14: A Disaster Party.

30.6K 303 18
                                    

Chapter 14








Alyx’s POV



Magkahawak kamay lang kami. On my peripheral vision nakikita ko siyang nakatitig sa akin. Hindi ko na lang pinapansin. Kahit na super inis pa rin ako sakanya,aaminin kong  mas magaan ang pakiramdam kong andito siya. Buti na lang dumating siya. >.<

Pag pasok namin sa function hall, dumoble ang kaba ko. At ng maramdaman kong bibitawan na niya ang kamay ko, ako naman ang kumapit sakanya.

“Baby. It’s okey. Tara!!”

Holo? Kung maka-baby naman ‘to oh. >.<

Naglakad kami sa red carpet. At lahat ng mata nakatingin saken. Grabe, hindi ko naman ini-expect na ganito kalaki ang party na ‘to. Ang daming tao.Ang daming matang nakatingin. Nakakailang. Nakakahiya. (-___-)

Inilipat ni Mikko ang kamay niya sa likod ko.

“Relax.” Ghad. Naramdaman niya sigurong nanginginig nag katawan ko.

“Ayoko na dito. Uwi na tayo!!”

“Tsk. Sino bang may gustong pumunta dito? Ng MAG-ISA?” tanong niya habang inalalayan akong umupo sa may isang bonggang round table.

“Ako. Ako na may kasalanan. Ako naman lagi!!” (~~,)

Umupo siya sa tabi ko. Hinili niya pa palapit sa akin ang upuan niya. Hinawakan ako sa baba para iangat ang mukha ko.

Marriage with Benefits - COMPLETED Where stories live. Discover now