Chapter 8: Secret Bodyguard

35.6K 1K 432
                                    

NAGISING ako sa ingay ng mga aso sa labas. Kusot ang mata akong bumangon at sumilip sa bintana. Wala pang katao-tao dahil alas tres palang ng madaling araw. Aalisin ko na sana ang tingin ko nang may mapansin akong anino malapit sa poste ng ilaw sa tapat ng bahay.



Tinitigan ko ng mabuti kung tao ba ang nagmamay-ari ng anino o baka maligno. Gumalaw ito at pansin kong patungo ito malapit sa tapat ng kwarto ni Winter. Bigla akong kinutuban kaya nagmamadali akong tumakbo palabas ng kwarto ko at tinungo ang kwarto ni maldita. Mabuti nalang at hindi nakalock ang pinto ng kwarto niya at malaya akong nakapasok. Agad kong binuksan ang ilaw ngunit ganon na lamang ang gulat ko nang wala akong naabutan, wala si Winter.



Shit. Where is she?!



"Anong ginagawa mo rito?"



"Woah, tipaklong!" Napatalon ako sa gulat nang magsalita siya mula sa likuran. Pisteng yawa! Papatayin yata ako sa gulat ng babaeng 'to. Napahawak ako sa dibdib ko, naging doble lang ang kabang nararamdaman ko. "Winter!" Pabulong na saway ko. "Saan ka ba galing?"



"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya ulit. Wow, cold ha.



"Saan ka nga galing?" Ulit ko rin.



"Anong ginagawa mo rito?" Pero mas paulit-ulit siya.



"Wala!" Pabulong sa singhal ko sabay sulyap sa gawi ng bintana. "H'wag ka ngang lalabas ng kwarto mo."



"Are you planning something bad to me? Balak mo ba akong i-rape?" Mabilis akong napalingon sa kanya. Kung hindi mapinta ang mukha niya, mas lalong hindi mapinta ang mukha ko dahil sa narinig.



Nakakaloka. Manyak na ba talaga ang tingin niya sa'kin? Errr, kakalbuhin ko na talaga 'to!



Napalunok muna ako dahil sa pagtitimpi. Nako po, ako na talaga ang papatay rito. "Ang kapal ng mukha mo! Hindi kita type no. Kung papatayin kita, sana matagal na! At isa pa, wala akong pagnanasa sa kagaya mo. Mas maganda pa nga ako sa——!" Hindi ko naituloy ang sasabihin nang may marinig kaming ingay malapit sa bintana. May kung anong nahulog malapit doon. Nagkatinginan kami ni Winter. Sinenyasan ko siyang h'wag munang gumawa ng ingay. "Sshh."



At ayan na naman ang kaba ko. May tao nga sa labas. Napalingon naman ako sa gulat nang hilain ni taglamig ang laylayan ng aking damit. "Ano ba, diyan ka lang." Ang tapang tapang sa'kin pero takot din pala.



"Natatakot ako."



"Ako rin!"



Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa damit ko at dahan-dahang lumapit sa bintana. Bahagya kong hinawi ang kurtina at pasimpleng sumilip. Namataan ko ang lalaking iika-ikang tumatakbo paalis na siyang ikinakunot ng noo ko. Doon ko tuluyang hinawi ang kurtina at binuksan ang bintana, only to find out na hindi ito nakalock.



Lumingon ako kay Winter. "Did you lock your window?" She nodded right away. Pansin ko ang takot at kaba sa mga mata niya that made me felt something weird. Hindi ako sanay na makitang ganito ang reaksyon niya.



Binalik ko ang tingin sa labas. Sinara ko ulit ang bintana pati na rin ang kurtina. Hindi na talaga kami safe rito pero ayaw ko namang magpanic itong kasama ko. Mas lalo lang siyang matatakot. Mas mabuting sa magulang niya na lamang ko ipagbigay alam.



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon