50: CHOICE

8K 101 19
                                    

imBitterButSweet- dedicated to you dahil sabi mo wag ako mag-update. Lol! Tenkiiee. XD

Chapter 50

Alyx’s POV

“Birthday pala ni Mikko ngayon?” Halos mapabuga yung kinakain ko ng magsalita si nanay.

“PO!?” nagkunwari na lang akong walang narinig kahit malinaw na pumasok sa tenga ko ang mga salitang yun. Ang pangalang yun.

Uminom na lang ako ng tubig para makabawi. Haaaayy!

“Nabasa ko kasi sa dyaryo.” Tiningnan ko si nanay. Tinaasan nya ako ng kilay.Gusto nyang Makita ang reaksyon ko pero pinilit kong wag magpakita ng emosyon kahit nagulat talaga akong binanggit nya yun. Iniiwasan ko kasi talagang pag-usapan kasi kung ano-ano lang naiisip ko.

2 weeks na din kaming hindi nagkikita. Nag-uusap. Wal;a. At sobrang sakit nun. ToT Ang hirap tanggapin na wala sya. Hindi ko amintindihan. Pero wala akong magawa.

Gusto ko na lang ituloy ang buhay ko. Gusto ko ng lumayo. Dahil wala din naman akong hinihintay. Wala na din naman sya. Nagbago na sya. Hindi na sya ng Mikko ko. Dahil yung Mikkong minahal ko, hindi ako iiwan. Hindi nya ako hahayaang masaktan.Hindi sya maniniwala sa mga maririnig nya.Hindi nya idadamay ang relasyon namin sa pamilya ko. Hindi nya ako huhusgahan. Yung Mikko na kilala ko mahal ako.

Waaah, agad kong pinunas ang mga luhang namuo sa mata ko.

Ewan. Gustong-gusto ko ng sumuko. Ang sakit-sakit na. Ang hirap pero wala akong magawa. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko kaya.

“Anak??” puno ng pag-aalala ang boses ni nanay. 

“Opo. Birthday ni Mikko ngayon.” Nasa dyaryo siguro sya kasi ngayon official na ipapasa sa kanyaang operation ng company nila bilang CEO.

So? Talagang tapos na din naman kami. Kasi ngayong 21st birthday hindi na nya ako kaylangan. Hindi na nya kailangan ng asawa. Nakuha na nya gusto nya. Nagawa na nya ang dapat nyang gawin.

Tapos na role ko sa buhay nya.

Kinagat ko labi ko. Sa sobrang sakit ng dibdib ko minsan parang gusto kong saktan ang sarili ko physically. Parang mas pipiliin ko pa yung ganung sakit  kesa sa sakit sa pusong nararamdaman ko. 

Marriage with Benefits - COMPLETED Where stories live. Discover now