Chapter 4 💘 Lavignia 💘 Breaking

85 4 4
                                    


Days passed.

They became close.

Almost closer than me and him in fact.

And it is painful, too painful to watch for.

"Guys, daan muna akong library. Balik ko lang itong hiniram ko." Paalam samin ni Elaine nang magbell na, hudyat na tapos na ang oras ng klase. Bakante ang susunod naming oras na nakatakda para sa oras ng tanghalian.

"Damn, she's so pretty." Bulalas ni Airriz ng makaalis na si Ellaine.

Napailing-iling lamang ang mga kasama namin habang ako ay napangiting ngiwi sa naramdamang paninibugho sa loob ko.

Ilang beses ko na yata nadinig iyon dito sa loob ng isang linggo mula ng dumating sa eskwelahan namin si Elaine.

And my heart sunk over again. A week ago after Elaine came in Arevelo High, she was welcome to our circle. At aminado ako, bagamat gusto ko ito bilang kaibigan, ayoko din dito bilang babaeng nagmamahal.

Oo at mabait naman ito at madaling makasundo, idagdag pa na magaan ang loob ng mga kaibigan ko dito, ngunit may parte sa sarili ko na todo ang disgusto sa nangyayari. Dahil ito pala ang matagal ng childhood crush ni Airriz. Magkapit bahay ang mga ito noon ngunit nabase ng trabaho sa Cagayan de Oro ang Ama nito na siyang naging dahilang ng paglipat ng mga ito doon, at ngayon nga ay bumalik dahil dito muli nabase ang trabaho ng Daddy nitong Engineer.

Naging kasa-kasama na namin ito sa grupo namin kahit pa gustong pumalag ng buo kong sistema. At alam niyo kung ano pang mas malalang balita maliban sa may gusto dito si Airriz?

Nagpapatulong si Airriz sa akin na makipaglapit kay Elaine. Sa akin na lihim na may pagtingin sa kanya.

Siguro dahil close kasi kami ni Elaine kahit minsan ay gusto ko nang baragin ang mukha nito sa selos.

Ang lala lang ng sitwasyon ko 'di ba?

And I know, there's more worst thing to come.

Just like this time.

When Airriz ask for my help to write a love letter for Elaine.

Ang lupet niya lang 'di ba?

Hindi ko alam kung tanga lang ba talaga ito o manhid o sadyang wala lang pake sa nararamdaman ko. Pero alam ko, hindi man ako magtapat ay may hinuha naman ito sa tunay na nararamdaman ko para dito. Binabalewala lamang nito iyon dahil kaibigan ang turing nito sa akin. At ayaw nito na mawala ako. Dahil sa maigsing panahon na naging magkaibigan na kami, naging mahalaga na ako dito. Hindi nga lang gaya ng halaga nito sa akin.

"No. I can't do that 'Riz." Sagot ko dito habang inaayos ang nga libro sa bookshelves ng library. Volunteer worker ako sa silid aklatan ng eskwelahan namin, at tuwing uwian, naglalaan ako ng ilang minuto para ayusin ang mga libro na hineram ng mga estudyanteng walang pagmamahal sa libro, na kung saan-saan lang nilalapag iyon matapos pakinabangan ang mga iyon.

Dahil masyado kong mahal ang pagbabasa ng mga libro, na halos doon na ako tumira kakatambay ko doon, nagkaroon ng pagkakataong inalok ako ng librarian namin na maging taga-ayos ng mga libro, na agad ko namang tinanggap ng buong giliw.

"Why not Vi? Gagawan mo lang naman ako. Hindi naman mahalaga kung mahaba o maigsi, basta may laman lang ayos na. Alam mo namang hindi ako magaling doon di ba?" Pangungumbinsi pa nito sa akin na sige ang sunod sa akin sa bawat pag lakad ko.

"I can't Riz. Hindi din naman ako ganoon katalino, okey? At saka hindi naman ako ang in-love kay Ellaine, kaya paano ako makakapagsulat ng love letter para sa kanya. Ikaw ang dapat sumulat niyon dahil damdamin mo iyan. Hindi ba mas maganda na kung magbibigay ka lang din naman ay 'yung pinaghirapan mo na?" Sermon ko dito na pilit kinubli ang pagdaramdam at paninibugho sa tinig. Kailangan ko din naman ng konting pride 'di ba?

LOVING AIRRIZ ( TRAMYHEARTSERIES #3) (ON-GOING)Where stories live. Discover now