Chapter 7 💘 Lavignia 💘 Salvage

30 3 0
                                    

"I will be careful with you this time... So please, come back to me." Nagsusumamong ani Airriz sa dalagang tila natulos sa kinatatayuan. Sinopresa nito si Elaine sa rooftop ng eskwelahan.

Ilang sandaling tila natulala ang dalaga at hindi malaman ang ire-react sa sitwasyon. Ngunit maya-maya lamang ay maluha-luha nitong tinalon ng yakap ang binata na halos nawawalan na ng pag-asa kanina.

Napuno ng palakpak at tili ang lugar mula sa ilang mga estudyanteng nakasaksi sa eksena.

Pinagsalikop ko ang mga kamay at diniin ang mga kuko sa palad hanggang sa bumaon ang mga kuko ko sa balat ko. Nakatulong ang pisikal na sakit para umatras sa pagtulo ang mga luha kong nagbabadya nang tumulo sa nasasaksihan.
Kailangan kong magpakatatag at harapin ang katotohanang matagal nang sinasampal sa akin ng utak ko. Dahil ito naman talaga ang dapat. Dahil mahal ng mga ito ang isa't-isa. At dahil para ang mga ito sa bawat isa.

Pero tangina, ang sakit lang talaga.

"Vi..." Sambit sa ngalan ko ni Jacobo na nasa gilid ko. Katabi nito ang iba pa naming kaibigan na nagsitulong din upang maisagawa ng maayos ang sopresang ito para lamang kay Elaine.

Ang tanga lang 'di ba?

Umiwas para hindi na masaktan, pero heto ako na nagpakabayani na naman at tumulong para magkabalikan ang dalawa na siyang dahilan ng nasasaktan kong puso. Hindi ko alam na may mas tatanga pa sa mga sardinas na pumasok sa lata na walang ulo.

"I-I'm okay boo. I'm okay." Pilit ang ngiting baling ko dito na hindi alam kung ito nga ba ang sinasabihan o ang sarili.

Nang hindi ko na makaya pa ang sakit, naglakad na ko pababa ng rooftop. Tanga lang ako pero hindi naman ako manhid.

Bahagya na kong nakakalayo nang may pumulupot na braso sa balikat ko mula sa likod. Hindi ko na kailangang lumingon pa para malamang si Jacobo iyon.

"Ito lang ang kaya kong gawin para makabawas sa sakit nararamdaman mo." Anas nitong ipinatong ang isang braso sa bunbonan ko.

Mapait ang ngiti na napatungo na lamang ako sa iwinika nito. "Kailan ba mawawala ang sakit, Jacobo?" Hindi napigilang anas ko ng katanungan dito.

"Hindi ko alam Vi... Siguro bukas. O kaya sa mga susunod na mga araw. O buwan. O taon." Sagot nitong mas lalong nakapagpabigat sa loob ko. "Pero mahalaga pa ba kung kailan? Mas mahalaga, ang katotohanang mawawala din ang sakin. Maaring hindi pa ngayon, pero hindi malabong mangyari. Dahil malakas ka Vi. And you deserve to be happy." Anito na nagpabangon muli sa pag-asa ko.

Pag-asang magiging maayos din ako pagdating panahon. Na mawawala rin ang sakit na dulot ng pagmamahal ko sa isang taong kailanman ay hindi ako mamahalin ni katiting man.

- - -

Parang walang nangyari na muling nagsama-sama ang buong barkada. Tila hindi naganap ang hiwalayan nina Airriz at Elaine, o ang pag-iwas ko sa mga kaibigan ng ilan ding mga linggo. Masaya pa din kaming nagsama-sama sa mga sumunod na mga araw na para bang wala ng katapusan.

Bahagya na akong hindi nakakadama ng sakit kapag nakikita ang dalawa na magkasama at masayang naglalambingan. O mas tamang sabihin, na nasanay na lang ang puso ko sa walang sawang kirot kaya namanhid na lamang.

Ngunit iba ang araw na iyon. Ang araw kung saan unang beses kong nakitang tila nadurog ng literal ang lalaking minamahal ko.

"'Riz? Ayos ka lang? May problem ba? Wala ka yata sa kondisyon maglaro?" Atubiling tanong ko sa binatang nakatalungko sa bench seats matapos nitong makailang technical foul sa basketball. Laban ng Arevello Legion ngayon at isa ito sa Ace ng aming basketball team. Ngunit imbes na makatulong ito sa pag-score ay panay ang pagpasaway nito sa court kaya pinaupo na lamang ng couch.

Wala itong sinagot ni isa sa mga katanungan ko kaya hininuha ko na lamang na malamang, si Elaine ang dahilan sapagkat wala pa rin ang nobya ng binata.

Subalit ang aking pinagtataka ay kung bakit napakasama ng tingin nito sa isa nitong ka-teammate na bago lamang sali sa koponan nito. Ang lalaking nagngangalang Genus na kakatransfer lang din ilang buwan na ang nakakalipas. Hindi ko na magawa pang magtanong pa dahil panigurado, hindi na naman ako nito sasagutin.

