Kabanata Sampo ♡

3.4K 56 1
                                    

10. The Big Revelation

Blake's Point of View

Nang makita ko si Hanelli ay agad akong bumitaw kay Nicole. Sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Anong kabobohan 'to, Nicole? Sabi mo may paguusapan tayong mahalaga tapos gan'yan." Sigaw ko sa kanya, nung unang araw namin dito sa school ay s'ya ang unang lumapit sa'kin. Naging ok naman kami, pero nung mas nakilala ko si Hanelli ay agad ko s'yang hiniwalayan.

"Ano bang nakita mo sa bitch na 'yon?! Ako ung nauna Blake! Bakit mas pinili mo s:ya kesa sakin?" Umiiyak na n'yang sabi.

"Because I think, mas magiging matino ako kapag si Hanelli ang kasama ko. Hindi ko naramdaman sa'yo un, Nicole."

Iniwan ko s'yang umiiyak don, tumakbo na ako agad papunta sa room. Pagpasok ko ay nakita ko si Hanelli na kayakap ni Spair. Lumapit ako sa kanila, pero bago pa ko makalapit sa kanila ay isang suntok ang binigay sakin ni Natsumi, dahilan kaya napaupo ako.

"Para yan sa pangloloko kay Hany." Masamang titig ang binigay sa'kin ni Natsumi.

"Let me explain!" Lumapit na sa'kin sila Timothy, nakatingin na din ang mga classmates namin.

"Go, explain yourself." Tumingin sakin si Hanelli. Bakas sa mukha n'ya ang kakatapos lang sa pag-iyak.

"Yes naging kami ni Nicole but the moment na nakilala kita ng totoo, pinili kong makipaghiwalay sa kanya. Mas gusto kong makasama ka, mas nagiging matino ako kapag kasama kita." Nakatingin lang ako sa mata ni Hanelli. Wala kong makitang emosyon sa mga mata n'ya.

"Patunayan mo. Umalis ka na sa harap ko, bago pa madagdagan ang pasa d'yan sa mukha mo." Wala na kong nagawa pa at umupo na lang sa upuan namin nila Kiro. Saktong dating naman ng teacher namin.

Natsumi's Point of View

Nakatingin lang ako kay Hanelli buong klase, dumaan ang dalawang araw na walang pasok. Kita ko ang saya sa mata n'ya nun, ngayon lang s'ya nagmahal ng totoo tapos maggaganito pa s'ya.

Last saturday and sunday ay lumabas kaming apat, may inayos ng konti sa Stadium at pinaghahandaan na ang larong mangyayari sa darating na Sabado.

Ang saya namin ng mga oras na 'yon, tapos ngayon malungkot ang pinaka masayahing myembro ng gang ko.

"Half day lang tayo ngayon dahil may meeting ang mga teachers." Sabi ng prof namin. Pagkatapos ng klaseng to ay lunch na, it means uwian na. May naisip akong gawin.

"Monday cleaners, ayusin n'yo 'tong room. May iiwan akong magbabantay." Sabi ko at pinuntahan sila Shikiro.

"Bantayan n'yo hanggang sa matapos, ang sino mang tatamad tamad turuan n'yo ng leksyon." Sabi ko kay Shikiro. Tumango naman sila, maliban sa isa. Si Blake.

"Girls! Tara na." Tawag ko sa kanila at kinuha na ang bag ko. Balak kong magmall ngayon kasama sila, kung saan madalas kaming pumunta ni Shikiro. Tumunog ang phone ko ng papasakay na ko ng kotse.

When Queen Of Gangsters Meets King Of Assassins [COMPLETED]Where stories live. Discover now