Round 16:

4.3K 163 17
                                    

3/8/2020

Howling- Victon

....

16:

"Break na kayo ng syota mong mukhang pera?" Nasa loob siya ng dug out nang biglang pumasok si Yaggo.

"Wala kang pakealam." Hindi niya sana ito papansinin, kaya lamang ay mukhang wala itong balak na tantanan siya.

"Iba kasi ang nagagawa ng pera, katulad ko meron ako noon kaya naman madali ko siyang nakuha papunta sa akin." Nakakaloko itong tumingin sa kanya, pinipigilan niya ang kanyang sarili na patulan ito. Mayroon siyang importanteng laban ngayon,hindi niya sasayangin ang kanyang energy sa baliw na kaharap. May tiwala pa rin siya kay Razel, alam nito kung gaano kasama ang ugali ni Yaggo kaya mali ang sinasabi.

"Baka kapag nagkaroon ka nang mas higit na pera kaysa makukuha mo ngayon, baka bumalik pa ang syota mo sa'yo." Tatawa-tawa naman ang alalay nito na nasa likod. Aliw na aliw sa kagaguhan ng kanyang boss.

"Kung may sasabihin ka, diretsuhin mo na." Nababanas niyang sabi dito. Kailangan niyang mag concentrate sa kanyang susunod na laban, ang pagkausap kay Yaggo ay pag aaksaya lamang ng kanyang oras.

Kumuha ito ng bangko at umupo sa kanyang harapan.

"Mabuti at mabilis din pala ang utak mo, hindi pa masyadong naalog sa mga suntok ." Sinamaan niya ito ng tingin, pinag siklop niya rin ang kanyang kamao. Itinaas nito ang dalawang kamay na para bang sumusuko.

"Easy, simple lamang ang gusto kong mangyari. Ipatalo mo ang laro ngayon at doble ng bayad mo ang makukuha mo ngayong gabi."

Inulit niya sa kanyang isipan ang narinig, nang hindi mahimigan ng biro ang gagong kaharap ay napailing na lamang siya.

"Baliw ka na ba? Buhay ko ang nakataya para manalo lamang sa mga laban ko, tapos sasabihin mo na ipatalo ko ang laban? Umalis ka na, hindi ako papayag sa gusto mong mangyari."

Hindi siya manloloko ng mga tao, isa pa, ngayong gabi ay may mga scout mula sa professional league ang pupunta. Kung dati ay dahil lamang sa pera kaya siya nag boboxing ngayon gusto niya ng seryosohin ang sport na ito.

"Madali lang ang ibig kong sabihin, magpatalo sa hindi masyadong obvious na paraan at makukuha mo ang dobleng bayad." Pagkumbinsi nito sa kanya habang pinagkikiskis ang mga palad.

"Hindi ko gagawin yan, hindi ako tanga."

Tumawa ito nang malakas, nakakaloko.

"Hindi pagiging tanga kung magpapatalo ka mamaya, ito ay pagiging matalino sa pagpili ng iyong kinabukasan."

"Umalis ka na, hindi ao magpapatalo." Tumayo siya at tumalikod dito.

"Ikaw rin, ang taong pupusta sa'yo ay si Mr. Katana. Matagal na iyon dito at malaki ang kanyang pagkagusto sa dati mong syota. Kapag nanalo siya, pinalaki mo na ang kanyang pera, makukuha niya pa ang girlfriend mo."

"Hindi totoo yan."

May dinukot si Yaggo sa kanyang bulsa, ang cellphone nito. Ilang sandali pa ay may pi-nlay ito na record ng usapan. Boses nito at ni Razel.


Yaggo- Matagal ka ng type ni Mr. Katana.

Razel- So?

Yaggo- One hundred thousand, handa siyang magbayad ng ganyan kalaki para sa isang gabi.

Matagal na katahimikan, akala niya tapos na ang usapan ng dalawa iyon pala ay may kasunod pa, ang sagot ni Razel na siyang nagpabigo sa kanya.

Razel- Sige, iyon lang ba?




Kinuyom niya ang kanyang kamao.

"Naniniwala ka na ba na mukhang pera talaga ang syota mo?" Panunukso ni Yaggo.

"Hayop ka talaga!"

"Kung nakapagdesisyon ka na, sabihin mo lang ako." Umalis na ito sa kanyang silid, pagkalabas nito ay siyang pagpasok naman ni Tonton.

