Chapter 8 💘 Lavignia 💘 Martir

53 6 0
                                    


"Vi ano ba??? Tang na flavor mocha naman eh. Ito ba talagang gusto mo? Ang tulungan na naman si Airriz, Vi? At ikaw pa talaga ang nag-offer sa kanya ha? Kailan ka ba magigising sa kagagahan mo? Hindi ka naman tanga, 'di ba? Pero bakit ang bobo bobo mo pagdating sa pag-ibig? Mabuti sana kung gagamitin mo itong pagkakataon na ito para paibigin si Airriz eh. Hindi eh! Gusto mo itong gawin dahil nasasaktan kang makita siyang malungkot. Nasasaktan kang hindi na siya makangiti kagaya ng dati. Eh hindi mo naman na problema iyon eh! Hayaan mo na lang siya Vi. Makakamove-on din iyon." Sermon sa akin ni Thalia matapos kong sabihin na gusto kong tulungan ulit si Airriz. Kanina pa ako nito sinisermunan mula pa lang pagpasok ko kanina. Malapit na kong mabingi sa kakatalak nito.

"Thal, tama na please. Tanggal na tutule ko kakatalak mo. Kung noon nga hindi niya ako nagawang mahalin, ngayon pa kayang broken hearted siya? Hindi madaling magmahal ng bago lalo't kagagaling mo lang sa sakit. Kasi kung madali lang iyon, sana nagawa ko na matagal na. Alam ko ang ginagawa ko. Alam ko mahirap akong intindihin. Pero just this time, unawain mo na lang ako ulit.  Hayaan mo na lang ako Thal. Last na itong pagtulong kong ito. Ga-graduate na tayo oh. At least kahit sa kunwari, naging kami ni Airriz 'di ba? Masasabi kong naranasan kong naging karelasyon ko siya kahit pakunwari lang. Kahit sa ganoon lang, masaya na ako Thal. Ayos na ako doon." Saad kong pilit nagpapaunawa sa kaibigan.

"Pero Vi, katangahan itong ginagawa mo. At isa pa, wala namang kasiguraduhang magkakabalikan sila. Bakit ba ayaw mo na lang unahin ang sarili mo? Bakit ba lagi na lang si Airriz? Paano ka naman?" Apila pa muli nito.

"Huling bagay ko na itong gagawin para sa kanya Thal. Pagtapos nito, ako naman. Sarili ko naman. Tuluyan ko na siyang kakalimutan. Pangako Thal." Sinsero at humihingi ng pang-unawang wika ko sa kaibigan.

"Pero Vi... masasaktan ka lang lalo sa gagawin mo..." Lumambong ang mata na ani nito. Alam kong kapakanan ko lamang ang iniisip nito, ngunit sadyang makasarili ako. O mas tamang sabihin, matigas ang ulo ko.

"Alam ko Thal. Higit kanino man, alam ko." Saad ko ditong binigyan ito ng tipid na ngiti. Higit kanino man, batid kong ako lamang ang masasaktan, ngunit gusto ko pa ring gawin para kay Airriz. Para sa'kin.

Napailing-iling na lamang itong napalamukos ng mukha sa akin. Batid kong hahayaan na ako nito dahil wala rin naman itong magagawa sa gusto ko. Desidido na akong gawin ito at kahit ano pa mang kalabasan nito, sisiguruhin kong wala akong ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko.

— — —

"Andiyan na siya 'Riz. Ayusin mo ang arte mo, okay? Pakita mong okay ka na." Pasimpleng wika ko sa binatang umiinom ng tubig. Marahan kong nilapit ang sarili ko dito at pinunasan ang pawis sa noo at leeg nito.

Sa peripheral vision ko ay nakita kong umupo sa bench seat na nasa bandang itaas ang ex nitong si Elaine at inabutan ng tubig ang katabing nobyo na si Genus. Akala namin ay hindi na ito manonood dahil kalagitnaan na ng game ay wala pa ito, ngunit dumating rin pala ito. At siguradong iyon ay para suportahan ang nobyo nito.

"Okay lang ba talagang gawin natin ito, Vi? Hindi ka ba naiilang sa tingin ng mga tao? Kaka-break lang namin ni Elaine noong isang buwan, tingin mo ba paniniwalaan tayo nila o kahit ni Elaine? Iisipin nilang ginagamit lang kita para makaganti sa kanya. Na rebound lang kita." Nag-aalangang saad nito sa akin. Bakas ang pag-aalala sa tono nito.

May isang buwan na din nang maghiwalay ang mga ito at sa buong buwan na iyon, nakaalalay lamang ako dito at laging pinasasaya ang binata. Hanggang sa sinabihan ko ito na tutulungan na makuha muli si Elaine sa pamamagitan ng pagkukunwari namin na magkarelasyon kami. Baka sakali kapag nakita ni Elaine na mayroon na siyang iba ay maisip ng dalaga na siya na ang mahal talaga at hindi na ang Genus na iyon. Tapos ay makikipaghiwalay na ito kay Genus at magkakabalikan muli ang dalawa. Atubili noong una si Airriz ngunit ako ang siyang nagpumilit.

Malaking kabobohan, alam ko. Ngunit nais kong gawin kung ano man ang makakaya ko. Kahit halos ikamatay na iyon ng puso ko.

