Chapter 36: Sweetness of pain

34.6K 989 707
                                    

Cyprixille's.



"I need the signed report for the Accounting department's ticket that took long enough to get resolved. Send it before seven!"



Panandaliang nalayo sa keyboard ang mga kamay ko. Napainat ako at napahikab saka nagdaramdam ang katawan na napahaplos sa aking batok dahil sa pananakit nito. Mapait ang mukha kong sinulyapan ang digital clock na nasa tabi ng aking computer. Alas sais na ng gabi at siyam na oras na akong nakatutok sa monitor dito sa opisina. Nakauwi na ang lahat, nasa office pa rin ako. Work life balance? Na-uh. OT is life. I want money. Pagkatapos ay walang interes kong sinulyapan ang phone machine na pinanggalingan ng nakakasuklam na boses ng aming department head na feeling may-ari ng kompanya at ang kanina niya pa pinapaalalang ticket.



"I need the signed report for the Accounting department's ticket that took long enough to get resolved. Send it before seven!"



Gara ah. Inulit pa.



Thanks to me dahil sa daming pinagdaanang IT ng ticket na 'yon, ako lang ang nakaresolve ng pesteng concern nila!



But, of course my supervisor is not that appreciative. Not at all.



Today is Friday, a very busy day...at least for me. Ito ang natatanging araw kung saan nag-oovertime ako ng hindi lang isang oras kundi hanggang sa matapos ako sa mga tasks ko. I can even do OT's kahit hindi bayad basta matapos lang ang mga dapat tapusin dahil ayaw kong sumasakit ang ulo ko sa mga kasunod na araw. Ayaw kong natatambakan ako ng gawain pagdating ng panibagong linggo, and I won't let myself stress out first day of the week just because I don't have that sense of urgency.



Okay lang mastress ng Friday, h'wag lang Monday.



Too many work needs to be done. Exhausting. Draining. Sometimes toxic. So, what? It's not like it happens everyday though. I still love my work in spite of those downsides. Let's all do. Let's always stick on the brighter side so as long as you love what you're doing, not because you don't have much that choice. Sabi nga ng papa ko, take a risk to find your place. The right one, not the good one.



"Cy, hindi ka pa uuwi?" Napukaw ang atensyon ko nang magsalita si Ate Rema na nasa kabilang desk. She's our IT coordinator. Nakatayo na ito at handa nang umuwi. Buti pa siya, makakauwi na. Kami na lamang kasi ang naiwan dito sa department namin dahil maagang nagsiuwian ang iba, ang mga taong hindi takot magahol sa oras kaya nakakauwi sa tamang oras. Doesn't include me, obviously. "Hindi ka pa tapos? Sa Monday mo na tapusin 'yan. May mga paper works din akong naiwan at mga pending calls pero next week na 'yon. Ang sakit na ng likod ko," she said, grunting.



"Una kana, teh. Tatapusin ko lang 'to. Isang ticket na lang din naman at mags'send na lang din ng report para sa closed ticket ng accounting," sagot ko rito.



"Sige. Nasa baba na ang sundo ko eh. H'wag kanang magpagabi masyado, Cy. Lagi kang naiiwan mag-isa rito, hindi ka ba natatakot?"



Natawa ako. "Wala namang nakakatakot dito, Ate Rema. Ikaw talaga." Naiiling kong ibinalik sa computer ang atensyon ko para maumpisahan na ang report na kailangan kong ipasa before seven. It's just an email report na kung hindi pa ipinaalala ng matanda through phone machine ay baka nakalimutan ko na nga. "Ingat ka sa pag-uwi, teh."



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon