Round 9

9K 376 47
                                    

4/01/2018

...

9.

Kanina pa parang nalilito si Tonton, mukhang gustong lumabas, nasa waiting room kasi sila, hinihintay niyang matapos ang nakasalang na laban dahil siya n gang susunod.

"Bakit hindi ka na lang kaya lumubas?"

"Okay lang ba?" para namang nagningning ang mata nito , hindi naman niya ito binabawalan na manood. Alam naman niya kung sino lamang ang titignan noon, ang round girl na kaibigan ni Chedeng. Crush na crush ng loko ang babaeng iyon, kawawa nga lamang ang kanyang kaibigan dahil mukhang hindi papatol iyon sa mga mahihirap. Napansin niya kasi na puros mayayaman lamang yata ang kinakausap nito ng nakangiti, kapag mahihirap na katulad nila, nagsusungit ito.

"Binawalan ba kita?"

"I love you talaga 'tol, supportive ka talaga masyado sa lovelife ko." Todo ngiti ito, yumakap pa sa kanya, siya naman pagpasok ni Chedeng sa kwarto.

"May pa hug si Mayor, sama akesh." Sabi nito sa sarili, salamat kay Tonton dahil nataboy na nito si Chedeng bago pa man makalapit sa kanya, kung hindi kasi malalamog na naman siya. Sasalang pa naman siya sa ring mamaya.

"Tumigil ka nga, Cristopher Bulatiti!" singhal ni Tonton, napahawak naman sa tainga si Chedeng, paano'y aksidenteng nalaman ni Tonton ang totoong pangalan nito kaya naman siyang ginagamit na pang-asar.

"Ikaw naman Bulate, sumsobra ka na, kung hindi mo lang kaibigan si Papa Robin ang labo kitang pagtiyagaan."

"Ang sabihin mo, may pagnanasa ka rin sa akin!" asar ni Tonton, sa halip tuloy na mag-isip siya ng strategy para sa makakalaban ay nakikinig siya sa bangayan ng dalawa. Lumapit pa si Chedeng sa kanyang gilid para manghingi ng saklolo.

"Papa Robin, ang bad ng kaibigan mo sa labas."

"Parang di ka na nasanay." Natatawang sabi niya kay Chedeng, inaalis ang kapit nito sa kanya, tumingin siya kay Tonton para mangihingi ng tulong.

"Kapag hindi ka tumigil, kakasuhan kita ng sexual harassment, ni-haharass mo ang kapatid ko."

"Wow, kilabutan ka nga, ang guwapo niya much para maging kapatid mo, kainis ito, pa-highblood." Sasagot pa sana si Tonton kaya lamang ay bumukas ang pinto, iniluwa noon si Yago at ang mga tauhan nito, si Chedeng ay mabilis na nawala sa kanyang tabi. Ang sama kasi ng tingin ng boss nito dito.

"Mauna na ako, Good luck papa Robin!" pahabol nito sa kanya bago nagmadaling lumabas sa pinto.

"Kung hindi ko lang kailangan ang baklang iyon, matagal ko ng dinispatsa." Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Yago, wala namang ginagawang labag si Chedeng, sa tingin niya, pero ano nga bang aasahan niya sa katulad ni Yago, halang ang kaluluwa nito, nagkataon lamang na kailangan niya ng malaking pera kaya naman sumusugal siya sa demonyo na katulad nito.

"Handa ka na ba bata? Milyon ang pusta ko sa'yo, huwag mo akong bibiguin." Lumapit ito at tinapik siya sa balikat, nagbibigay ng warning na kahit anong mangyari dapat maipanalo niya ang laban. "Siya ngayon, wala kang poproblemahin kung hindi kung paano ka mananalo, basta kung ano ang sasabihin ko bata, iyon ang susundin mo kapag nasa loob ka na ng ring, maliwanag." Banta nito sa kanya, tinapik pa sa dibdib si Tonton bago lumabas.

Nang makaalis na ito ay nanginginig sa takot na tumabi sa kanya si Tonton.

"Sabi ko na , gulo ang pinasok natin, hindi tayo makakaalis dito ng basta-basta, ibabaon niya tayo ng buhay kapag sumuway tayo." Inakbayan niya ang nagpapanic na si Tonton. Iisip siya ng paraan, hindi niya ito gustong gawing panghabambuhay, may hangganan din ito.

"Magtiwala ka lang, makakaalis din tayo dito."

Ilang minuto pa ay tinawag na sila para lumubas, nakasalubong niya ang walang malay na player na nakalagay sa stretcher. Nagkatinginan din sila ng nakalaban na ito na mayabang pa na binigyan siya ng signal, itinaas nito ang daliri saka pinadaan sa leeg, ibig sabihin ay siya daw ang isusunod. Marami na siyang mga nakilala na umaapaw sa kayabangan, para na kasing mechanism iyon para takutin ang makakalaban, hindi naman iyon uubra sa kanya, marami na siyang pinagdaanan para matakot lamang sa pagbabanta.

