Chapter 6 💖 Lavignia 💖 An Idiot

39 4 0
                                    

Napahinto ako 'di kalayuan sa silid aklatang aking pupuntahan dahil sa nakasandig na bulto ng katawan na aking natanaw. Hindi ko na kailangan pa ng tipara upang malaman kung kaninong bulto ba iyon, dahil maging ang anino nito ay kayang kaya kong tukuyin kung ipapatukoy ninuman sakin. Tila ito may inaabangan o hinihintay, at natitiyak kong ako ang pakay nito ngayon at hindi kung sino lang.

Napahugot ako ng malalim na hininga nang mapalingon ito sa gawi ko. Umayos ito ng pagkakatayo habang sinisilid ang mga kamay sa bulsa ng pang ibaba nito. Nakakatitig lamang ito sakin na tila hinihintay ang paglakad ko papalapit dito.

Napahigpit ang hawak ko sa dala kong mga libro nang makita kong humakbang ito papalapit sakin na animo'y nainip sa kilos ko.

Papalapit ng papalapit sakin hanggang sa tumapat na ito sa harap ko.

"Vi..." Mahina ngunit puno ng kung anong emosyon ang tinig nito. Nanginig ang lahat lahat sa pagkatao ko pagkarinig sa tinig ng lalaking ilang linggo ko nang iniiwasan. Hindi ako makahinga ng maayos gayong isang hakbang pa ang layo namin sa isa't-isa. Maging ang paglunok ay para bang naging napakahirap gawin.

Tunay nga na iniiwasan ko talaga ang mga ito dahil hindi ko na kaya pa ang makisama sa mga ito. Alam kong immaturity sides ko ang gumagana sa ngayon, ngunit hindi ko na din kasi kaya pang magkunwari na masaya kaming magkakasama. O makita itong masaya sa iba, o ang makita si Jacobo na nasasaktan sa pagmamahal ko para dito.  At hindi ko alam kung ano bang mas masakit, ang patuloy na iwasan ang mga kaibigan, o ang makita ang mga itong nagpapatuloy sa buhay na wala ako. Ang kitid ko lang kasi ako naman ang pumili nito.

Mas binilisan ko ang lakad at tuloy-tuloy lamang na lumakad papuntang silid aklatan para gawin na muli ang trabaho ko, ngunit sadyang makulit ito dahil sinundan pa din ako nito hanggang sa loob.

"Vi... Let's talk... Bakit mo ba kami iniiwasan? Ilang linggo ka nang ganito. Nagtataka na ang barkada. Pati text at tawag namin, hindi mo pinapansin. Tell me please... May nagawa ba kami o nasabing masama sayo? Kung mayroon, pakiusap patawarin mo na kami, hindi ako sanay ng ganito tayo..." Pakiusap nito na sige ang sunod kung saan man ako tumungo. Hindi ako kumibo at pinagpatuloy lamang ang ginagawa.

"Vi please... Talk to me... May problema ba sa inyo? Is it too personal? What we've even done to deserve this treatment from you? Are you this coward to do this to us? Hanggang kailan mo ba gagawin ito? Puwede mo naman kaming kausapin. Puwede mo kaming sabihan kung ano man iyan. Mauunawaan namin. Kaysa umiwas ka na lang at iwan kami sa ere." Saad pa nito.

"Tell me... Ganoon na lamang ba kadaling itapon lahat ng pinagsamahan natin? Hindi mo man lang ba kami namimiss? Iiwan mo na lang kami ng ganito na parang walang nangyari? Ganito ka ba talagang klase ng tao?" Anito pa na nakapagpanting ng tenga ko.

Humugot ako ng malalim na hininga sa pagpipigil na mamura ito bago sumagot.

"I just needed space Riz. Malapit na ang National Spelling Quiz bee ko. At may History competition pa ako. Busy lang talaga ako. And besides, barkada lang kayo, wala namang magandang dulot sa akin ang pagsasama sama sa inyo." Parang timang na sagot ko dito upang tigilan na ako nito.

