Round 11

8.3K 321 37
                                    


6/17/2018

....

11.

"Galingan mo!"

"Ako pa ba?" pagmamayabang niya, sinimangutan siya ni Razel, nagsasabi lang naman siya ng totoo.

"Tama na ang landian , masyado na akong nagseselos." Reklamo ni Chedeng, mula kasi ng huling usap nila ay naging magkasundo na sila ni Razel. Hindi naman masama ang ugali nito, talagang sadyang mahalaga lamang dito ang pera. Naiintidihan niya, binubuhay nito ang sarili sa Manila, nag-aaral at nagpapadala rin ng pera sa probinsiya. Naiintidihan niya kung bakit ayaw na nitong maging mahirap. Si Chedeng naman ay inaasahan ng mga nakababatang kapatid.

"Bff, hindi naman kita aagawan sa kanya. Pinapaalalahanan ko lang, kaysa naman mabugbog siya ng panget na kalaban niya mamaya. Mababawasan iyong kagwapuhan niya." Pag-aalo nit okay Chedeng.

"So, gwapo talaga ang tingin mo sa akin?" he teased. Nakataas naman ang dalawang kilay nito habang nakatingin sa kanya.

"Gwapo ka naman talaga, iyon nga lang mahirap ka kaya bagsak ka sa standards ko." Kung noong una, he take those words seriously, iba na ngayon, hindi na siya na-offend. Sabi nya nga , naiintindihan niya na ito.

"Hay naku Razel, kung alam mo lang, kayang –kaya tayong bilhin niyan." Tinapik niya ang tiyan ni Tonton, ang daldal kasi. Medyo napalakas yata at namimilipit ito.

"Mangyayari lang iyon kapag naging pro boxer na siya like Manny P., siguro baka pumayag na akong maging Jinkee niya." Si Razel na kay Tonton nakatingin. Ang kanyang mga mata naman ay nandito, he scans her clothes, naka-sexy short ito at tube. Bakit pa kasi nauso ang mga round girl sa mga matches, pwede namang wala. Kaya hindi maiiwasang mabastos ito ng madalas.

"Nandito pa kayo, ano pang ginagawa nyo? Mag-uumpisa na, huwag ninyong paghintayin ang mga parokyano natin. Baka nalilimutan ninyong lahat ito ang bumubuhay sa inyo." Natahimik silang lahat ng pumasok si Yago, mabilis na umalis sina Chedeng at Razel. Bago tuluyang makalabas si Chedeng ay nasuntok pa sa braso ni Yago. Pigil ang kanyang galit, kung hindi niya lang kailangan ang trabaho na ito dahil mabilis ang kita.

Ito na siguro ang pinakamaingay na match na nagawa niya, nakita niya ang masamang mukha ng kanyang makakalaban. Mas matanda ito sa kanya ng ilang taon, mas lamang din ang timbang nito, pero unti-unti na siyang nakikilala sa kanyang bilis at bigat ng kamao. Natuto rin siya ng strategy, buhay niya ang nakataya kaya kailangan niyang paghusayan.

"Go tol!" hiyaw iyon ni Tonton na nasa baba, napatingin siya sa gawi ng mga judge, nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya ang isang pamilyar na tao na nakaupo roon. May katabi itong malaking lalake na binulungan nito. His tito Ron is watching, hindi siya kailangang magpadaig sa kanyang kaba.

"Mauna na kayo sa loob." Utos niya sa kanyang mga kasama, kakauwi lamang nila, nanalo siya by TKO sa eleventh round. Alam niyang delikado kapag natapos ang twelve round, mainit siya sa mga mata ng mga judge, malaking pera ang mawawala kapag natalo siya. Malaki pa naman ang maitutulong noon sa anak ni Cosme.

"Bakit, aalis ka?" tanong ni July.

"Hindi , magpapahangin lang saglit."

"Pero gabi na." hinila na ni Tonton si July, pagkapasok nito sa loob ay lumapit siya s aitim na BMW. Kanina pa sila sinusundan nito, kumatok siya at pumasok sa passenger seat. Nakaupo roon ang kanyang tito Ron. He doesn't looked please.

"Ito ba ang buhay na gusto mo para sa sarili mo?"

Hindi siya umimik kaya naman nagpatuloy ito." Magkano ang kailangan mo para tumigil ka?" Alok nito sa kanya.

