Round 14:

8.3K 283 61
                                    

2/17/2019

...

14:

"Kayo na?" Kanina pa niya naramdaman na tatanungin siya Tonton, ngayong silang dalawa na lamang ay hindi na ito nakatiis. Tumango siya. Wala naman siyang maitatago rito.

"Bakit nakalimutan mo na ba iyong dapat mong makalimutan?" Hindi siya kumibo, sa mga oras na iyon, nakatingin lamang siya sa langit, maraming bituin. Nakalimutan niya na ba? Malalim na buntong hininga lamang ang kanyang naisagot.

"Hindi ko alam kung kailangan ng panibagong pag-ibig para makalimutan ang dati, pero ang alam ko mali ang manggamit ng tao para makalimot. Ano nga ba namang pinupunto ko. Tol mali iyon kung mahal mo pa yung una hindi ka dapat susunggab na lang sa kung sino ang nasa tabi mo. Sa bagay nga naman, kasalanan ko kung bakit nila nalaman ang tungkol sa'yo." Tinapik pa siya nito sa likod.

"Hayaan mo na. Nangyari na." Pambabalewala niya.

"Ang daldal ko kasi pero gusto ko lang naman mangyari na higit sa lahat, malaman ni Razel kung saan siya lulugar sa'yo. Alam kong malakas siyang babae pero nakikita ko rin na asang-asa na siya sa'yo." Patuloy pa rin ang kanyang pananahimik. Alam niyang mali, pero bakit hinayaang niyang magpapilit?

Siguro sawa na nga rin talaga siya sa kalungkutan at kailangan niya ng isang taong sasagip sa kanya.

"Kapatid na ang turing ko sa'yo pero kaibigan ko rin si Razel at ako ang unang susuntok sa'yo sa oras na mapaiyak mo siya." Simpleng banta lamang iyon pero mukhang hindi niya pa kayang pagkatiwalaan ang kanyang sarili.

"Kapag dumating ang oras na iyon, lakasan mo ang pagsuntok sa akin." Akala ni Tonton nagbibiro siya, tinawanan lamang kasi nito ang sinabi niya. Hindi niya alam seryoso siya sa bagay na nasabi.

...

"Happy monthsary." Nabigla siya dahil pag-uwi niya walang tao sa kanilang bahay, patay ang ilaw. Akala niya ay wala siyang madadatnan pero heto si Razel at may hawak na cake sa kanyang harapan.

"Na-surprise ka ba?" tanong nito." O wala kang reaksyon kasi nakalimutan mo na naman?" Sumimangot ang mukha nito, napakamot siya ng ulo, nawala sa isip niya.

"Sorry. Alam mo namang busy ako sa next match diba?" Hinapit niya ang beywang nito para lambingin. Ilang sandali pa ay ngumingiti na ito.

"Okay forgiven, pasalamat ka at ang gwapo-gwapo mo." Hinalikan siya nito sa pisngi.

"Let's go, pinagluto kita ng dinner." Hinila siya nito sa dinning area, mayroon ngang nakahandang dalawang pares ng ulam. May pa candle light pa ito. Natatawa siya dahil medyo nakokornihan siya dahil malayo ito sa ugali ni Razel pero hindi niya masyadong ipinapahalata, baka mainis pa ito.

"Nasaan yung mga kaibigan ko?" Tukoy niya sa mga kasama sa bahay.

"Don't worry, nandoon sa bahay ko. Birthday ng kapatid ni Chedeng, kaya after ng celebration natin doon naman tayo."

"Okay."

Iyon ang kanilang unang balak, pero dahil sa nainom at masarap na kwento ay nauwi sila sa kanyang silid.

"Are you sure? Are you ready for this?" Tanong niya kay Razel.

"Mahal kita, that's what I'm sure of." Nakangiting sabi nito saka pina-ikot ang kamay sa kanyang leeg. He showered her with kisses, katulad niya ay damang-dama nito ang bawat halik na ginagawad nila sa isa't-isa. When he opened his eyes, muntik niya na itong maitulak.

For a second , he thought that he is with Heaven, parang buhay na buhay ito at nakangiti habang nakatingin sa kanya.

"Bakit ka tumigil?"

Romualdez Brothers : Robin's Bad GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora