Round 10

8.6K 325 16
                                    

5/5/2018

...


10

"Hello po, mga kuya, nandyan po ba si kuya Robin?"

Sinilip niya ang naghahanap sa kanya, nasa kusina kasi siya, nakatoka na magluto ng kanilang hapunan.

"Anong atin Ona?" magiliw na tanong ni Tonton, si Ona ang bunsong anak ng kanilang amo sa talyer, may-ari rin ng bahay na kanilang tinitirhan. Binalik niya ang kanyang mata sa hinihiwang gulay, baka kamay niya pa ang mahiwa. Pinakinggan niya na lamang ang usapan sa labas.

"Ano kasi kuya, nag-bake kami kanina sa school, medyo naparami kaya ibibigay ko sana itong iba kay kuya Robin, nandyan siya diba? Sabi ni ate, nakita niya si kuya Robin kanina."

"Nandyan ang ate mo?" si July iyon, malakas naman ang tama nito sa ate ni Ona.

"Robin hanap ka ng bata." Si Tonton.

Lumabas naman siya mula sa kusina, nakita niya pa ang pag-ngiwi ni Ona sa pag-adress ni Tonton, pero napangiti naman ito ng makita siya. Buti na lamang at nakasando siya kahit mainit, kung hindi nakaka-eskandalo pang humarap dito.

"Hanap mo daw ako?"

Namula naman agad ang pisngi nito at napayuko sa hawak na box, tinignan at sinenyasan niya ang mga kaibigan na iwan muna sila. May sasabihin siya sa batang kaharap, ayaw niya naman na mapahiya ito sa mga tao.

"Ano kuya, para sa'yo nga pala, ni bake ko sa school, pero pwede ka namang mag share sa mga kasama mo." Inabot niya ang binigay nito, brownies iyon.

"Salamat, hindi ka na sana nag-abala, yung parents mo, baka gusto rin nilang matikman ito, baka ako lang ang binigyan mo, tapos sila hindi. Nakakahiya."

Napahawak ito sa batok, tama nga siya, magdadahilan pa sana ito kaya lamang ay nagsalita siya muli, pipigilan niya kung ano man ang mayroon ito sa kanya. Hindi niya ito masusuklian kaya bakit niya pa pahahabain? Ayaw niyang maging kaawa -awa ito.

"Masaya kang maging kapatid, pero unahin mo muna sana ang pamilya mo, saka mga lalaki kami dito. nag-aalala lamang ako na may masabi sa'yo ang mga kapitbahay natin. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" Ang galing niyang mangaral sa pamilya ng iba, buti na lamang at hindi kumikidlat, kung hindi baka tinamaan na siya.

Tahimik muna ito sa umpisa bago dahan-dahang tumango.

"Bina-busted mo na ako kahit hindi pa man ako nagtatapat?"

"Hello!" kapwa sila napalingon sa may pinto, nakatayo doon si Chedeng na may bitbit na mga plastic bag sa dalawang kamay.

"Hi papa Robin, uy may bagets, sino itey?" tinuro ni Chedeng si Ona. Si Ona naman ay nagpabalik-balik ang tingin sa kanya ay kay Chedeng na naka pekpek shorts. Hindi na nahiya, bakat na bakat ang ano na mas malaki pa yata kay Tonton.

"Siya ba ang dahilan kuya? Mas gusto mo ba ang katulad nya kasi nabibigyan ka ng pangkabuhayan showcase samantalang ako brownies lang?"

"Ha?" hindi niya ma-gets ang sinabi nito sa una, pero sa huli nakuha niya na rin.

"Hindi naman siya babae, kailangan mo ng babae sa buhay mo , huwag mong sayangin ang kagwapuhan mo kuya!" nagmamaktol na wika nito. Babalingan sana nito si Chedeng na nakakunot ang noo sa kanina nang biglang pumasok si Razel, hindi pala nag-iisa si Chedeng.

"Kalurkey, ang hirap hanapin ng lugar nila. Muntik na tayong maligaw." As usual, nagrereklamo na naman ito naka suot ito ng ripped faded jeans at crop top. Nilapitan niya ito saka inakbayan, okay lang na mapagkamalan dito, huwag lang kay Chedeng.

Romualdez Brothers : Robin's Bad GirlWhere stories live. Discover now