Round 1

11.7K 472 73
                                    

a/n : same timeline ang Romualdez brothers, pero may mga flashbacks pa rin...

"Because pain is addicting..." (c) i love you, thank you

1

Inayos niya ang kanyang buhok saka pinatunog ang busina ng kanyang bike. Ilang sandali , dumungaw doon ang kanyang girlfriend-si Heaven Marie, malawak ang ngiti nito habang sumesenyas sa kanya ng sandali lamang. Nakita niya rin ang pagsilip ng pinsan nito.

Sabado ngayon kaya naman ipagpapaalam niya ang kanyang girlfriend sa mga magulang nito para mamasyal, nakakatuwa dahil kailan lamang nanliligaw siya, pero ngayon two months na silang official na mag-on.

"Hello po tito, hello tita, mamamasyal lang po kami ni Heaven." Bati niya sa mga ito, ngumiti naman ang mga ito sa kanya, alam kasi nila na mabait siya. Mabait talaga siya lalo na kung kinukumpura siya kay Ravin, lihim lamang kasi ang ultok noon.

"Basta mag-ingat kayo, at ang mga bilin ko, huwag masyadong magpapagod?"

"Opo mama!" sabi ni Heaven Marie bago humalik sa pisngi ng mga magulang nito.

"Tignan mo ang anak mo, sayang saya dahil hinayaan mo ng mag nobyo?" panunukso ng mama nito.

"E, kung bawiin ko kaya?" ang papa nito na may halong biro.

"Pa!" nakasimangot na ngayon si Heaven sa mga magulang, siya naman ay natatawa sa ka-cute tan ng kanyang nobya.

"Hindi nyo ba isasama ang pinsan mo?" tukoy ng mama nito sa pinsan nitong babae na nagbabakasyon sa kanila. Medyo masungit ito, hindi namana ang kabaitan ng kanyang girlfriend, mabait naman kasi ang pamilya ni Heaven. Hindi na siya nagtataka.Umiling ang pinsan nito.

"Robin, ingatan mo ang unica namin ha?"

"Opo tita," hinawakan niya na ang kamay ni Heaven, sinakay niya ito sa kanyang bike.

"Ready ka na bang mamasyal kasama ang pinaka-gwapo mong boyfriend?" Tukso niya na ikinatawa naman nito.

"Yes, kahit saan!" masayang sigaw nito.

Kahit ganoon lamang, kahit simple lamang, kahit hindi sila lumalayo ng pinapasyalan alam niyang masaya sila.

....

"Hindi sa lahat ng oras, kamao ang sagot mo sa paki-usap ng kapatid mo sa'yo." Pagkasakay ni Caleb sa kanyang sasakyan ay ito ang sinalubong nito sa kanya. Nakaupo siya sa backseat, nawalan siya ng gana ngayong gabi, gusto niya na lamang umuwi.

"Hindi na siya dapat pumunta in the first place."

"Hanggang kailan mo dadalhin ang sakit ng nakaraan? Nakausad na ang lahat, doctor na si Raven, retired na ang daddy mo, dalaga na ang mga kapatid mo, walo na ang anak ng uncle Ron mo, bago na rin ang presidente ng Pilipinas at America pero yung galit mo nandyan pa rin."

"Gusto mo rin ba na mapalitan ang manager ko?" banta niya na nagpasuko dito, paanong hindi, ito at ang manager niya ay iisa. Kung igigiit nito ang mga pagbabago, hindi siya mag-aalangan na sibakin din ito.

"Iba ka na talaga? Iba ang nagagawa ng kasikatan ano?" panunuya nito.

"Ikaw higit sa lahat ang dapat nakakaintindi ng pinag-daanan ko." Sagot niya, hindi na niya hinayaan na magsalita ito, lumabas siya ng kotse at pinili na maglakad sa kalsada ng Maynila. May suot naman siyang itim na cap kaya may tiwala siya na hindi siya makikilala. Tinalunton niya ang maingay na kalsada na minsan niya ring naging pahingahan noon.

Ilang beses nga ba siyang nagpalipas ng gabi sa sulok , hindi ilang beses nanganib ang kanyang buhay dahil sa mga mapang abuso at mapagsamantalang tao sa kanyang paligid, hindi niya na mabilang ang ilang beses na dumugo ang kanyang mukha sa pakikipag-away hanggang sa maging manhid na lamang.

Romualdez Brothers : Robin's Bad GirlWhere stories live. Discover now