"Stop this bullshits Lavignia!" Mariin at pigil ang pagsigaw na asik nito sa akin na sinukol ako ng magkabilang braso nito. Gulat ngunit pilit nagpakatatag na tinapatan ko ang tingin nito sa akin. Nagpasalamat akong ang oras ng duty ko sa silid aklatan ay uwian dahil wala na talagang tao doon, kundi ay makikita pa ng ibang tao ang ganitong klaseng eksena.

"Hindi ka pa ba tapos? Hindi mo ba nadinig mga sinabi ko? Wala kayong magandang dulot sa akin. Istorbo lang kayo sa pag-aaral ko. Tumabi ka nga diyan." Wika ko ditong sinusubukang kumawala sa pagkakasukol mula sa mga braso nito subalit mas lalong humigpit ang pagharang ng mga iyon sa akin.

"Vi please... Don't feed me those lies. Hindi ka ganitong tao. I've known you since elementary, at kahit hindi pa tayo magkaibigan noon, alam kong hindi ka ganito. Tell me please. Kasi naguguluhan na ko. Gusto ko mang paniwalaan lahat ng mga sinasabi mo hindi ko magawa. Because I know the real Vi. The real Lavignia." Sambit nitong tila hirap na hirap na. Ibinaling ko sa iba ang paningin ko dahil dama ko na konting-konti na lang, bibigay na ako. At ayoko nang bumalik pa sa pagiging tangang walang ginawa kundi umasa dito.

"Please V-Vi... I-I need you right now... Hindi ko na alam kung anong ko. E-Elaine... S-She broke up with me yesterday..." Nanginig ang tinig na sambit nito sa akin. Napalingon akong bigla dito sa sinaad nito. Nabistayan ko ang hindi matawarang lungkot sa mukha nito.

"I don't know who I could talk to. It hurts Vi. She broke up with me without telling me why. Then I saw her flirting with another guy. Tapos may problema pa sa bahay. Ang sakit lang kasi wala akong makausap man lang... You're the only one who can understand me. I missed you Vi. Sobrang namimiss na kita." Wika nitong yumukod at at inabot ang isang kamay ko na nakahawak sa isang braso nito.

Pinigil kong magpakain sa init ng palad nitong humawak sa akin. Pinilit ko ng hustong tikisin ito. Ngunit isang hawak lamang nito, tupok na ang lahat ng paninindigan ko.

And Lord, forgive me for all the 'I will forget him' and 'I will move on' promises that I've made, but I highly doubting myself if I could really do it. Because I can't take it anymore. This sides of Airriz that in pain, is killing me.

I wanna be proud of the fact that he only show this part to me, this vulnerable and helpless side of him, but I can't. I couldn't. Because the truth is, I'm dying of his pain. I'm burning and gradually grumbling like paper that slowly turning to ashes.

Hindi ko kayang makita ito sa ganitong kalagayan. Mas gugustuhin ko pang masaktan at tanawin ang masayang mukha nito mula sa malayo sa piling ng iba kaysa sa makita itong nasasaktan ng ganito.

"I need you now Vi..." Sambit nitong idinikit ang noo sa noo ko habang may mga namumuong luha sa mga mata.

Tila may sariling buhay ang mga braso kong tumaas dito at sinimulang yakapin ito upang aluin. Hindi ko talaga kayang tiisin si Airriz. Martir na kung martir, ngunit kung ang kapalit ng ilang segundong yakap ko ito ay sakit ng kalooban nito, hindi ko na kahit kailan pa hihilinging mapasaakin ito.

"W-What happened Riz?" Tanong ko ditong sumusuko na muli sa paglayo dito.

Alam kong sa ginawa ko, ako lamang din ang masasaktan, ngunit paano ko ba pipigilin ang puso kong hindi kayang tikisin ang minamahal?

💘💘💘💘💘

LOVING AIRRIZ ( TRAMYHEARTSERIES #3) (ON-GOING)Where stories live. Discover now