"Good luck." Nagreready na siya bago umakyat sa ring ng marinig niya iyon sa gilid, si Razel, hindi niya inaasahan na kakausapin siya nito. Hindi kasi siya mayaman. "Bakit ganyan ka makatingin?" mukha itong nainsulto dahil hindi siya sumasagot, imposible naman kasi na nagnanasa siya dito, kahit pa sobang ikli ng suot nitong demin short at kita na ang pusod sa suot na pang-itaas, hindi siya naaakit.

"Kinakausap mo ako? Hindi naman ako mayaman a?" bigla naman siyang hinampas nito sa braso, kung ang kaibigan nitong si Chedeng ay hinihimas siya kabaliktaran nito.

"Sabi ko na nga ba kay Chedeng hindi tayo magkakasundo, kasi naman dating mo palang sobrang yabang na, saka wala kang pakealam kung mahilig ako sa pera no. Dyan ka na nga!" tinarayan pa siya nito, pero nang tinawag na para umakyat sa stage ay todo ngiti ito, pakindat kindat pa sa mga lalakeng tumatawag dito sa audience.

Sa isip-isip niya, sayang na babae.

...

"Sir Robin." Pagbukas niya ng pinto ay mukha ng kanyang kasambahay ang bumungad sa kanya, magkasiklop ang kamay nito ay halatang kinakabahan.

"Yes?"

"Sir, ano po kasi.." ngayon naman ay hawak nito ang damit.

"Melissa, ako na ang magsasabi." Si Jeremy iyon kaya naman sa mayordomo siya bumaling.

"Anong problema?" inaayos niya ang butones ng kanyang polo, may bibisitahin siya ngayong umaga.

"Wala naman sir, mayroon lamang konting pagbabago ngayong umaga." Sagot nito at sinamahan siya papunta sa dining, patuloy ang pagkunot ng kanyang noo ng makita niya ang mga kasambahay na nandoon sa dining, mga balisa ng makita siya. Nasagot lamang ang kanyang pagtataka ng makita niya ang kanyang mommy doon na naka apron, may hawak na plato sa kamay.

"Good morning anak, pasensya na pinakealaman ko na iyong kusina mo, maupo ka na." Tinignan niya si Jeremy, tumango lamang ito sa kanya. Pumikit siya saglit saka hinila ang bangko sa gulong mesa. Tatlong plato ang naroon, nagtataka siya kung para kanino ang isa, siya lamang madalas ang nag-aalmusal ang mga kasambahay kasi ay maaga gumising at nauuna na.

"Good morning Robin." Ang kanyang tito Ron ang umupo sa kanyang kaliwa.

"Wait, nakalimutan ko iyong ni-slice kong prutas." Umalis ang kanyang mommy papunta sa kitchen, siya naman ay bumaling sa kanyang tito na kumukuha ng bacon at nilagay sa plato.

"Don't look at me that way, kalalabas lamang ng mommy mo sa hospital. She recovered when you visited her, hayaan mo lamang sana siya, sinama niya ako dahil natatakot siyang hindi makapasok dito. Hayaan mo na ang mommy mo Robin, huwag mo siyang idamay sa galit mo sa kapatid mo. Ang gusto niya lamang ngayon ay gawin iyong mga bagay na hindi nya nagawa sa'yo noon. Believe me, kung may mas nasaktan sa inyong lahat, that's your mom." Naputol ang sinasabi ng kanyang tito dahil bumalik na ang kanyang mommy.

"Gagawan sana kita ng chocolate milk, diba iyon ang gusto mo noong bata ka pa? Pero sabi ni Mellisa black coffee, less sugar daw ang gusto mo, kumain ka na anak." Nakangiti ito sa kanya habang abala sa paglalagay ng pagkain sa kanyang plato. Hindi siya sumasagot kaya naman nakatanggap siya ng sipa sa paa galing sa kanyang tito Ron, patay malisya naman ito kunwari.

"Kumain ka na rin ate." Si Ron sa kanyang mommy dahil hindi nito inaalis ang tingin sa kanya, nakakailang, hindi siya sanay ng ganito.

"Thank you Ron sa pagsama, sana bukas ulit payagan mo ako dito anak." Hinawakan nito ang kanyang kamay na nasa mesa, para namang napaso dahil inalis niya iyon. Ginawa niyang dahilan ang pag-inom ng kape para mabitawan nito. Dismayado man, pero nakangiti pa rin ang kanyang mommy.

Romualdez Brothers : Robin's Bad GirlWhere stories live. Discover now