"Shhh. Shut up. 'Wag ka ngang malikot at pinupunasan pa kita." Tanging wika ko lamang at pinatalikod ito sabay punas sa likuran nito. "Hindi talaga kasya ang isang bimpo sayo. Mabuti na lang at apat ang dala ko. Grabe ka talagang magpawis eh." Saad ko pa habang tuloy sa ginagawa.

"Vi..." Nakakunot ang noo na anas nito pagkaharap na para sa akin ay lalong kinalutang ng kaguwapohan nito. Hindi lahat ay gwapong tignan kapag nakakunot-noo, baka nga ito lamang ang ganoon.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at tinuwid tuwid ang kilay gamit ang dalawa kong hinlalaki. Nagtataka lamang ang mga mata nitong napatitig sa akin.

"Masyado kang gwapo kapag nakakunot-noo. Ayokong makita ng iba ang kapogian mo. Baka mas dumami pa kaagaw ko sayo." Ani ko habang tuloy lamang sa ginagawa. Napangisi ako nang makitang hindi na nito napigilan pa ang mapangiti sa tinuran ko. Napailing-iling na lamang na tumaas ang isang kamay nito at inayos ang bangs ko patagilid.

"Bakit ba lagi kang naka-bangs?" Tanong nito.

"Naku 'wag! Baka makita ng mga tao ang Ninoy Aquino International Airport?!" Natarantang anas ko na ibinalik sa ayos ang bangs.

"Anong Ninoy Aquino—" Naguguluhang tanong nito na nabitin nang mapagtanto ang ibig kong sabihin. Marahan itong humalakhak na kinalingon ng ilang mga tao sa amin.

"Hala ang saya niya oh. Baka mautot ka diyan kakatawa ah." Wika ko dito na lalo pa nitong kinatawa.

"Oh Vi..." Napapailing-iling na saad nito sa ngalan ko. "Pero hindi naman kalaparan ang noo mo ah. Kaya paano yan naging NAIA?" Nangingislap sa katuwaan na tanong nito nang matapos sa pagtawa.

"Ehhhhhhh. Basta. Naiilang ako sa noo ko. Parang pang alien eh. May guhit na ewan." Sagot ko dito.

Hinawi nito paitaas ang bangs ko para makita ang tinutukoy ko na siyang nagpagulantang sa buong sistema ko.

Oh my God! Hawak ako ni Airriz!!!
Tili ko sa isipan.

"Ito ba?" Tanong nitong sinundan ang guhit na tinitukoy ko gamit ang isang daliri nito. Para akong mangingisay na ewan sa paglapat ng balat nito sa akin.

Kiming tumango tango ako dito bilang sagot. "Normal lang naman iyan eh. May mga skull talagang hugis ganyan. Tsaka hindi naman halata. Maganda ka naman, hindi na mapapansin iyan." Anang nitong nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

Sinabihan niya ba akong maganda??? Wahhhhh!!! Tili ko muli sa isipan. Napakagat labi ako upang pigilan ang kilig na nadadama.

"S-Sus... Nambola ka pa!" Nakangusong wika ko para maitago ang nararamdaman. Binaba ko na ang bangs ko at tinuloy ang pagpunas dito kahit halos tuyo na ang pawis nito.

"Hindi ah. Hindi kita binobola. Tsaka Vi, ang ganda ng mga mata mo. Natatago sa bangs mo. Kung ayaw mong hawiin, kahit igsian mo na lang ng kauti. Para makita iyong ganda ng mata mo." Pangungumbinsi pa nito sa akin.

"Heh?! Tumigil ka na nga. Baka maniwala na ako niyan." Saad ko dito na kinuha ang tubig na hawak nito at tinungga. Bigla akong nauhaw sa mga pinagsasabi nito.

"Eh dapat naman kasi talaga maniwala ka." Ani nito na halos kasabay ng pito ng referee. Mabuti na lamang at narinig ko pa. Tumayo na ito para bumalik sa paglalaro ngunit tumigil at lumingon sa akin.

"Vi, this game is for you." Ani nito na sinamahan pa ng kindat bago tuluyang tumungo sa gitna ng court.

Napamulagat na napahawak na lamang ako sa dibdib ko sa winika nito habang tinitignan ito papalayo.

Naging maganda nga ang pinakita nitong performance at halos walang nagawang mintis sa buong laro. Nanalo ang koponan ng aming eskwelahan at sigurado na ang puwesto sa finals.

Nagtatalon sa puwesto sa kasiyahan sa resulta na nagsisigaw ako para sa aming koponan. Nagyakap yakap ang mga kasamahan nito at pinukol pukol sa ere si Airriz habang naghihiyawan.

Natatawa na lamang ako sa mga ito habang piping nag-usal ng pasasalamat sa itaas. Pasasalamat na sa wakas ay nakakatawa na muli ang lalaking minamahal. Hiling ko lamang ay makita na itong ganito palagi. Na sana'y magbalik na ang masiyahing Airriz na minahal ko mula pa noong elementary.

Kahit hindi ako ang maging orihinal na dahilan nito, ayos lang. Ang makita lamang itong nakakangiti na ay isang malaking bagay na para sa puso kong nagmamahal.

❤️❤️❤️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVING AIRRIZ ( TRAMYHEARTSERIES #3) (ON-GOING)Where stories live. Discover now