47: LOST

9.6K 112 14
                                    

Dedicated to Ronalyn Buenaobra dahil medyo affected ka. Hahaha! At natutuwa ako dahil ibig sabihin e effective yung gawa ko. :P Tenkkiiie! :D

Chapter 47

Bill’s POV

“H-Hhindi totoo yan.”

Pakshet. Bakit nandito si Alyx? Lagot na.

Halatang gulat na gulat sya sa mga narinig. Eto ang ayaw ko eh! Ang tagal ko tong tinago. Ang tagal kong iningatan ang sikretong to. Dahil ayokong masaktan sya. Shet!!!!

“M-mikkko?? Hindi totoo yun. Wag ka maniwala sa kanya.”

Umiiyak na sya. Napakapit sya sa isang poste. Kitang-kita sakanya na parang nanghihina sya. Parang ano mang oras ay babagsak sya. Gustong-gusto ko syang lapitan at alalayan pero di ako makagalaw sa pwesto ko. Di ko alam ang gagawin ko. 

“Para  tayong nasa eksena ng pelikula ahh! Haha.” -.- he still manage to laugh sa ganitong sitwasyon. Why I so hate my father? Dahil sya ang sumira ng buhay ni Alyx. Sa kanya ko niligtas si Alyx. Damn my father for cheating on my mother. And damn him more for almost hitting on the girl I love.

“PA! Please!! Tama na, tigilan nyo na sabi yan. Umalis na tayo, please..”

“Bitawan mo nga ako. Hindi pa ako tapos.. I have a lot to say. Tutal nandito na rin naman tayo, bakit di ko pa sabihin lahat?”

Tahimik lang ang lahat. Ewan! Kahit gusto kong ilayo si Papa dito, may nagtutulak saken na pakinggan ang sasabihin nya. Parang ang dami nyang nililihim. May iba syang nalalaman. And this time, wala akong idea sa pinagsasabi nya!

Kita ko ang panginginig ng katawan ni Mikko sa galit. Galit na galit sya. Naiintindihan ko ang pinanggalingan nun. Pero ang hindi ko maintindihan ay ang hindi nya pagpansin kay Alyx. Parang di nya to nakikita.

“Your brother Mrs. Torres. That Denver Castro, he used to be my loyal employee to both legal and illegal transactions. But mostly to illegal’s.” that’s my father. Proud pa sya. Tsk!! I knew it, tao talaga sya ng Papa ko. Kaya nga nalaman ko nun ang masamang balak nila kay Alyx eh.

Nawala yung mabigat na pumipigil saken kanina na lapitan sya. Kinakabahan ako sa susunod nyang sasabihin kaya agad akong lumapit kay Alyx! Takte naman tong asawa nya na parang walang pakialam.

Marriage with Benefits - COMPLETED Where stories live. Discover now