"Anong pinag-usapan nyo? Anong sinabi niya sa'yo? Hindi ako pinapasok ng mga tauhan niya, nakaharang sila sa pinto. Akala ko may ginawa na siyang masama sa'yo, sa tingin ko buo pa naman ang katawan mo." Litanya ni Tonton habang sinisipat ang kanyang katawan.

"Hindi niya ako sinaktan."

"Mabuti naman."

"Pero may gusto siyang ipagawa sa akin."

"Ano iyon?"

"Gusto niyang ipatalo ko ang laban mamaya." Nanlaki ang mga mata ni Tonton, napalunok ito at halatang kinakabahan.

"At may kapalit kung hindi ka susunod diba?" Tanong nito. Tumango siya, hindi niya nga lamang maidugtong na si Razel ang siyang magiging kapalit.

"Ano ang gagawin mo Robin, kulang sa isang oras na lamang at mag-uumpisa na ang laban mo."

Napasabunot siya sa kanyang buhok, kailangan niyang magdesisyon kung ano ang dapat gawin. Ang kanyang dignidad bilang boksingero o si Razel.

...

Pinaikot ni Robin ang susi sa kanyang daliri, another day to check on his prey.

"Sir, mayroon pong naghahanap sa inyo."

Tinuro ng isa sa kanyang guard ang babaeng nasa labas, nakasandal ito sa kanyang sasakyan. Nawala ang kanyang ngiti ng makilala ang babaeng naghihintay sa kanya. That woman, wala itong patlang sa pagsunod sa kanyang mga laban, lalo na sa ibang bansa.

"What are you doing here?" Tanong niya.

"I miss you." Nakangiti naman itong bumati sa kanya. He looked away. Hindi lingid sa kanya ang pagkagusto nito sa kanya, mula noon hanggang ngayon. Kaya lamang, papatol na siya sa lahat ng babae sa mundo, pero hindi dito. Hindi sa pinsan ni Heaven.

"Okay." He answered dryly. "Can you move? May lakad pa ako." Umikot siya papunta sa driver seat, sumunod naman ito sa kanya, hinawakan nito ang pinto ng driver seat para hindi niya maisara.

"Where are you going? Can I go with you? No, I want to go with you." Makulit na pilit nito.

"No. This is a personal matter."

Muli niyang isasara ang pinto kaya lamang ay hinarang nito ang katawan, nagulat siya ng bigla itong umupo sa kanyang kandungan. Ang mga kamay nito ay nakapaikot na sa kanyang leeg.

Christine is clingy, she's been vocal about her feelings for him, kaya lamang ay wala siyang maramdaman kung ano dito. Pagkakamali na nga na may nangyari sa kanila sa Las Vegas, he was too drunk then.

"Christine." Warning tone was evident in his voice, pinaparinig niya na ayaw niya sa pinaggagawa nito. Hindi siya natutuwa.

"I knew how you love playing games, bakit hindi na lamang ako." Her tone was pleading, as well as his eyes.

He took a deep breath. No. They can never be.

"Get up Christine. It's about time for you to stop and forget about me."

"No Robin, I already gave you my all. Mahal na mahal kita. Ginawa ko nang magparaya dati. I can't do that now. I love you so much, more that my life."

"I can't love you." Robin move his head when Christine attempt to kiss him. Ang nagmamakaawang mata nito ay napalitan ng galit, galit sa kanyang pagtanggi.

"Why not? You can't love me because I am Heaven's cousin? Wala na siya Robin, matagal na siyang patay at pinagpalit ka nya sa kapatid mo. I'm the loyal one. Ako lang ang nagmamahal sa'yo."

He had enough, nilabas niya ang kanyang mga paa at itinayo si Christine, he slightly push her away from him.

"Hindi kita mahal not because you're related, I don't love you because I love someone else." He thought, that's the only way for her to stop, pero mukhang nagkamali siya dahil biglang nagbago nag mukha nito.

"Who is she? Who's that bitch? Robin tell me!" Christine shouted while clenching her fist. Gigil na gigil ito kung kanina konting atensyon lamang ang nakuha nila, ngayon malamang nasa balita na naman ang kanyang pangalan.

Romualdez Brothers : Robin's Bad GirlWhere stories live. Discover now