Round 13:

9.4K 309 51
                                    

8/27/2018

...

13:

"Wow ang ganda dito tol!" hiyaw ni Tonton, para icelebrate ang kanyang huling pagkapanalo nagkayayaan sila na mag-out of town silang apat kasama ang mga kapatid ni Chedeng sa isang malapit na probinsiya sa Metro na may magandang beach.

"Maganda talaga kapag libre." Si Chedeng na may kasama pang pagpisil sa kanyang bicep, sinabayan pa ng pag-amoy sa kanya na parang pang aso. Pakiramdam niya tuloy isa siyang malaking buto, kung hindi niya lamang close ang isang ito baka nasiko niya na.

"Ang bango talaga ng papa Robin ko."

"Maubos naman."

"Selos ka na naman, lagi mo namang kasama, minsan ko lang maamoy. Ang damot girl ha?" Asik nito kay Razel, sumalampak naman si Razel sa sofa akala mo pagod na pagod sa byahe, tinulugan lang naman siya nito. Ang totoo natutuwa siya kay Razel, malakas na babae, matapang at mataas ang pangarap. Natatawa na lamang siya kapag pinipikon ito ni Chedeng.

"Selos agad?"

"Bakit hindi ba?" si Chedeng ulit.

"Syempre hindi!" Sigaw nito sa kaibigan, siya naman ay tumabi kay Razel sa couch, hinampas siya tuloy nito.

"Bakit hindi mo ako pinagtatanggol ? Bakit nakikitawa ka rin?" naasar na ito, sinasaktan na siya kasi.

"Ah, dapat pala ipagtanggol ng jowa, o Robin, pagtanggol mo!" Hamon ni Chedeng sa kanya.

"Hindi kami mag-jowa no, saka na lang kapag yumaman na siya, baka pwede ko pa siyang pagtiyagaan." Si Razel na may kasamang pag-irap.

"Hiyang-hiya naman ang kagwapuhan ni Robin sa'yo, saka ang yummy niya ha, malayong malayo doon sa mga 4M na sinubukan mong pagtiyagaan dati." Si Chedeng ulit, hindi niya alam kung paano natitiis ng dalawa ang isat-isa, siguro parang sila na nga lang din ni Tonton, ganoon nga talaga, mas magandang alam mo ang baho ng kasama mo kaysa iyong mga akala mo na maasahan pero sila pa palang sasaksak sa'yo.

"Hindi ka type ni Robin may babae siyang hindi makalimutan saka mayaman naman talaga iyan."Natahimik ang dalawa sa sinabi ni Tonton, nanlaki naman ang mga mata nito ng ma-realize ang sinabi. "Oops , joke lang iyon. Mga bata nakapagbihis na ba kayo? Maligo na tayo sa dagat!" Tinulak nito si Chedeng palabas.

"Bakit mo ba ako tinutulak?" reklamo ni Chedeng

"Syempre kasama ka, aalagaan mo iyang mga kapatid mo, kailangan may taga-bantay." Wala na ang mga kasama nila sa pero wala pa rin nagsasalita sa kanilang dalawa.

"Razel." Tawag niya pero bigla itong tumayo.

"Susunod ako sa kanila, maliligo na rin ako." Akala niya ay lalabas na ito ng silid, pero bumaling ito sa kanya.

"Hindi ako magtatanong, baka isipin mo ang sobrang tsismosa ko, sige iwan na kita, sunod ka na lang kapag gusto mo na rin maligo."

"Galit ka ba?" Kanina pa ito umiiwas sa kanya, kapag kakausapin niya naman tipid lang ang sagot sa kanya, kanina pa siya hindi mapakali.

"Bakit naman ako magagalit?" tanong nito sa kanya."May dapat ba akong ikagalit?"

"Wala."

"Wala naman pala e." Huminga ito ng malalim, gabi na at parehas silang nasa tabing dagat, nakita niya ito kaya pinuntahan niya, may dala siyang dalawang can ng beer, binuksan niya ang isa para ibigan dito. Iniwan niya sina Tonton at Chedeng na kanina pa nag-aaway, parehas nakarami na ng inom. Ang mga bata ay maagang nakatulog dahil sa pagod.

Romualdez Brothers : Robin's Bad GirlWhere stories live. Discover now