Bumawi naman ito nang muling ipasok sa laban at nanalo pa din ang aming koponan sa lamang na isa.

Tapos na ang palaro at nag-aayos na lamang ang mga manlalaro nang magkaroon ng komosyon sa loob ng locker room ng mga ito.

"Vi! Vi?! Si Airriz nakikipagsuntukan?!" Humahangos na sugod ni Thalia sa akin. Napatakbo ako ng matulin sa lugar ng pinangyayarihan sa narinig.

Naabutan kong hawak at pilit pinaglalayo ng ilang mga kalalakihan si Airriz at ang lalaking kaaway nito. Nagpang-abot na nga ang dalawa dahil bakas na ang ilang mga sugat at pasa na natamo ng mga ito sa isat-isa.

"Well unfortunately, akin siya?! Noon at ngayon, akin si Elaine?! Ako ang nauna?! Umepal ka lang?! Hindi siya naghanap ng iba dahil bumalik lang siya kung nasaan siya dapat?! And that's me?! She's mine?!!! Ako nga dapat ang mas magalit?! Kasi ikaw ang sumira sa amin." Sigaw ng kakoponan ni Airriz na si Genus.

"Walang sa iyo dahil akin siya?! Nakaraan ka lang?!" Asik ni Airriz dito.

"Ha... Congrats. Ikaw na ang nakaraan ngayon." Nakangising wika ni Genus dito.

Tuluyan nang naputol ang pisi ni Airriz at sumugod muli dito.

"Airriz?! Tama na?!" Sigaw ko sa mga ito na hindi halos makalapit sa mga nakaharang na nakikiusosyo.

"Tumigil na kayo?!!!" Tili ni Elaine na nakapagpatigil sa dalawa.

Napatingin ang lahat sa dumating na si Elaine na halos nasa tabi ko lamang.

"B-Babe... Sabihin mo sa akin. Sabihin mo sa aking wala ng kahit ano sa inyo ng lalaking ito." Nakiki-usap ang tono at mga mata na wika ni Airriz sa dumating na dalaga.

Ilang sandali ding hindi agad nakasagot si Elaine. Ngunit nang magsalita ito, tila nahiling ko na sana bulag na lamang ako upang hindi ko nakita ang sakit na bumalatay sa mukha ng lalaking sinisinta ko.

"D-D.A....I... I'm sorry..." Tanging nasambit lamang ni Elaine na bakas ang pagkakasala sa mukha.

Dinig ang mga singhap at buntong hininga sa paligid na dulot ng hindi direktang pag-amin ni Elaine.

"H-Hey... Babe... Please. Tell me that you're lying. C'mon..." Ayaw maniwalang saad ni Airriz. Natulos na lamang ito sa kinatatayuan nito nang lapitan ni Genus si Elaine at akbayan. Lumayo na ang mga kalalakihang kanina lamang ay pumipigil sa dalawa.

"I-I'm sorry D.A... Pero mahal ko pa rin si Genus... Hindi ko... Hindi ko sinasadyang saktan ka..." Nakatungong saad ni Elaine na nakapagpanting ng tainga ko.

Hindi sinasadya? Nakipagrelasyon ka sa ibang lalaki habang may mahal ka pa pala? Bulate ka ba? Bakit ang dami mong puso yata?

Gusto ko itong sampalin. Pompyangin o kaya naman ay ihampas ang mukha sa mga locker na nandoon nang matauhan sa pinagsasabing kagagahan. Lalo nang makita ko ang pagtulo ng mga luha ni Airriz para dito. Para akong sinaksak ng paulit-ulit sa puso ng walang tigil. Napakasakit niyon. Ngunit alam kong mas masakit pa din ang nararamdaman ngayon ni Airriz.

"E-Elaine... Hindi. Babe... P-Please. Ako ang mahal mo hindi ba..." Wika ni Airriz dito na sinubukan pang humakbang palapit dito. Ngunit napaatras din ng talikuran lamang ito ni Elaine at tuluyang umalis kasama si Genus.

Isa isang nag-alisan ang mga ilang mga tao na tila nakaramdam na dapat mapag-isa ang binata. Mga nakikisimpatya at naaawa sa sitwasyon na dinanas ng lalaki.

Tulala pa din si Airriz kahit nakalayo na ang dalawa. Unti-unti itong napaatras hanggang sa mapasandal na lamang sa locker.

Physically, he's still whole, but I know better. Broken heart is painful than any physical pain. It's lethal. Devastatingly lethal.

"Riz..." Tanging nawika ko na lamang nang makalapit sa kinalalagyan nito.

Umangat ang tingin nito sa akin, at mapait na ngumiti. And without any words, he hug me. Tightly. As if, asking for salvation.

And I thought, my heart would never be fix, as long as his heart, is wrecked and shattered in millions.

💔💔💔

LOVING AIRRIZ ( TRAMYHEARTSERIES #3) (ON-GOING)Where stories live. Discover now