis?" Sabi ni Hanelli. Nag-ayos nalang ako ng gamit at susuotin na sana ang bag ko ng may kumuha nito.

"Let me handle this." Nakangiti pa n'yang sabi. Inirapan ko lang s'ya at tumingin kila Spair.

"Kayo na bahala dito. Sa bahay kayo dumiretso." Tumango lang sila Steph, kaya tinanguan ko rin sila.

Naglakad na ko palabas kasunod ang lalaking abnoy na 'to.

"Ano na namang kailangan mo?" Tanong ko habang naglalakad papuntang parking lot.

"I want to date my girlfriend." Napa-irap naman ako sa sinabi n'ya. Date your ass.

"Mas ok sa mall. Mauna na ko sumunod ka na lang." Sumakay na ko sa motor ko, habang sinusuot ang helmet ko at hindi na nag-abala pang kunin ang bag ko sa kanya.

Nauna akong dumating sa mall, kaya naman dumiretso na ko sa parking lot. Saktong pagbaba ko naman ay ang pagdating ng kotse ni Shikiro.

Hinubad ko na ang helmet ko at inayos ang buhok ko. Tumingin ako sa kanya at nakitang pababa palang s'ya ng kotse.

"Ang tagal." Naiinip kong sabi. Napatingin naman s'ya sakin at tatawa-tawa, inirapan ko naman s'ya bilang sagot.

Naglakad na ko papasok ng mall habang kasunod si Shikiro. Una kong dumiretso sa arcade. Bumili naman s'ya ng tokens, at binigay sa'kin 'yon. Nakasunod lang s'ya habang hinahanap ko ang basketball game.

Nang makita ko na ito ay agad akong naghulog ng token, ilang bola ang nashoot ko at mukhang nainggit ang abnoy dahil nanghingi ng token sa'kin at naglaro na rin.

Napangiti ako, hindi naman pala s'ya masamang kasama. Sayang lang at kailangan ko syang unahan sa plano n'ya.

---

When Queen Of Gangsters Meets King Of Assassins [COMPLETED]Where stories live. Discover now