53: Her Story

6.2K 90 1
                                    

SORRY! ANG TAGAL NG CHAPTER NA ITO TAPOS GANITO PA... AYYYTTT! >.<

Chapter 53

Alyx’s POV

Adjustments. Isang malaking-malaking adjustments.

Ibang lugar. Ibang tao. Ibang salita. Ibang pagkain. Ibang pamumuhay. Ibang bahay. Ibang kasama sa bahay.

Nakakalungkot minsan na para akong tanga na akal ko nasa Pilipinas pa rin ako.

Akala ko nasa bahay pa rin ako ni Mikko. Akala ko sya masisilayan ko pag-gising ko. Pero hindi pala.

Wala na nga pala sya.

Hindi na nga pala kami magkasama.

Hiwalay na nga pala kami.

Tapos na nga pala kung ano mang meron samen.

Laging ganyan yung sinasabi ko sa sarili ko. Nakakabaliw naman kasi. Na kahit anong gawin kong pangungumbinsi sa sarili ko. Na kahit paulit-ulit kong papaniwalain ang sarili ko na tanggap ko na. Na okey na ako? May part saken na umaasa pa rin.

Umaasa pa ring isang araw darating sya at susunduin ako.

Baka darating na lang sya at hihingi ng tawad at magiging maayos na ulit ang lahat.

Pero isa akong TANGA na umaasa saw ala. Ewan ba, para bang kahit na sobra-sobra na yung sakit. Hindi pa rin ako napapagod. Hindi ko pa rin magawang bumitaw. Gusto ko pa rin syang hintayin.

Dahil sa kabila ng lahat.

Mahal na mahal ko pa rin yung asawa ko.

Mahal na mahal ko si Mikko.

Lumayo man ako. Sinubukan ko man syang kalimutan. Nagtapang-tapangan man akong kakayanin ko ng wala sya. Hindi naman ako nagtagumpay.

Marriage with Benefits - COMPLETED Where stories live. Discover now