Chapter 2 💘 Lavignia 💘Friends

63 3 0
                                    

Atras abante ako sa paglapit sa pasimano na kinauupuan ni Airriz. Ilang minuto ko din hinintay umalis ang mga kaibigan nito na kausap nito kanina para lang solo itong makausap. Pero hindi ko talaga alam kung kaya ko ba talagang gawin itong pinaplano kong, 'Operation, Make Darylle Airriz Celeste Fall For Me' agenda.

Nakangiwi akong lumingon sa kaibigan kong nagmamatyag sa isang tabi sa gagawin kong kilos.

"Kaya mo yan! Fighting!" Piping sigaw nito sakin na minuwestra pa ang kamay pataas.

"Hindi ko kaya!" Ganting piping sigaw ko naman dito.

Nagdikit ang mga labi nito sa panggigil sakin at ang kamay na kanina ay nagaaktong suporta ngayon ay nakaambang kamao na. Kung hindi lang ilang hakbang ang layo ko dito, baka sinuntok na ko nito.
Kailangan ko na talagang kumilos kundi, yari ako dito, pagtapos ko pa naman dito, titignan namin iyong bagong crush nito na Jerome yata ang pangalan. Hindi ko na kasi alam sa sobrang dami ng mga crush ni Thalia, pero ayaw naman magpaligaw.

Bumuntong hininga ako at pinalakas ang loob. It's now or never, I must make a move or else, walang mangyayari talaga sa inaamag kong pagtatangi, habang buhay na lang magiging lihim iyon.

Go Vi! Keri mo to!

Ani ko sa sarili ko at lumapit na dito. Sinilip ko kung anong ginagawa nito, at dahil nakatuntong ito sa pasimano, nasilip ko kagad ang ginagawa nito. Nakatungo itong nagdodrawing sa isang kuwaderno n nakapatong sa mga hita nito. Ginuguhit nito si Fire Fist, Portgas D. Ace, isang character sa sikat na anime series na One Piece. Ang galing ng pagkakadrawing nito na halos makopya na nito ang bawat detalye ng anime character, may talent talaga ito sa pagguhit.

"Wowwww...Portgas D. Ace!" Hindi napigilang bigkas ko na kinalingon nito. Hindi ko napansin na kusa na pala akong nakalapit dito at pansamantala kong nakalimutan ang kaba na kanina ay nasa dibdib ko.

"Kilala mo 'to?" Manghang tanong nito.

"Oo naman! One Piece fan kaya ako! Ilang timba kayang luha ang iniluha ko diyan ng mamatay si Ace!' Yan ang favorite anime series ko. And I must say na sobrang ganda ng pagkakadrawing mo Airriz!" Ani kong lumapit pa at binistayan ng husto ang notebook nito. Naging sagabal ang bawat linya ng notebook na iyon sa ganda ng nakaguhit doon.

"Alam mo mas okey sana kung sa bond paper or sketch pad mo ito ni-drawing eh, para walang mga linyang ganito, ang galing ng pagkakaguhit mo kasi dito oh." Ani ko na hinawakan pa ang nakaguhit doon.

Tumawa ito sa sinabi ko.

Wait, tawa ba iyon?
Gosh, I thought I hear angels sing! Pati tawa nito parang musika sa tenga ko.

"Hindi ah. Ang kalat nga ng pagkaka drawing ko." ani nito na nakaharap na pala sakin. Umikot ito sa pagkakaupo sa pasimano.

"Wow ha, kung makalat pa ito, anong tawag mo sa drawing kong hindi ma-identify ni Mam Marquez kung aso ba o pusa o alien nung pinagawa niya tayo dati ng activity sa klase niya." Anang ko naman. Tumawa ito ng mas malakas kaysa kanina na sinabayan ko na dahil sa pagkakaalala ng ng kakatuwang pangyayari na iyon nung elementary kami. Napahiya talaga ako niyon sa buong klase dahil sa ginawang komento ng guro namin noon. At mula noon, hindi na ko sumubok pa magdrawing muli. Alam ko naman kasing wala akong pagasa sa aspeto na iyon.

"Ang harsh mo naman sa sarili mo. Bata pa naman tayo noon, malay mo magaling ka na ngayon." wika nito na inabot pa ang lapis sakin na para bang sinasabi na subukan ko.

"No, never mind. Tanggap ko ng wala akong future sa pagdo-drawing, pero kung human stick ang ido-drawing, aba, talo kita doon." ani ko na kinuha ang lapis nito at inilipat ang pahina ng notebook nito sabay guhit ng mabilis na human stick.

LOVING AIRRIZ ( TRAMYHEARTSERIES #3) (ON-GOING)Where stories live. Discover now