Buong akala niya ay naiintindihan siya nito, hindi rin pala.

"I know what I am doing tito." He answered looking away.

"Paano kapag nalaman ng mga magulang mo? Hindi ka ba naawa sa mommy mo? You're lucky enough, hindi ako madaldal."

"Thanks for that if that's what you want to hear. Pero wala akong pakealam malaman man nila o hindi, this is my life at matagal ko na silang inalis sa buhay ko."

"Always the stubborn one, hanggang kailan ka magkakaganito? It's been years, dahil sa lang isang babae kaya nyo sinira ang pamilya?" Ron faked a laughed.

Siguro nga walang makakaintindi. Was it just because of that?

"Goodnight tito, mas mukhang pagod ka sa akin." Lumabas siya ng sasakyan kahit tinatawag pa siya nito. Papasok na siya sa loob ng tawagin siya ng kasama ng kanyang tito, naalala niya ito as Caleb.

"Bakit?"

"I saw your potential boy." Binigyan niya nito ng calling card." If you want to be trained for professional matches, give a call, ang talento ay hindi pang –underground ring at hindi pang barya lang. "

"Are you sure you're offering me that?"

"Labas ako sa kung ano mang mayroon sa pamilya mo. Kinakausap kita as a professional coach."

....

"Kumusta po siya Doc?"

"He's doing fine, after all these years , I can say that your brother is really a fighter. Hindi siya sumusuko." Natutuwa siya sa mga sinasabi ng doctor at kung paanong kahit makalipas ang maraming taon ay hindi siya nawawalan ng pag-asa.

"Salamat Doc." Nagpaalam na ang Doctor sa kanya, siya na ang naiwan sa pribadong kwarto kasama si Tonton.

"Tol, matagal ka ng natutulog, baka naman pwede ka ng gumising? Ikaw rin marami kang bagay na namimiss. Marami na tayong pera ngayon, malayo na ang narating ko, hindi ka maniniwala. Pwede ka ng mambabae kahit ilan pa ang gusto mo, basta gumising ka lang." kausap niya kay Tonton, pinipigil niya ang kanyang luha, payat na payat na ito. Na comatose ito dahil sa insidente na kinasangkutan nilang apat, alam niya na delikado ang mapabilang sa pangkat nina Yaggo, pero ang naging sakripisyo ay ang kanyang mga kaibigan, kung sana siya na lang, kung hindi lamang sana sumulpot si Ravin noong gabing iyon, hindi sana hahantong sa ganito ang lahat. Hindi sana nakaratay si Tonton, masigla sana itong nasa tabi niya at nagpapakasasa sa kanyang tagumpay. Hanggang ngayon ay parang bangungot pa rin sa kanya ang madilim na ala-alang iyon.

Ilang oras din siyang naglagi doon bago nagdesisyong umuwi, palagay naman siya na naasikaso ng mabuti si Tonton, may sarili siyang pera para gawin iyon.

Pagkauwi niya sa bahay ay nakita niya ang isang sasakyan na nagbaba ng mga kung ano-ano, pamilyar sa kanya ang sasakyan na iyon kaya naman mabilis siyang bumaba.

"Chedeng!" he called, pero hindi niya makita ang kanyang kaibigan, ang nandoon lamang ay ang driver nito.

"Naku sir, wala po si Madam Chedeng, pinadala niya lang po ang mga pasalubong ninyo."

"Nasaan na naman ang amo ninyo?"

"Nasa Bhutan daw po yata, alam nyo naman po ang prinsipyo noon, trabaho saka gala."

"Mali talaga na binigyan ko siya ng puhunan sa negosyo niya, alis siya ng alis." Inis na reklamo niya.

"Itali nyo na po kasi sir, kung namimiss nyo lagi." Biro ng driver sa kanya, natatawa na lamang siya, nag-ring ang kanyang phone, speaking of, sinagot niya ang video call ni Chedeng.

"Ang kapal ng make –up mo, para kang bakla." Reklamo niya, kainitan kasi ng araw sa lugar kung nasaan ito pero iyong make –up sa mukha, sobra pa sa sobra.

"Bakit bakla naman talaga ako diba?" tinaasan siya nito ng kilay. Wala na siyang naisagot doon.

Oo nga pala. Pilit niyang kumbinsi sa sarili.

Romualdez Brothers : Robin's Bad GirlWhere stories live. Discover now