Round 7

7.6K 344 45
                                    



3/18/2018

....


7.

Nakita niya sa likod ng kanilang bahay si Cosme, malalim na nag-iisip. Hawak niya sa kanyang kanang kamay ang pera na balak niyang ibigay dito. Alam niyang hindi iyon ganon kalakihan pero sana makatulong pa rin kahit paano.

"Kumusto ang anak mo?" humila sya ng upuang kahoy para makatabi dito. Nilingon siya nito saka huminga ng napakalalim, bigo at nanghihina.

"Ganoon pa rin ayon kay Misis, ikinatatakot ko na hindi ko na makita muli ang anak ko, pero hindi naman ako pwedeng umuwi, mas lalong magiging mahirap para sa amin. Dito, kahit paano, kumikita ako ng pera para may pantustos ako sa gamutan niya.

"Heto, isama mo sa gastusin." Tinignan nito ang pera sa kanyang kamay, naluluha ang mata pero kinuha din nito ang ilang libo na kanyang binigay. Sa kanyang kinita sa boksing, ang ibinawas niya lamang talaga ay ang kanyang kailangan sa eskwela.

"Salamat, hindi na ako mahihiya dahil kailangan ko ito. Patawad Robin."

"Okay lang."

"Hindi naman lingid sa akin kung paano mo ito nakuha, kung bata bata lamang din ako katulad mo, hindi ako magdadalawang isip na pumasok sa boksing kapalit ng ganitong halaga, pero hindi, bukod sa matanda na ako, ipinanganak pa akong isang lampa." Tinapik niya ang balikat nito, nararamdaman niya ang prustrasyon nito, marahan niyang tinapik ang balikat nito.

"Mas maganda ang medikasyon dito sa Maynila, pwede siguro na lumapit tayo sa mga tao para mapagamot ang anak mo." Si Tonton iyon, nasa tabi na rin pala niya ito nakikinig sa kanilang usapan. Makahulugan naman itong tumingin sa kaniya. Pag-uwi kasi nila ay hindi siya nito tinantanan. Alalang -alala ang mokong dahil baka daw bigla na lamang silang damputin ng pulis. Kahit pa sinabi niya na wag itong mabahala at hindi sila makukulong, hindi ito napalagay. Hanggang sa inis niya, sinabi niya dito ang lahat mula sa babaeng humahabol sa kanya hanggang sa lalakeng may-ari ng magarang sasakyang kanyang sinira.

"May malalapitan naman tayo, kung may magbababa lamang ng pride niya sa mga tao dito." parinig pa nito sa kanya.

Bigla siyang nainis kay Tonton, gustong gusto niyang bigyan ito ng malakas na suntok para bawiin ang binitawang opinyon. Kahit pa nasa isang demokrasyang bansa, hindi naman ibig sabihin mo ng ipapahayag kung ano ang nasa isip mo, dapat marunong ka munang mag-isip, timbanging ang bawat salitang iyong balak bitawan, dahil kapag nasabi na hindi na ito mababawi pa.

"Kung talagang nagmamalakasakit ka sa anak ni Cosme, pwedeng pwede naman, humingi ka ng tulong sa mayaman mong pamilya. Iyon ang dapat mong gawin." Sinundan pa siya ni Tonton.

Ang isa sanang tahimik na gabi ay naging magulo para sa kanila. Hindi siya nakatiis at sinuntok niya ang kanyang kaibigan.

"Gago ka ba? Hindi lamang ito tungkol sa pride." Itinayo niya ito at kinuwelyuhan saka binalya sa dingding. Ang kanyang mga mata'y nanlilisik habang nakatingin dito. Nabulabog ang kanilang mga kasama sa bahay sa biglang komusyon. Pilit siyang inihihiwalay kay Tonton.

"Kung hindi pride ano? Pasensya na fried chicken lang ang alam kong dahilan. Bobo kasi ako." Sarkastikong sabi nito, dahilan para mas magalit pa siya.

"Tutulong ako sa paraang alam ko, pero hindi ako hihingi ng tulong sa kanila."

"Nakakaawa ka alam mo, ang mga kapatid mo nagpapakasarap sa yaman nila pero ikaw heto, naghihirap ka kasama namin...hindi ko alam, para sa isang babae? Para sa akin isa kang baliw! Tinalikuran mo ang pamilya mo dahil sa isang babae, baliw ka Robin." Muli niya itong binigyan ng suntok sa mukha, tumama ito sa silya saka bumagsak sa sahig. Namimilipit ito sa sakit habang siya naman ay sa sama ng loob.

Romualdez Brothers : Robin's Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon