❤ Prologue ❤

355 9 2
                                    

"I have loved you in every way that I can,
Only, I don't happen to be her."
-Lavignia

Loving Airriz

Excited akong naglalakad at halos magkandirit ako papunta sa bahay ni Airriz, bitbit ang chocolate fudge cake na ginawa ko kagabi bilang regalo sa kaarawan nito. Sinigurado kong masarap ang pagkakagawa ko dahil paboritong paborito ni Airriz ang ganitong cake. I still can't believe na nagde date na kami ni Airriz though ilang weeks na ang nakakaraan ng i-offer ko dito ang puso ko at sabihing tutulungan itong makalimot sa ex nito. It's a one sided love for a long time but just last night, I made it to a mutual love. Alam ko at nadadama kong mahal na din ako nito noong may mangyari saming dalawa kagabi. Nadama ko sa mga yapos at halik nito sakin at nakompirma ko pa iyon ng mag- i love you ito sakin.

Ngunit bakit...

Bakit nang dumating ako sa bahay nito at makitang bahagyang nakabukas ang pintuan ay nabungaran kong yakap nito si Ellaine sa sofa at malambing na sinasamyo't hinahagkan ang ulunan ng babae?

Saglit,... Saglit lang... Ayokong magisip ng masama. Kailangan kong linawin ang isipan ko. Baka kinokonsola lamang nito ang babae dahil nag-away na naman ito at ang nobyo nito na ipinalit nito kay Airriz, o baka naman may nangyari sa pamilya nito at si Airriz lang ang naunang natakbuhan nito, afterall naging magkaibigan na din ang mga ito di ba? Tama, baka iyon lang iyon.

Nilunok ko ang napakalaking bikig sa lalamunan ko na tila dumiretso sa puso ko at nagresulta na manikip iyon ng husto. Tila hindi na ko makahinga.

"H-Hey g-guys..."Naginginig ang boses na bumulalas ko ng salita.

Napalingon ang dalawa sakin. Si Airriz na bakas ang pagkagulat, pagkabahala at kalituhan sa mukha, si Ellaine na hindi ko mawari ang nakabakas na emosyon sa mata pero tila masayang masaya.

" Vi---" Hindi natapos ang salita na tumayo si Airriz habang si Ellaine naman ay kumapit sa braso ng lalaki. Tila nagdedeklarang pag-aari nito ang kinakapitan.

Hindi ko alam kung nanaginip ba ko ng gising, kasi kung oo malamang isa lang itong bangungot.

"Best..." Ani ni Ellain at mabilis na lumapit sakin at yumakap.

"Kami na ulit ni D.A.. Thank you talaga Best... Thank you... Alam ko na ang totoo... Alam ko na na pumayag ka na magpanggap na kayo para mapagselos ako. Kung hindi mo ginawa iyon hindi ko malalaman na mahal ko pa si Airriz... Thank you talaga best.... Lagi kang nandiyan para saming dalawa umpisa pa lang.. Maraming maraming salamat talaga..." Ani nitong bakas sa tono ang kaligayahan habang nakayakap. Napakahigpit ng yakap nito na tila ba sinasakal na ko.

For a moment, I thought I would faint. My knees wobble but I manage to stay firm despite of the fact that my whole being began shattering.

Did I heared it right?
Sila na? Sinabi ni Airriz na nagkunwari lamang kaming kami?

Oo, totoong nung una ay nagpanggap kami na magboyfriend kami para mapagselos si Ellaine, pero sa pagdaan ng mga araw, iba ang nangyari. Ito mismo ang nagsabing nahuhulog na ito sakin. Walang pagsidlan sa kaligayahan ang puso ko sa mga araw na tinuring ako nitong tunay na nobya na, lalo ng nagdaang gabi. Everything seem so perfect and on the right places. I thought I finally made it. I finally made him love me. But I was not. I never succeeded. Lahat ng iyon ay dala lamang ng mapaghangad kong puso't isipan.

LOVING AIRRIZ ( TRAMYHEARTSERIES #3) (ON-GOING)Where stories live. Discover now