48: Goodbye?

9.2K 100 14
                                    

Chapter 48

Caye’s POV

Dalawang araw na sa ospital si Alyx, ganun pa rin ang sitwasyon. Umiiyak tapos iiyak ulit. >.<

Haaay, pano ko kaya mapapagaanpakiramdam ng  kaibiganko? Paano ko sya mapapakalma? Gusto ko syang tulungan pero di ko lam kung paano? Hmmm.

Natigil ang worries ko ng makarinig ako ng katok mula sa pinto. 11:00 pm na pala. Sino pang bisita ni Alyx? Tapos na visiting hour ah.

Lumapit ako at pinagbuksan ito.

Isang babaeng nangingilid ang luha at mapait na nakangiti saken ang nasa harapan ko.

Siya ba si---?

“Ang anak ko? Si A-alyx??” at nakumpirma ko ang hinala ko. Hindi na ako nagsalita. Binuksan ko ang pinto at hinayaan syang pumasok.

“Caye?” (O__o?) agad kong nilapitan ang taong tumawag sa pangalan ko mula sa labas.

Kung mukhang haggard at stressed si Bill. Mas haggard at stressed naman ang taong to.

“How is she?” nakasandal sya sa wall. Halatang pagod na pagod.

“Hindi okey. Alam mo ba kung anong nangyare ha? Ghhaad Mikko, puntahan mo naman sya. Kailangan ka nya!” kahit mukhang hindi din sya okey, di ko mapigilang di mag-rant.

Pumikit sya at huminga ng malalim.

“God knows, I want to. But I can’t.”

“BAKIT!?” 

“Please,take care of her. Please!” this time, nagtama ang mga mata namen. Lungkot at regret ang nakita ko.

Marriage with Benefits - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon