Pang-wakas ♡

1.8K 15 1
                                    

1 month passed

Shikiro's Point of View

"Bro! Kumusta? Nahanap mo na ba?" Tanong ni Blake, nawala ang ngiti sa labi ko.

Isang buwan, isang buwan na siyang nawawala. Walang nakakaalam kung nasaan siya. Umiling ako bilang sagot.

"Nasa baba nga pala sila Hany, baka gusto mong kausapin." Sabi niya, tumango naman ako. Nauna na siyang bumaba at ako naman ay inubos muna ang laman ng baso ko.

Bumaba ako at naririnig ko ang tawanan nila, hindi ko maiwasang mainggit dahil ang saya nila samantalang ako ay ganito.

"May balita na ba kayo sa kanya?" Natigil ang tawanan nila ng magtanong ako. Isa isa silang nawalan ng ngiti.

"Wala pa rin Kiro, hindi ko matrack kung nasaan siya." Sabi ni Spair, oo buhay siya. Ang akala naming lahat ay hindi siya nakaligtas, mabuti nalang at nadala agad siya ni Timothy sa ospital.

"Babalik din 'yon, baka nagiisip isip lang." Sabi naman ni Steph. Nginitian ko siya ng matipid.

"Oh 'di kaya nagpapahangin lang kasi nagsasawa na sa kagandahan ko." Nginitian ko lang din si Hany, kahit anong gawin ko ay hindi ko matotoo ang mga ngiting lumalabas sa labi ko.

"Sana umabot siya bago ako umalis." Sabi ko, kanya kanya naman sila ng react.

"San punta?" Tanong ni Hany, naupo ako sa tabi ni Kurt.

"France, dun na muna siguro ako." Kanya kanya pa sila ng tanong, pero wala na kong sinagot pa.

Sa ngayon, gusto lang muna mag-isip. Kung kaya ko pa bang hintayin siya. Kung kaya ko pa lahat.

Hapon na ng nagsialisan sila Spair. Umakyat ako sa kwarto at kinuha sa drawer ang maliit na box, kung sana nakipagkita siya sa'kin pagkatapos ng araw na maospital kami. Sana ay naibigay ko na sa kanya ito.

Binuksan ko ang box at pinagmasdan ito. Sana ay umabot siya bago ako umalis bukas ng hapon.

Nagsimula na kong mag-impake, inabot na ko ng madaling araw kakaimpake sa mga gamit ko.

Nang matapos ang laban na iyon ay tumigil na kami sa pagiging assassin at sila Spair ay sa pagiging gangsters, sa ngayon ay si Max ang namumuno sa Gangster World habang sa Assassin ay si Louie.

Hinayaan ko na lang na kainin ako ng antok ng matapos akong magimpake.

Natsumi's Point of View

"Hindi ka pa ba magpapakita sa kanya? He's leaving tomorrow afternoon pa France." Nagulat ako sa sinabi ni Spair. Oo, alam niya kung nasaan ako pero sinabi ko sa kanyang wag na niyang ipagsabi pa.

"Hindi pwede, dadating ako." Pinatay ko na ang tawag at nag-ayos ng mga gamit ko.

Nanatili ako sa isang isla para mag-isip, kung tama ba lahat ng ginawa at gagawin ko. Hindi ko akaling aabutin ako ng isang buwan sa pag-iisip. Ngayon ay buo na ang desisyon ko. Hindi ko hahayaang mawala ang taong mahal ko.

When Queen Of Gangsters Meets King Of Assassins [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora